Body

33 3 0
                                    

"Ate! Si Ate Shane! Nasa linya ng telepono, kakausapin ka daw. Dali!", sigaw ng bunso kong kapatid na si Jade.



"Oo!", tugon ko kay Jade.



Istorbo naman itong si Shane sa panunuod ko ng TV eh. Pede namang i-chat nalang nya. May pagtawag pang nalalaman. Gayunpaman ay lumapit parin ako sa telepono at sinagot ang tawag ni Shane.




Shane: Hello Bes!


Janine: O bakit?


Shane: Bes, alam kong ayaw mo ng marinig pa ang kahit ano tungkol sa kanya pero hindi pedeng hindi mo ito malaman.


Janine: Shane? Pede ba? Wag mo ng sabihin. Sige na. Bye!


Shane: Pero si ----

*Toot-toot-toot!*

Hindi ko na pinatapos ang pagsasalita ni Shane. Alam kong tungkol na naman kay Vincent ang sasabihin nya at ayoko nang kakarinig ng kahit ano tungkol sa kanya. Kaagad naman akong bumalik sa aking pagkaka-upo sa sofa at pinagpatuloy ang panunuod ng TV.



"Ay! Kaasar naman! Patalastas na tuloy!", inis kong sabi. Kung hindi sana tumawag si Shane, naabutan ko pa sana yung palabas.




"Ten-tenenen tenenenen! Kapapasok lamang po na balita mga kapamilya! Isang lalaki ang naaksidente sa Katigbak Avenue, alas-kwatro ng hapon ngayong araw. Ayon sa mga nakasaksi, bigla na lamabg sumalpok ang kotseng minamaneho ng lalaki sa isang malaking puno sa tabi ng karsada. Kaagad namang rumesponde ang mga residente na nakakita sa naturang aksidente. Kinilala naman ang biktima bilang Vincent Del Mundo na kasalukuyan nasa kritikal na kalafayan dahil sa mga sugat na natamo."




Totoo ba ito?


Si Vincent? Diyos ko. Hindi ko kakayanin ito. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Kaagad kong tinawagan si Shane.



"Shane nasan ka? Magkita tayo."



Nanginginig ako sa sobrang kaba. Nagmadali akong nagbihis at pumunta sa napag-usapan naming lugar ni Shane.




"Bes, bakit ganito ang nagyare?", tanongni Shane na nangingiyak-ngiyak na.




"Hindi kaya kasalanan ko kung bakit ito nangyare sa kanya?", sabi ko kay Shane.




Inalog ni Shane ang aking balikat at galit na nagtanong, "Bakit nga?! Sabihin mo! Ano ba talagang nangyare sa inyo ni Vincent?! Bakit?!"




*flashback*



Ito na yata ang pinakamasayang araw ng buhay ko. Handa na akong sagutin ang alok ni Vincent sa akin na magpakasal. 4 na taon na rin ang aming pinagsamahan. Sapat na ito para sa kanya ko ibigay ang lahat lahat sa akun. Isa pa ay nasa tamang edad na rin kami.



Excited na excited na akong makipagkita sa kanya. Kaya sa sobrang excited ko, 5:30 pa lang ay dumating na agad ako sa may park para makita sya kahit na 6pm pa ang usapan namin.


Sa di kalayuan ay narinig ko ang boses ni Vincent.



"Pananagutan kita, pero dapat walang makakaalam."




Lumapit pa ako ng bahagya at tumago sa mataas na halaman at pilit inaninag ang mukhang kinakausap ni Vincent ngunit hindi ko ito kilala.



"Pano to Vincent? Pano ang batang dinadala ko sa sinapupunan ko?! Ako ang pakakasalan mo! Ako!", sigaw ng isang hindi ko kilalang babae.



"Wag kang maingay! Baka may makarinig sayo.", sabi ni Vincent habang hawak ang kamay ng babae.




Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko. Sasabog na rin yata ako sa galit. Kaya lumabas na ako sa pagkakatago sa mga halaman.




"Vincent ano to?", kalmado kong sabi kay Vincent. Pinilit kong maging kalmado para mabawasan ang galit na nararamdaman ko.



"Janine... Kase...", namumutlang sagot ni Vincent.




"Ano Vincent?! Bakit hindi ko sabihin jan sa babaeng yan na 5 taon na tayo at niloloko mo lang sya at bakit hindi mo din sabihin sa babaeng yan na buntis ako at ikaw ang ama?!", mapang-asar na sabi ng babae.




"Totoo ba Vincent?", nagpipigil na luha kong sabi.



Yumuko lang si Vincent. Parang dinudurog ang puso ko noon, parang gusto ko ng mamatay. Napatahimik na lang ako sa aking narinig habang patuloy ang pag-agos ng luha sa aking mga mata.



"Oh ano? Wala kang masabe Janine? Ako ang mahal ni Vincent ang batang ito sa sinapupunan ko ang syang bunga!", at itinuro ng babae ang kanyang sinapupunan.



Tumakbo ako palayo at naiwan silang dalawa. Ilang araw din ang lumipas at patuloy ang pagtawag at pagtext ni Vincent ngunit hindi ko sya sinasagot. Nag-chat naman sya saakin ngayon at sinabing,



Janine. Magkita naman tayo. Gusto kong magpaliwanag. Pag hindi ka pumunta. Magpapakamatay ako.



Hindi ko pinansin ang chat niyang iyon. Sa halip ay itinuon ko ang aking sarili sa paggawa ng ibang bagay. Nanuod ako ng nga nakakatawang movies para makalimutan sya at nanuod din ng TV.

*end of flashback*

*Pak!*

Sinampal ako ni Shane ng ubod ng lakas.

"Ano ka ba Janine ha?! Wala kang puso! Hindi mo man lang hinayaang magpaliwanag ang pinsan ko! Tinuring kitang kaibigan, hindi lang kaibigan, bestfriend pa tapos ganito ang gagawin mo sa pinsan ko?", nagngangalit na sigaw ni Shane saakin.

Hindi ko na napaigilan ang pagpatak ng luha sa mga mata ko.

"Oo Shane! Wala na nga akong puso! Walang wala na! Kung alam mo lang sana kung gaano kasakit ang naramdaman ko nung malaman ko ang lahat! Babae ka rin Shane. Wag mo namang ipamukha sakin na ako lang ang nakakaramdam ng ganito! Ginusto ko lang naman na kalimutan lahat ng sakit pero hindi ko ginustong magpakamatay sya dahil hanggang ngayon, mahal na mahal ko parin si Vincent!", sagot ko kay Shane habang patuloy ang pagpatak ng aking mga luha.

*kring!*

Nag-ring ang cellphone ni Shane.

"Hello Tita?"

Hi-nang up na ni Shane ang phone call at sinabi saaking, "Kasalanan mo to Janine! KASALANAN MO TO!"

Tumakbo palayo si Shane at ako naman ay naiwan sa harap ng ospital habang naririnig ang pag-iyak ng mga tao mula sa taas.

Umiyak ako ng umiyak kasabay ng pagpatak ng munting ambon sa aking mga pisngi at pagkalaon, ang ambon na maninipis ay naging makakapal na ulan.

I'm sorry Vincent. Alam mong mahal na mahal kita, kung nakipagkita lang sana ako sayo, hindi sana nangyari ito.

Tama si Shane. Ang lahat ng ito ay kasalanan ko.

Kasalanan KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon