April 25,2016
By: clrcnsntos------
"Hi Bes! Kamusta ka na?Sorry ngayon lang kita napuntahan ulit ah? Masyado kasi akong busy eh.You know? Graduating, tapos wala nanaman sila Mommy. Business as always." Agad kong sinabi pagupo ko sa harap ng puntod nya.
Pagkakita ko palang ng lapida nya agad kong naramdaman ang mga luha na tumutulo galing sa mata ko. Naalala ko nanaman sya pati ang mga pinag samahan namin. Lahat ng masasaya at malulungkot na pinag daanan namin 5 taon na ang nakakalipas.
"5th death anniversary mo ngayon, bes. Miss na miss na kita." Natawa nalang ako kasi alam ko namang wala na akong magagawa eh. "Alam mo nag break na kami ni Justin. Akalain mo? 2 years? Tapos naloko lang pala ako. Pero wala akong pakielam. Kasi alam ko na nasa tabi mo lang ako. Baka nga mas mabilis pa akong maka move on sa kanya kesa maka move on sayo."
"5 years pero ang sakit parin kasi iniwan mo ko eh. We had a promise.. Walang iwanan. Pero iniwan mo agad ako. Sabi natin soulmate tayo. Pinagtagpo talaga tayo para maging BFF. We were like 'best sisters ever' back then."
"At hindi parin ako nagigising sa katotohan na hindi ka na babalik." Ngumiti ako ng mapakla habang inaalala ko yung mga panahong magkasama kami.
Grade 7, first day of school. Doon ko nakilala si Dianne. Sikat, maganda,mapayat, kalog, mabait at pala kaibigan. Yun 'yong naobserbahan ko sa pagkatao nya, way diffrent from mine. Kaya noon palang nasabi ko na, na hindi ko siya magiging close o kaya kaibigan manlang. Pero baliktad ang nangyari.
First week ng school inis na inis na ako sakanya. Nasa harap ko kasi sya. Kaya rinig ko iyong mga kadaldalan nya. Hindi rin ako makapag focus sa mga ginagawa ko dahil sa ingay nilang magkatabi. She was hated by most of us dahil doon pero kahit na ganoon napaka pala-kaibigan nya, kaya sadly maraming namamanlastik para makuha din yung fame nya.
Until one time naigrupo kami sa dalawahan,at nagkasama kami. "Hi! Alyssa name mo diba? Finally! Nakausap na kita.Fan ka din ni Ansel Domingo diba? Alam mo ako nag check ng papers mo nung isang araw sa science.. Ang galing! Ikaw yung highest! Ang hirap kaya nun." Dare-daretso nyang sinabi habang nakangiti. Lumapit sya saakin at may binulong. "Wala kaya akong nasagot"
Natawa ako dahil sa pagkasabi nya. Alam kong wala syang nasagot, ako kasi ang nag check ng paper nyang blanko.
"Ako iyong nag check 'non." Ngumisi ako. "Alam mo, hindi naman mahirap eh. Just review. That's all. Saka nasa harap kita and i can see that you didn't listen the last discussion. Natulog ka lang."That's where it all started. Imagine? Isa sa pinaka kinaiinisan ko noong una, sya palang magiging kaibigan ko at magiging partner in crime ko?
I never imagined having a best friend before 'cause i never had one. Kung meron man, parang hanggang 'friends' lang. Until dumating siya at nahawa ako. I became friendly too. Pero hindi parin naging katulad nya. Minsan mahirap lang kasi nakaka op.. Bigla nalang may babati sa kanya tapos ia-aproach naman nya, habang ako nasa likod nag hihintay matapos yung conversation.
Ang hirap kasi sumawsaw sa mga bagay na hindi mo naman alam, dahil baka mapahiya ka lang.
Sa hinaba haba ng taon na magkasama kami, at kahit bakasyon hindi mawalan ng koneksyon samin. At may mga dumadating na pagsubok sa pag kakaibigan nyo.
Grade 11 kami noon nung bigla nalang sumulpot iyong mga bago nyang kaibigan. Oo,bagong kaibigan. Doon ko naramdaman na naleleft out nanaman ako. Unti-unti syang nahihiwalang sa barkada namin at saakin. Unti-unti nya kaming maiiwan. At dahil sa galit ko. Naramdaman nalang nya isang araw na parang dinadaanan nalang namin syang mag kakaibigan. Parang hangil nalang sya kung ituring namin, dahil ganun din naman sya, iniwan nalang kasi may bago na eh.