Chapter 4: Shine Academy

4.9K 186 9
                                    

(Boys & Girls uniform at the multimedia.)

Jessica POV.
Pagkapasok namin sa portal napanganga kami ni Besty ng nilabas kami nito sa harap ng isang napakataas at napakalaking gate na made of gold. This is the most tallest gate i ever seen. Gabi na kaya kitang kita ang liwanag na nanggagaling dito. Gosh!! Ang ganda!! There are so many butterflies, flowers and trees with different colors around. Goshhh!! What place is this? Wait!! Ito kaya yung sinasabi nilang MAGICAL WORLD? Sa sobrang ganda ng lugar na ito kahit papaano nabawasan yung lungkot na nararamdaman ko. Napatakip na lang ako ng tenga ng sumigaw itong baliw na best friend ko.

"Kyaaaaaaaaaaah!!!! Ang ganda dito. Waaaaah!! Selfie tayo Besty dali pang profile pic. ito." She shouted. Aishhh!! She's too loud talaga. Napakamoody niya din. Kanina parehas kaming malungkot tapos ngayon hindi na? Bipolar lang ang peg?

"Finally nandito na tayo sa MAGICAL WORLD. Come on. Let's get inside girls." They said in chorus. Like what they said pumasok na kami sa loob. How? Tinapat lang ni ateng short hair yung kamay niya sa maliit na screen sa gilid ng gold na gate na ito at Automatic na itong bumukas. That was so cool. Pagpasok namin tulad kanila literal ulit kaming napanganga ni Besty. Sobrang ganda. Nilibot namin ng tingin ang buong paligid. Meron siyang malaking fields, malalaking puno na iba't iba ang kulay, mga bulaklak na parang katulad lang sa labas and not just that may sobrang laking fountain din sa gitna and take note umiilaw pa. One word and 12 letters to describe this place. Unbelievable. I can't believe that this kind of place do really exist. Grabe!!!! Sobrang ganda talaga. Paulit ulit ba? Well, I'm just telling the truth. Ang magical ng lugar na ito. Si Besty ayun panay na ang pagpicture sa buong paligid.

"Nakakatuwa talaga kayong dalawa. Hahaha!! Anyway, Tama na muna ang pagtingin niyo sa buong paligid may pupuntahan pa tayo. Don't worry malilibot at makikita niyo ulit lahat ng yan tomorrow or anytime you want. So shall we go now?" -Ateng short hair.

Tumango na lang kami ni Besty at sumunod sa kanila. Tumigil kami sa tapat ng isang napakalaking color silver and white na mansion. No!! Hindi na ito mansion. Castle is the perfect term for that.

"Girls, Welcome to Shine Academy." They said in chorus.

"Whaaaaaat?? Academy lang ito?" Sabay na sabi namin ni Besty. Shocks!! Sobrang laki naman ng Academy na ito parang palasyo na. So ito yung Shine Academy na sinasabi sa akin ni Mommy at Daddy na papasukan ko daw?

"Definitely yes. Tara pasok na tayo." Aya nila sa amin. Nang tumingin ako sa pinakatuktok ng Academy na ito. Nakita ko yung logo at yung nakasulat. It's Shine Academy. Hindi ko napansin kanina. Aishhh!! I'm so stupid nakasulat na nga hindi ko pa nabasa. Pumasok na lang kami sa loob at sinundan sila. Time check. It's already 8 o'clock in the evening. Ang bilis ng oras. Pagpasok namin napawow na lang ulit kami ni Besty. Maid in marbol yung sahig at mga dingding. May malalaking chandelier pa na halatang mamahalin na nakasabit sa kisame and not just that. Sobrang lawak at taas ng kisame ng Academy na ito. Kung sa labas kanina silver and white ang theme ganun din dito sa loob. Wala ng mga students sa mga hallways. No wonder late na kasi. Huminto kami sa tapat ng isang malaking pinto kung saan may nakalagay na Head Master's Office sa taas ng door. Actually ito lang yung naiibang door dito halos lahat kasi ng pinto dito silver and white pero itong isang ito ay pure silver lang. Lumapit na si ateng short hair at kumatok.

*Knock*

*Knock*

"Who's there?" He asked. Boses pa lang kagalang galang na. I'm sure siya yung Head Master obvious naman sa nakalagay na pangalan sa pinto e.

"Kami po ito. Si Bell at Jen. Nagbalik na po kami Head Master Eros." Sabay na sagot nila. Hays!! Buti naman sinabi na nila pangalan nila. Nakakasawa na kasing tawagin silang Ateng short hair and Ateng long hair e. Si Ate Bell yung short hair while si Ate Jen naman yung long hair. Now i know. Bumukas na yung pinto. Woah! Automatic din. Pagpasok namin bumungad sa harapan namin ang isang lalaking may maamong mukha. I think nasa mid 30's lang siya. Ka-age niya lang si Tito Dave. My Daddy's best friend. To be honest mukha pa siyang bata at ang gwapo pa. I can't believe na sa bata niyang yan siya ang Head Master ng Academy na ito.

SHINE ACADEMY: Finding The Lost Princess (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon