Andrew's Feelings (Chapter 2)

33 0 0
                                    

*Eunice's POV

... at ayun na nga... nagperform kami ng hanggang mga 2 am... at pack-up mode na kami ngayon...

"Ehem! Bakit parang ganado ata ang drummer natin kanina???" sabi ng umeepal na si Anne. natawa naman ako dun... energetic daw???

"Hmm. napansin ko din yun!" Sabay na sabi nina Gabriella at Pristine. 

Aba.. kambal ata ang utak nitong dalawa?? hmm... Pinagkakaisahan ata ako nitong tatlo ah! No... hindi nila pwedeng malaman na may gusto ako kay Andrew... Aasarin lang ako nitong tatlong sosyal na loka lokang to... hmm...

"Naku.. hindi ah! Nakakahiya naman kasi na lungkut-lungkutan ako dun sa stage diba? So what do you want pala? Humagulgol ako dun sa taas? Edi mukha naman akong freak nun!" sabi ko habang di masyadong pinapahalata ang pagka defensive ko...ahaha

"Hindi kaya may crush ka sa audience?  Ahahah. Aminin..." umiepal nanaman si Anne... 

Crush??? nyahahah... crap! lakas ng pakiramdam ng babae na to ha!... 

"Uuuuuiiiiiiyyyyy..." Pang-asar naman tong si Pristine... 

"oh, and one more thing. maganda ka naman aa...so bakit wala ka pa ding boyfriend? I mean... single and available naman tayong lahat dito sa band...pero kasi, kaming tatlo eh nagkaboyfriend na before... so how come na ikaw wala pa?... hmm... let me guess, may hinihintay ka ba?" sabi naman ni Gabriella.

Kainins naman oh... bakit ba kasi napaka-logical mag-isip nitong si Gabriella? Pang detective aa! Hanep!

"w-wala noh! sadyang choosy lang talaga ako! nyahaha." Napa-utal naman ako dun. Asar...

"Haiy naku... uwi na nga tayo. walang patutunguhan tong usapan natin. Ang galing umilag sa mga tanong nitong si Eunice eh!" Napansin pa ata ako nitong si Anne. ayun. Nagtawanan naman silang tatlo.

after ng mga 15 minutes na pag-aayos namin, sumakay na nga kami sa sasakyan at umuwi na... 

Boring nanaman... Hindi ko na makikita si Andrew eh... tapos, hindi pa talaga natapos ang usapan namin kanina.. haiiy... kapag minamalas nga naman. >.<

****

Andrew's POV

Dumating na yung mga friends ko. Dito naman kasi talaga tambayan namin magkakaibigan eh. Tatlo lang naman kami, sina John and Jeffrey lang naman kasi ang close ko talaga. Dumating sila habang nagpeperfrom yung band nina Eunice.

"Dude! Naku! Kung ice cream yang si Eunice, kanina pa yan natunaw sa kakatitig mo!" Hirit ni John na tawang tawa na nakatitig sa akin.

"Hindi naman ako nakatitig sa kanya eh... Sa kamay niya ako nakatingin.. Ang bilis ng galaw eh... Hanep!" Palusot ko habang nililihis ang titig ko dun sa gitarista nila... yung Pristine ata...

"Weh?? Hay naku Andrew... palusot dot com nanaman yang pinapauso mo eh.. Ano kala mo sa'min... grade 1? Hahaha!" Nang-asar pa tong si Jeffrey eh.

Nakakahiya naman kasi kung sasabihin ko ang totoo diba? 

Aish!!!!! Sige na nga! Kaibigan ko naman tong mga mokong na to eh! 

Panu ba?...

"Ganda niya noh?" sabi ko na nahihiya. Ano ba naman to? para naman akong babae nito eh...

"ayun!!! Umamin din ang mokong! Hahaha" At sabay pang nagsalita sina John and Jeff, ha? 

"Pero teka... may kahawig siya eh.... Si..... Tri....." Bago pa man matapos ni John ang sasabihin niya, umalis na ako. Ayoko nang marinig ulit ang pangalon ng  two-timer na babae na yun. I don't want to compare Eunice to anybody else. Though I'm not still sure if I really love Eunice, I don't want to compare her to anyone. Lalo na sa ex ko.

Ayun, pumunta ako sa CR. Malapit yun dun sa backstage kung saan nagpapack-up sina Eunice at bandmates niya... Hindi naman sa nag-i-eavesdrop ako, pero I heard them say something.

"Ehem! Bakit parang ganado ata ang drummer natin kanina???" sabi nung vocalist nila. 

"Hmm. napansin ko din yun!" Tinutuksong sa bi pa nung bassist at guitarist.

"Naku.. hindi ah! Nakakahiya naman kasi na lungkut-lungkutan ako dun sa stage diba? So what do you want pala? Humagulgol ako dun sa taas? Edi mukha naman akong freak nun!" sabi ni Eunice. Natawa naman ako sa sinabi niya! Aba, at medyo jologs din naman pala to magsalita! Almost always nalang kasi English ang lumalabas sa bibig niya eh. Rare naman to magsalita ng tagalog sa harap ko eh...tulad kanina... tsaka ko lang siya ulet narinig magtagalog nung kinausap ko siya.

"Hindi kaya may crush ka sa audience?  Ahahah. Aminin..." Sabi ulet nung vocalist.

Nagdasal naman ako na sana ako yun. Weird man pero gusto ko talaga si Eunice. Ewan ko ba kung bakit di ko masabi sa kanya tuwing nag-uusap kami at kapag nagdidinner kami with their family. Asar naman oh. Hirap maging torpe!

"Uuuuuiiiiiiyyyyy..." Asar sa kanya nung guitarist nila.

"oh, and one more thing. maganda ka naman aa...so bakit wala ka pa ding boyfriend? I mean... single and available naman tayong lahat dito sa band...pero kasi, kaming tatlo eh nagkaboyfriend na before... so how come na ikaw wala pa?... hmm... let me guess, may hinihintay ka ba?" sabi naman nung bassist nila.

May hinihintay? Sino naman kaya? Ako?? Feeler ko na man... Oo. XD

"w-wala noh! sadyang choosy lang talaga ako! nyahaha." Napa-utal si Eunice sa pagsagot.. baka meron nga talaga........

"Haiy naku... uwi na nga tayo. walang patutunguhan tong usapan natin. Ang galing umilag sa mga tanong nitong si Eunice eh!" Sabi nung vocalist nila... Kaya ayun... Nagtago ako sa CR.

-------

"At talagang nakinig ka ano?" Nakangiting asar sa akin ni John. Sumunod pala ang dalawang ugok sa akin. Napatawa naman ako.

" Walang hiya naman oh! Ano ba tayo dito? Kinder???" Sabi ko, sabay tawa.

" Wag ka mag-alala dude... Tutulungan ka namin kay Eunice." Sabi naman ni Jeffrey.

Puro kalokohan talaga tong mga kaibigan ko na to. Minsan na nga lang tayo magseryoso sa babae eh... Mang-aasar pa. Pero at least, tutulungan naman daw ako. Hahaha. Naglevel up ata ang dalawa!

Pagkatapos namin saglit na mag-usap na magkakaibigan, umuwi na sila. Tapos na kami magplano ng panliligaw eh. :)

Sisimulan ko na talaga to bukas. Kakausapin ko nalang si Eunice sa school. Schoolmates naman kami eh. Senior high school student siya, habang sophomore college student naman ako. Kahit papano, makikita ko pa din naman siguro siya... 

Bahala na. Basta dapat bukas.... Bukas na talaga.

*************************************************************************************************************

Author's note:

dyan lang po muna... sorry po kung sobrang bagal ng updates.... wala po kasing klase ngayon...so hindi ko makakausap yung co-author ko. hahah... She's the one planning for the kilig part kasi eh... so baka next week pa po ang next.

Baka next week pa din ako makapaglagay ng dp... magpapadawa nalang ako dun sa kaibigan ko. XD

I'm sorry kung very short ang update natin ngayon ha... actually, i've been very lazy these days.. hahah... (hindi pa ako nakakagawa ng editorial article para sa school paper... hahah) So ayun.... pagtiyagaan niyo nalang po muna... hihi... see you next week.  bye!!!

Space for YOU (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon