The Oracle

27 0 0
                                    

Nakatakda ang araw na 'yon para sa date namin ng girlfiend kong si Maji. Pero tumawag s'ya sa 'kin at sinabing cancel muna ang date dahil sasamahan niya daw ang kanyang tita sa isang importanteng lakad. Sabi ko okay lang, naintindihan ko. Subalit dahil wala akong magawa sa bahay at talagang bored ako noon, ako na lang ang pumunta sa mall at nanood ng sine mag-isa. Libang na libang ako sa paggagala sa mall, di ko alam na iyon na pala ang katapusan ng mundo.

Pagpasok ko sa entrada ng sinehan, nagulat ako sa nakita sa may snack bar. Si Maji! At may kasama siya--hindi ang kanyang tita--kundi isang lalaki. Nakaakbay pa ito sa kanya. Shocked ako pero ganunpaman, gusto kong ipaalam sa kanya na nandoon ako at nahuli ko siya. Pero di man lamang s'ya nagulat nang makita ako. Relaxed s'ya at nakangiti pang sinabi sa 'kin: "Tapos na ang lahat sa atin." "Ha?"

Di na 'ko nakapagsalita.

Gusto kong magalit sa kanya. Gusto kong sapakin ang lalaki. Gusto kong umiyak.

Pero kinimkim ko ang lahat ng aking naramdaman at sinabing "Wala akong magagawa...basta kung saan ka masaya.."

Tumalikod ako agad at pumasok sa loob ng sinehan. Doon ko ibinuhos ang lahat ng pinigilan kong lumabas sa aking mga mata. Komedi ang palabas at nagtatawanan ang mga tao sa paligid ko ngunit ako nama'y abala sa pagdadrama sa aking kinauupuan. Natapos ang pelikula na di ko naintindihan ang 

istorya. Wala ako sa sarili hanggang sa pag-uwi ko sa boarding house

Kinabukasan, nagdesisyon akong umuwi sa probinsiya namin upang makalimot. Mataas ang araw noon at mainit ang biyahe, pero wala pa ring tigil ang ulan at bagyo sa aking mga mata. Mabigat pa sa aking mga bagahe ang dinadala ko sa aking dibdib. Kahit na wala pa kaming isang taon ni Maji, masakit pa rin sa 'kin ang nangyari dahil mahal ko talaga s'ya. Di pa man nakakalabas ng Maynila ang bus na aking sinasakyan, bigla kong naisip na bumaba. Wala nang silbi pang mabuhay kaya naisip kong magpakamatay na lang.

Inakyat ko ang isang billboard ng GMA7 kung saan nakalarawan dito ang final 14 ng Starstruck. Dream, believe, survive. "Kagaguhan!" sabi ko. "Tingnan ko lang kung makaka-survive pa 'ko pag tumalon ako mula

rito... maliban na lang kung may pipigil." Pero wala ngang pumigil. Dahil walang nagmamalasakit. Walang nagmamahal. Tumalon ako. " Aaaahhh...blag!"

Nabagok ang aking ulo sa gulong ng trak ng MMDA na sa mga oras na 'yon ay nagsasagawa ng wet flag scheme. Hindi naman ako namatay.

Wala lang akong maalala pagbangon ko. "Sino ako? Anong ginagawa ko rito?"

tanong ko sa sarili ko. Nagka-amnesia ako.

Mula noon ay nagpalaboy-laboy ako sa lansangan.

Sa ilalim ng overpass

ako natutulog at doo'y madalas na ka-jamming ko

ang mga taong-grasa at mga rugby boys.

Namalimos ako sa daan,

papunas-punas ng mga sapatos ng pasahero ng

jeep, o kaya'y

humihingi ng 'love offering' sa mga pasahero ng

bus. Umasenso namanako hanggang sa makapagtinda na 'ko ng fishball,

squidball, at

kwek-kwek.

Kung anu-anong trabaho ang pinasukan ko para

lang may maipanlaman sa

kumukulo kong tiyan. Nagbenta rin ako ng mga

pirated na CD,

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 07, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The OracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon