P*ta pare pareho kayong mga lalaki mga manloloko! buti nlng d ko sinuko ang Bataan ko! sabay lagok ng beer
napatigil ako ng halos nkatingin na ang mga tao sa paligid sa akin.
anu ang tinitingin niyo?! oh? anu?! mga chismosa! bago kayo tumingin sa iba tingnan niyo muna sarili niyo!
tumayo na siya at naglakad pauwi sa kanila .
**
ay! susmaryosep kang bata ka! anu ba't halos araw-araw nlng umiinom ka?
sermon sa akin ni nanay
ay! naku nay! ka'uuwi ko lng anu ba kayo sabi ko sa kanya
anu ba ang problema mo? at alam mo na ngang wla na tayong pera tpos bumibili kpa ng alak? ka babaeng mong tao umiinom ka!
sunod na sunod na sabi ni mama
nay.. wrinkles nio oh.. sabay turo sa noo nito
kuu..! ikaw batang ka!
nay! nuh ba! kayo
hay naku hala't matulog kna lng nga
**
MINA.........!
susmaryosep! ang aga aga sumasabog nmn ang bunganga ni mama
nandyan na ma! p*ta may hang over pa ako..
anong problema ma?
ANU?! alam mo ba kung anong oras na? alas onse na ng umaga!
e..? so..? bakit may ano ngayon?
Mina! alam mong may klase kpa!
sus! ma.. may hang over ako e tapos tinatamad pa ako.
wla ka na bang balak magtpos anak? mahinahong tanong ni mama
wala ma at saka magtratrabaho na ako sa maynila ma
maynila a.. ANU?! MAYNILA?! hindi mo ba alam kung ano ang mga tao dun?
syempre ma alam kung tao alangan alien? wla ba kayong tiwala sakin ma?
anak hindi nmn sa ganun ang inaalala ko lng e wla kng mkakasama dun mahirap na
ma? alam ko pero ginagawa ko eto para sa inyo ni papa at Hindi pa tayo nkakabayad sa ospital at huwag kayong mag-alala ma si tiya conching ang nagrekomenda sakin bilang katulong.
ana-
ma? magiging ayos lang ako tiwala lng ma;)
Mina? anak...,sa ugaling mong yan gusto mo paaging isang katulong?
kaysa naman tumunganga ako dito ma alam ko namang wla na tayong pera...
sana naman anak kung aalis Ka ngang maynila sana pag'uwi mo dito hindi kpa buntis..
huh? anu ma? anong akala niyo saken? kayang kaya ko na ang sarili ko..
oh..siya basta mag'ingat ka dun ..hwag mong pababayaan sarili mo a..
Ako pa ma..
oh..,sige magbebenta muna ako ng kakanin a..
sige ma..
ano kaya ang magiging buhay ko as maynila..?tanong ko sa isip ko
