Chapter 1

28 4 14
                                    

Pam POV:


"best tagay mo"





"oy wag gawing kanin ang pulutan"





"tito happy birthday po ulit"





Hello, ako nga pala si Pam..
andito ako sa San Roque uminom kasama mga kaibigan ko. Birthday kasi nung tatay ng isa naming kaibigan si Gab kaya lumalaklak ako ngayon dito. Hahaha





"oi Pam bakit tulala ka jan? Kanina pa yung tagay sayo inumin mo na yan." Gab said





"ay sori naman, sigeh iinomin ko nah."





"ohh.. Ayan na" sabay abot ng baso.





Hay lasing na ata ako, mejo hilo na rin kase ako, my nakaakbay nga sakin na lalaki di ko naman na mamukhaan kase mejo nanlalabo na ung paningin ko, but i can manage naman.





Alam mo ba kung bakit ako umiinom ngayon? Simple lang naiinggit or should i say nag seselos ako sa mga kapatid ko.





Di ko alam bakit sila nalang palagi ang nakikita ng mama ko, eh ako naman ang unang anak haa, step sister/brother ko lang naman sila.





Bakit sila pag may sakit binibili na agad niya ng gamot, minsan umaabsent pa siya sa trabaho maalagaan lang sila,





Pero ako pag may sakit ako, ako nagaalaga sa sarili ko, ako din bumibili ng gamot ko pag may natitira akong baon sa school.





Sila din ang madalas na bilhan ng mga bagong damit , laroan, minsan inuuwian niya ng mga pasulubong pagkagaling niya sa trabaho. Ako? Wala.. Malaki na daw kasi ako..





Haaayyy..





Pero ako rin naman ang may diperensya, ndi ko naman kase sinasabi sa kanila kung may sakit ako o may gusto ako.





Nawala ako sa pag iisip at nagulat ako nang may kumalabit sakin, si Rizza pala, siya ang tanggera eh.





"oi ayos ka lang?" Rizza



"oo naman, ayos lang ako."



"bakit tulala ka?" siya.



"ahh... Wala naman may iniisip lang ako."



"ano? Ung tampo mo sa mama mo parin ba yan?" siya.



Grabe kilalang kilala na nya talga ako. Kaya lang may isang bagay parin ang ndi ko kayang sabihin sa kanya. May mga bagay parin akong sinisekreto, dahil ayokong mag iba ang tingin nila sakin.




*Flashback* 2 years ago



Hapon na at paalis na si mama kasi papasok pa siya sa trabaho. Ung step father ko naman wala nasa trabaho.



Si mama every after 3days and 2nights ang uwi, ung step father ko naman gabi gabi kung umuwi.



Sa edad kong 12 marunong na ako mag alaga ng bata, pero nag aaral naman ako kumuha ng tigapag alaga si mama ng mga kapatid ko, pero sa gabi ako na ang nag aasikaso sa kanila..



Maya maya nakatulog na rin ako, naalimpungatan ako kase narinig kong bumukas ang pinto at naramdaman kong may naglalakad, yun pala dumating na yung step father ko.



At nakatulog na ko ulit. Madaling araw na siguro nang maalimpungatan akong may humawak sa may binti ko pataas sa may hita ko.



My Dream (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon