Reaching Marco

625 29 5
                                    

Bawat isa sa atin may hindi mabilang na pangarap at hangarin. Sobrang dami na hindi naman lahat natutupad. Tulad ko, tulad niya.

Marami akong pangarap, sobrang dami kong gustong maabot sa buhay ko at isa s'ya ro'n.

He's been my dream since then.

Kilala ko na s'ya since grade school. He was the school council president when we were in sixth grade and the class valedictorian when we graduated elementary.

Sobrang sikat n'ya sa lahat ng girls sa campus na kahit na nag high school na kami ay dala-dala niya pa rin ang paghangang 'yon ng lahat.

That time, I was contented watching him from afar. Ayos na sa aking pasulyap-sulyap lang sa kanya sa isang tabi. Masaya na akong nakikita s'yang masayang nakikipag tawanan sa mga kaibigan niya.

Ayos na ako ro'n, masaya na ako.

Our sophomore year came and I heard that he joined our campus newspaper. He started as one of the news writers until eventually he was promoted as the chief editor in our junior year.

Dahil doon mas lalo siyang sumikat. Ang daming humahanga sa talento niya sa pagsulat. Nagsusulat rin kasi siya sa literary section sa web page ng school, at lahat ng gawa n'ya ang may pinakamaraming views, comments and approvals.

Sobrang sikat na nya lalo.

Kaya naman nung nag-College na kami ay sinisigurado kong iisang university lang ang papasukan namin. I took the same entrance exam where he took his and passed it.

Sobrang saya ko no'n and from that day, I swore that I'll do everything just to be noticed by him. Lahat gagawin ko mapansin n'ya.

Kaya naman nung nag apply ulit siya sa publishing paper ng university ay nag lakas loob na rin akong mag apply. Again, I took the same exam para maging qualified as staff ng pub. paper.

Marunong akong magsulat at poetry ang portre ko. Pero hindi ko parin maiwasang kabahan. Ang dami rin kasing tulad ko ang nag apply at kumuha ng exam para makapasok roon. Kaya nung araw na inilabas na ang list ng mga natanggap ay pikit mata akong humarap sa kapirasong papel na nakapaskil sa bulletin board ng Dean's Office.

And that day, I think I'm the most fortunate and luckiest girl in the whole universe.

I passed the qualification exam!

Sobrang saya ko nung araw na 'yon na halos wala ng paglagyan.

This is the start! I thought to myself.

Nagsumikap ako. Every day I made sure na dadaan ako sa office at mag istay roon ng kahit isa o dalawang oras. Sa paraang iyon ko lang kasi siya nakakasama, nakakausap kahit isa o dalawang palitan lang ng salita. Okay na ko dun, masaya na ako.

Pero akala ko lang pala 'yon.

Kalagitnaan ng second semester ng aassigned siyang mag cover ng pageant for Mr & Ms University. From day one until the coronation night ay nakasunod siya sa mga candidates. And after week ay kumalat ang balitang nagkikita raw sila ni Lizel; ang crowned Ms. University.

Maraming nakakakita sa kanila at panay rin ang tukso ng mga kasamahan namin sa kan'ya, lalo na no'ng sinadya pa siya ni Lizel sa office.

Sobrang ingay sa loob at panay asaran at tilian ng mga kinikilig naming mga kasamahan ang naririnig ko. Habang ako, nakaupo lang sa isang tabi, nakikinig at pinapanood lahat ng nangyayari.

Days had passed. Lalong umugong ang balitang sila na ni Lizel. Maya maya ang pangungulit ng mga kasamahan namin sa kan'ya kung sila na ba. Pero panay lang ang ngiti n'ya sa mga ito.

Reaching Marco (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon