T.L.W. 4

46 20 0
                                    

Wilson's POV

'8:33am..'

Medyo maaga papala. Pero agad naman na akong bumangon para saaking trabaho. Sinilip ko muna ang sikat ng araw sa sliding door ng aking Verenda. At nagpasalamat sa Diyos sa maganda umagang ito.

"Thanks God for this Morning..." Sambit ko habang nakatingin sa langit. Ngumiti pa ako muna ng bahagya. At pumunta sa banyo upang maligo.

Matapos maligo ay bumaba na ako para sa aking almusal.

"Oww! Good morning , Son!" Bati agad ni Dad sakin nung pagkababa na pagkababa ko.

"Morning.."

"San ka pupunta ng ganto kaaga?"

"Magtatrabaho"

"Hanggang ngayon parin ba hindi mo tinatanggap ang mga pera ko?"

"Magtatrabaho ba ako kung natanggap ko ang mga pera mo?!" Sarkastikong usal ko. At pumihit nalang sa pinto upang lumabas at dun nalang kumain.

Habang naglalakad ako para makapunta sa terminal ng jeep ay napahinto ako sa magbebenta ng Piyaya. Bumili ako dun at kinain yon. Tutal maaga pa naman kaya nagtambay muna ako.

Bahagya akong napangiti nung maalala ko yung babaeng kahapon na nakadungaw sa bintana ng kotse habang nakatitig sakin.

'Tititig nalang obvious na obvious pa...Tsk!'

Meanwhile.

Nandito na ako sa pinagtatrabahuhan ko. Isa akong Cashier sa department store. Ginagawa ko lang ang mga ito para sa allowance. Para habang bakasyon pa ay makakita ako ng pera.

Habang nagaapproach ng mga iba't ibang tao. Nakita ko ang babae kahapon na hawak hawak ang isang set ng dress. Halata naman niya itong susukatin kaya pumunta siya sa Fitting room.

"Sir , It cost P659.75 and I received P1000--"

"Keep the change Papa!"

dO_Ob

'WTH? Bakla pala to?!?'

Nagulat din ako kasi bahagyang nakanguso na ito sa harapan ko at aamba na ng Halik.

"Thank you S-sir! Hehe C-com-e A-ga-in" sambit ko sabay baling sa kasunod niyang pila.

"Next"

Matapos ang 5 costumer ay wala nang sumunod. Dahil sa kabilang station ang iba. Sa station ko kasi ito yung tagong station kaya konti lang ang nagbabayad sa station kasi ang manager namin dito rin ako pinuwesto dahil pagkaguluhan ako pag nasa bungad ako dahil hindi nman sa pagmamayabang sabi nila. Gwapo ako. Hehe.z

At habang naghihintay ng ibang costumer nakita ko na ang babae na nagsukat pa sa fitting room. Batid kong nagandahan siya sa bibilhin niya dahil nakangiti ito sa kawalan habang hawak hawak ang damit. Ngunit napawi ang mga ngiting yon nung bumaling ang paningin niya sakin. Halatang gulat na gulat siya. Habang lumalapit sa gawi ko. Dahil nga cashier ako.

Ngumisi nalang ako sa babae.

"Good morning Maam! How are you today?" Nakangiting bati ko.

"Good morning Maam! How are you today?" Nakangiting bati ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
True love waitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon