Isa akong simpleng babae na may normal na buhay. May mababait na magulang, Makulit na kuya at masayahing mga kaibigan. Wala na akong iba pang hinahangad kundi ang mapayapa at masayang pamumuhay. Pakiramdam ko masaya na ko sa ganong pamumuhay. Ngunit doon ako nagkakamali may kulang pa pala sa aking pagkatao .At sa isang hindi inaasahang gabi, mabubuo ang pagkatao ko ,mabubuo ang mundo ko. Ngunit ilang pagsubog muna ang aking naranasan bago ko mabuo ang mundo ko. Ilang problema muna ang aking hinarap bago ko mahanap ang hinahangad kong magbubuo ng pagkatao ko o ng mundo ko. Ngunit ang lahat ng ito ay nagsimula sa isang PANAGINIP. Ang panaginip na makakapagpabago ng aking pagkatao.