Tanga Mode: ACTIVATED

11 0 0
                                    

Nagmahal, Nagsakripisyo, Namove-on.

Nagmahal, Nareject, Nagmove-on.

Nagmahal, Umasa, Nasaktan, Nagmove-on.

Pinaasa kaya nagmahal pero nafriendzone tas Nasaktan at Nagmove-on.

Gash Please. Sanay na ako sa ganyan. Ayokong magstorytelling, gusto kong magmura. Hahaha P*ta, Ang sarap uminom.

Wag nalang. Ayokong mabuntis.

Okay. Saan na nga ba uli tayo? Aah, Oo. Different situations sa mga taong TANGA.

**SITUATION NUMBER ONE

First and foremost, NAGMAHAL. Touch Your Heart! Alam kong alam mo na masarap magmahal at ang sarap 'pag minahal ka rin. Yung tipong kinikilig ka. Yung sinasabihan kang ang Ganda mo. Ahihihi

Para sabihin ko sa'yo, temporary lang yan!!!

Pag sinagot mo na yan, @#%&!!

Pangalawa, NAGSAKRIPISYO. Pagkatapos ng sakripisyo niya, sakripisyo mo na naman. Yung oras mo! Yung Freedom mo! Yung Pera mo! Yung .. Yung .. Yung ano .. Oo, yung ano! (Hindi naman siguro lahat pero majority yung ano yung gustong isakripisyo!) Tapos pag hindi mo sinakripisyo, It's either magagalit siya o hihiwalayan ka niya.

Alam mo bang ang sakit ng ginawa mong pang-iwan tapos malalaman ko lang na ang ANO KO yung gusto mo hindi yung ugali ko! Ang sarap mong sakalin! Akala ko pa naman totoo yung mga sinasabi mo sa'kin tapos nambobola ka lang pala! Pucha ka! First love pa naman kita at akala ko, magiging last din pero @#$%&!!

Okay. KALMA. Ito yung pinakamasakit na part. MOVE ON.

Alam kong masakit at hindi mapigilang mapiga yung puso mo sa sakit at ang sarap ihagis ng mga gamit mo ng dahil sa sakit pero hindi mo magawa kasi sasakit lalo yung puso 'pag may hinagis kang gamit na kemahal-mahal ng presyo kaya hindi mo nalang ihahagis. Ang hirap kayang mag-ipon ... NG LAKAS NG LOOB PARA MANGHINGI NG PERA SA MAGULANG MO PARA MABILI ANG GANYANG GAMIT TAPOS IHAHAGIS MO LANG?! Wag nalang.

Pero mas masakit pa ring mag-move on. Diyos ko! Kunin mo na ako .... pero wag muna dahil gutom pa ako. Sasakay nalang ako pag nagdedepart na yung eroplano papuntang Langit. Paglate ako umuna nalang kayo. Babye!

Okay. OA.

Of course, my dear. Makakamove on ka. Alangan namang magmala sadako ka kasi hindi ka pa makamove on. Lilipas din 'yan, maniwala ka sa'kin tulad ng pagpaniwala ko sa kanya na mamahalin niya ako habang buhay pero ano yung ginawa niya?! @#$%&!!

**SITUATION NUMBER TWO

Pagkatapos magmove on, Magmamahal ka muli my dear kasi umaasa kang may lalaking darating na worthy sa pagmamahal mo. Hahaha Alam ko 'yan kasi naranasan ko na 'yan. Ang sarap uling magmahal no? Ahehehe

PARA SABIHIN KO ULI, TEMPORARY LANG YAN!! LALO NA KUNG IKAW LANG MAG-ISANG NAGMAHAL!

MAREJECT. Oo girl. Kahit na maganda ka pag nareject ka, ang pangit-pangit ng tingin mo sa iyong sarili. Touch your Heart mga Tanga! Alam kong ganyan yung feeling niyo.

Kaya maraming torpe eh. Alam mo bang ang sarap sa pakiramdam nung naexpress ko sa'yo na gusto kita tapos sasabihin mong di mo ko gusto kaya sinabi ko nalang na Happy April fools para hindi ako mapahiya at para hindi ako mapapangitan sa sarili ko. Tinawanan mo nalang ako sabay sabing 'You caught me there'

Tanga ka ba?! (Uy! Pareho pala tayong tanga XD)

Hindi April nung panahong iyun! Pebrero yun, p*ta! Marunong ka bang tumingin sa kalendaryo?! (Mabuti pang kalendaryo, Araw-araw may date. Lumang pick-up line pero hugot sa puso T-T)

Fool Again (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon