When she Smiles :)

140 23 0
                                    

                                                         Whe she Smiles :) 

By : Complicated Writter 

                                                            * enjoy reading *

*   Minsan dapat na nating pabayaan ang mga bagay na hindi para sa atin . Mahirap pero kailangang tanggapin na may mga taong maaarin mong mahalin pero hindi mo pwedeng angkinin *

       Ako si Jayson , isang nerd sa isang pampublikong paaralan . Ako ay matangkad , kulot , pango , payat at tahimik na mag-aaral . Walang nagbabalak na makipagkaibigan dahil sa aking panlabas na kaanyuan . Palagi akong tinutukso dahilan upang ako’y nasa loob lamang ng silid aralan nang buong araw .

       Ngunit nagbago ang lahat nang makilala ko ang babaeng palaban ngunit masiyahin , babaeng maganda ang kalooban at maganda sa panlabas na kaanyuan , babaeng unang lumapit at nakapagpatibok ng aking puso dahil sa kanyang matatamis na ngiti , si Donna . Simula noon palagi ko na siyang kasama saan man ako pumunta . Siya rin ang palaging nagtatanggol sa akin sa tuwing ako’y natutukso . Maraming buwan na ang lumipas ngunit patuloy pa rin ang aming koneksyon sa isat-isa .

     Marami ang nanliligaw sa kanya sa aming paaralan . Ngunit iisa lamang sa mga ito ang kanyang pinapansin , si Kirby . Labis akong nasaktan nang sabihin niya sa aking na gusto niya si Kirby . Masakit man ngunit kailangan kong tanggapin alang-alang sa aming pakikipag-kaibigan at para sa kanyang ikasasaya . Sa bawat araw ay hindi nabibigo si Kirby na pakiligin si Donna . Palagi niya itong binibigyan ng mga rosas at tsokolate , palagi niya rin itong ipinagtatanggol sa tuwing ito’y napapa-away . Masakit isipin na ibang tao ang gumagawa ng iyong dapat gawin at ibang tao rin ang nagpapasaya sa iyong minamahal. Wala akong nagawa kundi tanggapin at isuko si Donna kay Kirby dahil alam kong ligtas siya rito at alam kong sila’y nagmamahalan .   

    Mahal ko si Donna kaya gagawin ko ang lahat mapasaya lamang siya . Kahit na ang kapalit nito ay ang sarili kong kaligayahan .

                                        “ YOUR SMILE TRULY CAPTIVATE MY HEART “ – Jayson

Comments and Suggestions visit me on Fb : joannorombaba@ymail.com

                Twitter : Joan Gutierrez – KeepCalmCall_Me

When she Smiles :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon