CHAPTER 1
At lumabas ang bilog na bilog na buwan sa mga makakapal na ulap sa kalangitan. Unti-unting nagbago ang kulay nito na parang dugo hanggang sa naging dugong buwan.
"Katharine.."
Napatigil ako sa kapapanood ng pelikula sa cellphone ko at lumingon agad ako kung saan nagmula ang tumawag sa akin matapos akong nakababa sa minamaneho kong kotse nang nakarating na ako sa labas ng gusali ng unibersidad.
At ngumiti ako nang makita kong muli ang mga matatalik kong kaibigan na papalapit at kumakaway sa akin.
Itinigil ko muna ang pinapanood kong pelikula sa cellphone ko. At ipinasok ko ito sa bag.
"Frances.. Anne.." tawag ko sa kanila.
"Katharine.."
Agad kong sinara ang pintuan ng kotse at dali-dali akong tumungo sa mga ito.
At niyakap ko sila ng mahigpit.
"Katharine, kumusta ka na?"
"Mabuti naman ako. Kayo? Kumusta rin kayo?" tanong ko sa kanila na nakangiti ako.
"Mabuti rin naman kami." sagot ni Anne.
"Masaya akong magkasama naman muli tayo. At magkaklase parin tayo. Hindi talaga ako nakatulog nang maayos kagabi dahil lamang sa inyo. Ang tagal nating hindi nagkita." ani ni Frances sa aming dalawa ni Anne.
"Ako rin." ani ni Anne.
Ngumiti ako sa kanila.
"Tayo na sa loob dahil hahanapin pa natin iyung mga silid-aralan natin kung saan tayo papasok." ani ko sa kanila.
Tumango silang dalawa at ngumiti.
At naglakad na kaming tatlo papasok sa loob ng gusali ng unibersidad habang masayang nagkwentuhan."Nagpapasalamat talaga ako dahil buo na namang muli ang samahan ng pagkakaibigan natin. At hindi kayo nagbago." sabi ko sa kanila nang nasa loob na kami ng gusali ng unibersidad habang hinahanap namin ang silid-aralan kung saan kami papasok.
"Ikaw talaga, Katharine.." ani ni Anne.
Tumawa ako ng mahina.
Biglang nabanggaan ang kanang balikat ko habang naguusap kami ng mga kaibigan ko nang dumaan ang isang binata sa tabi ko. Ngunit hindi naman malakas kaya hindi ito masakit.
Lumingon ako sa nagbangga sa akin.
At nakita kong lumingon rin ang binata sa akin kasabay ang pagtigil sa paglalakad.
Ngumiti lamang ako nito.
At nagpatuloy siya sa paglalakad habang patuloy paring nakatingin sa akin at tumingin siya sa kanyang dinadaanan.
Tinitignan siya ng mga mata ko hanggang sa nakalabas ma siya sa malaki at pangunahing pintuan ng gusali ng unibersidad.
Nagulat ako nang bigla akong hinawakan ni Anne ang braso.
Lumingon ako sa kanila agad.
"Ayos ka lang ba, Katharine?"
"Ayos lang ako, Anne." sagot ko.
"Anong tinitignan mo?" tanong ni Frances.
"Wala naman."
At nakarating na kami sa labas ng silid-aralan namin.
Muli akong lumingon sa binata bago ako pumasok ngunit hindi ko siya nakita.
Tumuloy na ako.Sumusulyap ako sa binata sa nakaupo sa dulo habang nagsasalita ang aming propesor sa harap ng pisara nakalipas ang mg sandali.
Naging kaklase ko pala ang nagbangga sa akin na binata kanina.
Simple lamang siya. Nababagay sa kanya ang suot na itim na diyaket dahil maputi siya. At medyo makapal iyung kilay niya.
Napansin niya ako at ngumiti siya.
Ngumiti rin ako.Lumabas na kami sa silid-aralan namin matapos ang klase makalipas ang mga oras.
Pero bago akong lumabas ng silid-aralan namin, tumingin ako sa binata. Napangiti ako nang napansin kong nakatingin pala siya sa akin.
At tuluyan na akong lumabas.
"Ingat kayo.." ani ni Frances sa mga naging kaklase namin habang naghihintay sila sa akin sa labas ng silid-aralan.
At kumaway siya.
"Tayo na.." ani ni Anne.
"Uuwi ka na ba, Katharine?" tanong ni Anne sa akin habang naglalakad kaming palabas ng gusali ng unibersidad.
"Oo, Anne."
"Sayang."
"Bakit naman?" tanong ko.
"Lalabas sana tayo." sabi ni Frances.
"Ngayon lang naman ito, Katharine."
"Oo, Katharine."
"Bukas nalang tayo lalabas, pwede? Dahil kailangan kong umuwi ngayon ng maaga. At hindi pa ako nagpaalam kay Tita Helen. Baka mag-alala iyun sa akin." ani ko sa kanila.
"Ganoon ba?" tanong muli ni Anne.
"Oo."
Tumango sila.
"Sige at mauna na ako sa inyo. Magkikita nalang tayo bukas dito sa unibersidad.." paalam ko sa mga matatalik kong kaibigan kasabay akong nagmamadaling lumabas ng gusali.