chapter 1:First Day of School

41 0 1
                                    

Bethany's Salvador POV

First day of school nakakatamad pumasok kaya lang kailangan eh para sa future ko
"Bethany! Bumaba ka na dali! Alam mo naman na first day of school ngayon " sigaw ni dad mula sa ibaba hayyss ayan na naman siya beastmode ang aga aga pa oh, kaya nga natatakot yung mga katulong namin dito sa bahay at yung mga nagtrarabaho sakanya dahil palagi siyang  beastmode

"Opo! Bababa na po!" Sigaw ko kay dad tapos bumaba na ako para kumain

"Goodmorning dad!" Masayang bati ko kay dad pero mukha parin siyang beastmode

"Late ka na naman gumising gaya noong last school year. Wala ka bang alarm?" Tanong niya sakin. Actually meron akong alarm kaso kapag nagalarm na hindi parin ako bumabangon at siniset ko na naman ng ibang oras ng pagalarm

"Meron po kaso di ko po kasi naririnig eh" i lied. Ayoko naman na magbeastmode na naman siya dahil sa katamaran ko

"Edi ihigh volume mo" singit ni kuya Lance na kakaligo palang. Si kuya Lance ay kapatid ko na bully oo bully siya dahil palagi niya kong inaaway...

"Tignan mo ang kuya mo nakaligo na oh" sabi ni Dad. Ang alam ko nagpapasipsip lang yan

"Dad alis nako! May gagawin pa ako sa school" pasipsip ni kuya excited lang siya na makita mga kaibigan niyang baliw

"Unang araw palang ng school may gagawin ka na kaagad?" Sarcastic kong tanong kaya ngumiti rin siya ng sarcastic na ngiti

"Oo dahil hindi ako tulad sayo na tamad" sabi niya sakin hayys pasipsip pa more kuya at hindi ako tamad noh! Minsan lang

"Tama na nga, huwag ka muna umalis ihatid mo muna kapatid mo" bilin ni Dad

"Ano! Malalate na po ako!" Galit niyang sabi

"Huwag na dad kukunin ko nalang po yung sasakyan ko and besides ayaw ni kuya" sabi ko naman yes i know how to drive at ayaw ko kasing kasabay si kuya dahi tiyak na mag aaway na naman kami kapag magkasabay kami

"Okay then  pero dapat maaga ka umuwi you know I can't trust you when you have your car" sabi ni daddy yep he can't trust me because im a party girl

"Yes! Cge dad alis nako" sabi ni kuya sabay takbo paalis samin

"So eat your breakfast now" sabi ni Daddy. dahil nakakatakot itsura niya ngayon kinain ko na breakfast ko na pancake.

" i need to go baby. I need to be early at work" sabi ni dad sabay kita niya sa relo niya

"Kaagad?" Tanong ko. Hindi kasi kami masyadong nagkakabonding time ni daddy dahil palagi siyang nasa work kung meron man sa breakfast time lang  pero palagi siyang maaagang pumupunta ng work tulad ngayon kapag sa dinner time naman nalalate na siyang umuuwi.

"Sorry sweetie may meeting kasi ako ngayon eh" paliwanag ni daddy. Sanay na ko na yan palagi niyang sinasabi

"Palagi naman eh" malungkot kong sabi. Gusto ko lang naman siyang makasama kahit isang buong araw lang

"Don't worry babawi ako sayo" sabi niya.

"I hope so" walang ganang sabi ko hindi ko kasi alam kong totoo na yan sinasabi niya

"I will baby, im really am sorry but i need to go " sabi niya sabay kiss sa cheeks ko at nagsmile naman ako

Pagkatapos kong kumain pumunta nako sa taas para maligo at magbihis
Pagkatapos bumaba nako para kunin ang car keys ko

"Oh no" pabulong kong sabi nawawala kasi yung susi ko

"Yaya nakita mo ba yung susi ng kutse ko?!" Tanong ko kay yaya

"Ay opo nasa tabi po ng flower vase sa sala" sabi ni yaya tas ayon nakita ko na

"Salamat po!" Sigaw ko malayo kasi siya eh paagkatapos lumabasa nako ng bahay at sumakay sa sasakyan ko

By the way ako nga pala si Bethany Salvador I describe myself as a rich, sassy, fashionable and i think im a little bit smart girl well idagdag mo na ang pagiging mayabang ko minsan. Ang dad ko ay business man pareho sila ni mommy kaso hindi nagwork ang relationship nila kaya yung naghiwalay sila nag stay ako kay daddy si kuya naman ay palipat lipat minsan nasa kay mommy at minsan nasakay daddy pinili ko si daddy dahil mula noong naghiwalay sila ni mommy nagalit ako dahil ang alam ko kasalanan ni mommy ang lahat. Back to reality ang school na kung saan kami nagaaral ni kuya ay kay dad pero pinaki usapan ko si dad na maging secreto nalang na sakanya ang school dahil gusto kong maging simple lang ang pag-aaral ko ayoko kasi ng special treatment.
~~~~~
At School:

Heto sa wakas nasa parking lot nako ng school para i park ang sasakyan ko. Pagkatapos kong ipark pumasok nako sa loob kung saan narinig ko na naman ang malakas na boses ng mga tao dito, yung bell at ang tunog ng locker kapag naisasara

"Bethany!!!" Sigaw ng isang babae

"oh Katy ikaw pala :)" bati ko si katy bestfriend ko na ngayong ko na naman nakita well siya lang ang nakakaalam na saamin ang school besides kay kuya well naging bestfriend ko siya simula noong gradeschool tinulungan ko kasi siya noong nadapa siya sa school grouds na kung saan umiiyak siya ng malakas dahil nasugatan siya sa tuhod at dahil may baon palagi ako ng bandaid,inilagay ko ito sa tuhod niyang nasugatan pagkatapos ngumiti siya sakin at ngumiti rin ako kaya ayon ever since that day palagi na kaming magkasama

"ay hindi anino ko lang to "pilosopong sabi niya

"ikaw talaga hindi ka pa nagbabago ,hanggang ngayon pilosopo ka parin pero kahit ganyan ka namiss parin kita " sabi ko sabay hug sakanya hay namiss ko rin yung amoy niya na parang sweet grapes na perfume

"pati ikaw hanggang ngayon pikon ka parin" sabi niya noong tapos na kaming naghug oo na pikon na ako

"Oo na ako na pikon"sabi ko

"ang tagal rin natin hindi nagkita ha?" Tanong niya

"oo nga eh. So anong ginawa mo noong summer?" Tanong ko sakanya gusto ko kasing malaman e

"Well nagbakasyon kami sa italy"masayang sagot niya

"Wow bat di mo sinabi?edi sana nakasama ako"pabirong sabi ko

" hindi ka naman nagtanong eh!" Pilosopo niyang sabi

"Hahaha sorry naman" sabi ko

"Ang ganda kaya don! Maraming you know hot boys!" Nakikilig niyang sabi. Di pa siyang nagbabago  addik parin siya sa mga gwapo at hot na lalaki.

"Edi wow buti ka pa. Sakin andito la ako ng pinas busy kasi ai dad kaya di niya kami magawang dalhin sa ibang bansa" paliwanag ko kahit mayaman kami parang wala rin silbi dahil hindi naman kami magkakasamang magkakapamilya

"Kahit summer busy parin siya no?" Tanong niya sasagot sana ako kaso nagring na yung bell na means late na kami. Kaya nagpaalam na kami sa isa'y isa para pumunta class namin

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Sad To Say Its Just A Dare (Jadine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon