Chapter One

19 2 0
                                    

Edited. April 29th, 2016 1:02 am

Dedicated to: BlueHeartzz
#BestiesForeverLikeSisters

Sa kwarto ni Aling Beatrice... 8:23 am
'
'
'
"'Nay, gumising na po kayo," sambit ng isang dalagang nakapusod ang buhok, habang mahinang iniyugyog ang katawan ng inang mahimbing na natutulog.

"Mhmmm," anito, dahan-dahang bumabangon habang ang isang palad ay biglaang napahawak sa ulo.

"N-Nay?"

Ngumiting malambing nang tumingin ang ina sa kanya.

"Pasensya na nasobrahan ako sa tulog," pag-papaumanhin nito.

"Okay lang po, 'yon. Pero ipinaghanda ko na po kasi kayo ng umagahan bago 'ho ako aalis. Mas mabuting higupin niyo yung sabaw na niluto ko habang mainit pa." Malambing na pag-alalay nito sa ina patayo mula sa kama.

"Anong oras na pala, ija?" tanong ni Aling Beatrice, habang nakahawak sa bewang niya ang anak na babae.

"8:29 na po. Mukhang nagpapagod 'ho kayo. Di ba sabi ko naman po sa inyo na 'wag kayong magtrabaho?" paalala niyang may bahid ng pag-aalala. Sinumpong kasi ng mataas na lagnat si Aling Beatrice noong isang nagdaang araw. Payo ng doctor na huwag siyang papatrabahuin at baka mabinat.

"Hindi dapat gan'un, anak. Ako ang ina at pundasyon ng pamamahay nito. Simula ng mamatay ang itay mo, ipinangako ko na ako ang gagawa ng paraan. Ang dapat mo nga sanang gagawin lang  ay mag-concentrate sa pag-aaral mo," pagrarason nito, at umupo na din sa upuan niya na kaharap ang almusal na inihanda ng kanyang anak.

"Inay, kahit pabalik-balik itong pagtatalo nating ito, di pa rin ako papayag na ika'y magpupuyat. Ikaw na lang nag-iisang tao sa buhay ko." Tumulo ang luha ng dalagang nakapulupot ang mga braso sa ina.

"A... anak," anito at pinahid ang luha sa mga mata ng anak.

"Kaya, ako na lang po ang bahala sa lahat. Ok, 'nay?"

"Sige. Basta, 'wag kang-"

"-magpapagod. Alam ko po 'yun, at t'saka di naman ako mapapagod, 'noh kasi I love you, 'nay."

"I love you din, Rish, anak."

"Sige na, kain na tayo. Nag-abala ka pang magluto tapos paghihintayin lang pala natin ang grasya."

"Hahaha~ Sige po, tikman niyo po ang tinola kong manok. Masarap 'ho ba?"
'
'
'
○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●
'
'
'
SouthCrest University 10:16 am <Mathematics 2J>

'
'
"...and divide each sides by the coefficient of the unknown..."
'
'
Haysst. Kailangan ko pa palang mag-aral para sa History quiz namin ngayon. Patago kong binuklat ang libro ko sa pahina kung saan kami huling nag-discuss.

Habang ang buong atensyon ko'y nasa pang-anim na pahina ng libro, nabigla na lang ako sa presensya ng guro namin.

"Miss Sy. What are you doing with that book. Is that related to our topic of discussion?"

Nanlaki ang mga mata ko dahil ako'y nahuli, at pati na din sa biglaang pagsulpot ng guro.

"A... Ano 'ho, History... book?"

"I know, I'm not blind. And that's a violation to my classroom rules, Miss Sy, alam mo 'yan. Kahit ano pa ang dahilan mo, we are having a Math discussion at hindi ko na-a-appreciate ang pambabastos mo. Answer that equation on that board. Now!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'll Be Your KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon