Love Rain♥ [One-Shot]

285 7 1
                                    

*Drip Drip*

Dahan dahan akong naglakad.. Nagsisismula ng pumatak ang ulan. Inalis ko ng bahagya ang payong mula sa pagkakasilong nito sa ulo ko. Tumingala ako at tintitigan ang kalangitan habang pumapatak ang ulan..

Napangiti ako dahan dahan habang nakatitig dito. Sa bawat pagpatak ng ulan ang maraming ala-alang bumalik.. Mga ala-ala ko sa'yo.

Flashback<<

35 years ago..

"Aish! Umuulan nanaman pala!"  kaagad akong napatingin sa labas ng marinig ko ang sigaw ng kaklase kong babae.

At totoo nga, umuulan ng di kalakasan. Nakita ko na lamang ang aking sariling napangiti ng dahan dahan habang tinitigan ang pagbagsak ng ulan.

"Wala pa naman akong payong!"

"Ako nga din eh."

"Buset na ulan"

Napatayo ako at lumapit sa bintana.. Gustong gusto ko ang malumanay na pagpatak ng ulan. Ipinikit ko pa ang aking mga mata..

"Balang araw, mahahanap ko din yung babaeng mamahalin ko... kung gaano ko minahal ang ulan."  bulong ko pa sa aking sarili.

Dahan dahan ko pang minulat ang aking mata.

Nabaling ang atensyon ko sa babaeng nakatayo sa ibaba at nakatingin din sa akin.  Ilang segundo kaming nagkatitigan ng biglang siyang umiwas ng tingin.

Siya na ba?

----------------

Kinabukasan...

-----------------

Uwian na ng dumating nanaman ang ulan, marami nanaman nainis ng dahil dito. Nakatingin ako sa kalangitan habang naglalakad ng biglang..

"Ah."  napatingin ako sa babaeng nakabungguan ko, kaagad ko din naman siyang tinulungan na pulitin ang mga libro niya.

"Pa-Pasensya na"  mahinang bulong ko, hindi ko pa masyadong makita ang mukha niya dahil nakatungo siya.

"A-Ayos lang"  sa paganggat ng ulo niya.. nakita ko ang kanyang maaliwalas at magandang mukha. Siya yung babae kahapon..

Lub dub lub dub.

Sa sandaling iyon, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Na para bang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko . Kasabay ng  pagbuhos ng ulan ang mabilis na tibok na aking puso.

"Ayos ka lang ba?"  bumalik lang ako sa aking sarili ng marinig ko ang kanyang magandang boses.

Hindi ko inalis ang tingin sa kanya at tumango ng dahan dahan.

"Sige"  ngumiti siya ng pagkatamistamis, tumayo at naglakad papalayo.

Hinabol ko siya ng tingin habang naglalakad papalyo sa akin.

Siya na.. Siya na ang babaeng mamahalin ko.

-----------

Ilang araw na ang lumipas at patuloy pa din ang mahinang pagulan, sa tuwing pumapatak ang ulan ay nasisilayan ko siya..

Love Rain♥ [One-Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon