Almost: Unang Kabanata

1 0 0
                                    


Magdalene, ang babaeng nangangarap makapuntang Espanya para sundan si Alejandro ang kanyang kasintahan. Probinsyana at kahit kailan ay hindi pa manlang nakapupuntang Maynila. Maganda siya, bilugan ang mga mata at tila ba nangungusap, kulot ang buhok, pula ang labi at hindi gaya ng iba ay maputi. Psh, sabi ni Clarita pareho kami ng features ni Magdalene. Hindi ba iyon nakita ng judges? Alam ko naman sa sarili ko na babagay sa akin ang role na iyon.


Inalala ko ang babae kanina, she's wearing a red body-hugging dress and black stilettos. Mukha siyang mayaman dahil pulido ang fake curls ng buhok niya at dahil sa balot ng make-up ang mukha niya. Elizabeth.


Hindi pa man ako nakaka-recover sa nangyari ay tumayo na ako para umuwi. Ano pa bang magagawa ko? 


Habang palabas ng pasilyo ay kung ano-anong reaksyon ang narinig ko gaya ng "Ano pang sense ng pago-audition kung pipili lang sila sa mga taong hindi manlang nahirapan kahit sa pagpila?" o di kaya naman "Feeling ko binayaran nung babaeng yun ang judges, at for Pete's sake musical ang Unrequited Love marunong ba siya kahit basic steps?" Totoo iyon, marahil may sabwatang naganap pero wala kaming ebidensya para patunayan yan lahat. Hindi ko din naman sila masisisi kung nanghihinayang sila na hindi makapasok sa play.


Muli kong tinignan ang poster na nakadikit sa may pader. Nakalagay doon ang title ng theatrical play at ang pinakadahilan ng pagsali ko:

"And get a chance to work with the great Hollywood Theatrical Director ZS."





Alas-otso na ng gabi ng makarating ako sa bahay. Asan kaya si Hadey? Si Hadey ang nakatatanda kong kapatid. Nakakapagtaka naman na wala yun dito, madalas eh nanonood yun ng T.V. Ah, baka matutulog na at napagod sa school. Pumunta nalang akong kusina para tignan kung may ulam pa, at hindi ko pa man nasisilip ang lamesa namin ay may malakas na sigaw ng babae na akong narinig. Psh, I know, it's the brat.


"H?" Ano nanaman bang balak nito? At ang lakas pa ng boses. 


"Ano yun Clarita?" simpleng tanong ko. 


"Shit, ano magkuwento ka! Dali na! Bilis!" Bakas sa mukha niya ang excitement kaya napatawa nalang ako. 


"Ano bang ibabalita ko sa'yo?" Tanong ko pa habang dumederetso sa lamesa. 


"Nag-audition ka diba? At gustong-gusto mo ang role na iyon. It's your dream to work with ZS diba?" Scrambled egg, kaninang umaga pa 'to ah. Napatingin naman ako sa lababo. Madaming hugasin, maghu-hugas na muna ako. "And then, pati kay Mariano Craig o kilalang si 'MC' tapos kay Ms. Ei." Eh teka, bakit yung pinggan parang hindi naman itlog ang ulam, eh sarsa 'to eh. Ah gets, baka bumili si Hadey ng ulam tas sobrang gutom siya kaya hindi na niya ako tinirhan. Ayos lang. "At walanghiya ka naman talaga H, daldal ako ng daldal dito eh hindi ka naman pala nakikinig!


Nandito pa pala 'to si Clarita? "Ano nga ulit sinasabi mo?


She just glared. "The auditions." Hindi ko pa man ako nakakapagsalita ay narinig ko na ang tunog ng takong na pababa sa hagdan. Si Ate!


"Ate good evening!" Mabilis akong naglakad papunta sa may hagdan para salubungin si Ate at halikan sa pisngi. Hindi pa man ako nakakalapit ay hinawi na niya ako. 


"Don't kiss me, amoy araw ka na." Mukhang bagong ligo nga si Ate. At mukhang may gala siya dahil naka-dress siya. Sinundan ko naman siya sa sala. 


"Aalis ka ate? Saan punta mo? Diba may school ka pa tomorrow?" Napahinto siya sa pagre-retouch. 


"What's with the loads of questions?" I just sighed. There's no way she'll answer me. Mukhang bad mood. Baka bumagsak sa exam. Tumalikod na ako at dumeretso sa kusina para ipagpatuloy ang paghuhugas. Patapos na ako ng narinig ko ulit ang papalapit na tunog ng takong. 


"Hailey, magi-start na ang second sem baka naman gusto mo ng bayaran ang tuition fee ko." Sasagot pa sana ako kaso narinig ko ng sinara niya ang pinto.

_imag�e���

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ALMOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon