Whut?!

14 0 0
                                    

Inaya ko na si Camz at Nique na kumain tutal recess na at  gutom na gutom na ko. While we're on our way papuntang cafeteria, may bwisit--ay mali, let me rephrase it, may MGA BWISIT na humarang sa daan namin.

"Excuse me lang ha, ang laki laki ng daan gustong gustong sumingit?!" aniya ni Camz. Akalain mong tinarayan 'tong isang lalaking ito.

"Hi, I'm Owy! Nice to meet you. Ano names nyo?" Grabe lang ha! Ang taas ng confidence nitong lalaking 'to na Owy daw ang name. Psh.

"Sorry ha! Pero we don't give names to strangers like you!" sabi ko.

"Wow! Naks! Ms. Muchenberg talaga bang di nyo kami kilala or you are just pretending? Para namang wala tayong pinagsamahan ha." Ranz na nagsmirk pa sakin. Aba! Itong lalaking 'to! Gusto ng away?! Fine! Lalaban kami! Ipapamukha ko na sa kanya na WALA talaga kaming pinagsamahan as in WALA. 

"Mr. Ongsee, para sa'kin strangers na lang tayo. You left me hanging diba? Iniwan mo ko! Yung FOREVER na sinasabi mo dati? WALA na 'yun. Manloloko ka kase." 'Yan! Dapat sa kanya binibigyan ng mga masasakit na salita. Sinaktan nya ko dati?! Well, ganti ganti lang din. Sasaktan ko din sya. Napatulala lang sya sa'kin ng sinabi ko sa'kanya 'yun. Hindi nya kase expected na kaya ko ng lumaban. Sorry sya, pero PEOPLE CHANGE.

"Oo nga Andrea Sofia, I left you hanging. Iniwan kita. Pero I'm 101% sure na hindi ka pa nakakapag-move on sa'kin." Sabi ni Ranz and he smirked. Grabe pero medyo tagos hanggang likod ko yung sinabi nya sa'kin. 'Yan ang isa sa PINAKAMALAKING TANONG na tumatakbo sa isip ko.

NAKAPAGMOVE-ON NA BA TALAGA AKO NAG-IINSIST LANG AKO NA NAKAPAGMOVE-ON NA KO, PERO ANG TOTOO HINDI PA TALAGA? Grabe.

"Oo Ranz nakapagmove-on na ko kaya don't you ever assume na hindi pa. Kaya ko magmove-on! Hindi ikaw ang buhay ko! At isa pa, hindi ka isang MALAKING KAWALAN. Mind if we go na? Excuse guys." I flipped my hair and dumaan na kami sa gitna nila.Wala eh, tulala si Ongsee.

I'm Moving On! (RANZKYLE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon