Unang pagkakatagpo

14 0 0
                                    

Unang pagkakatagpo *bow dejk*

Nung una palang tayong nagkatagpo,
Alam ko ng ayoko ng lumayo
Minahal kita agad
Pagmamahal na sagad na sagad

Mga ngiti mong patuloy kong minamahal,
Mga sakit na patuloy mong ibinibigay
Mga mata mong napakaganda
Ngunit bulag at hindi makita ang tunay na pagmamahal

Ako'y nagpahulog
Sa bangin na napakalalim
Ako'y humawak
Sa pag-asang puro patalim

Pagibig na hindi mo napapansin
Sakit ay parang sugat na nilalagyan ng asin
Pagibig na hindi sinuklian ng tama,
Ako'y wala ng nadarama

Sana kahit sa isang pagkakataon lamang,
Ako naman iyo'y maramdaman
Sana'y makapiling ka balang araw,
Maramdaman ang iyong pagmamahal na walang hanggan

Mahal, ika'y minahal agad
Pagibig na hindi tumitigil sa pag-agos
Pagmamahal na hindi matatapos
Mga nararamdaman ay parang nung ating unang pagkakatagpo.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 23, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Random Thoughts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon