Twinkle

1.2K 29 27
                                    

“Hello, Bis?” agad na bungad ni Patty habang nakadikit sa tainga niya ang kanyang cellphone.

                “O, Patty, bakit? Ano’ng problema?alas-onse na ng gabi ngunit agad itong tumawag nang sabihin niyang may problema siya.

                “Yup, hindi ako pinayagang sumama ni Tito. 'Kakainis.” Kahit alam niyang hindi naman siya makikita nito ay ipinadyak pa rin niya ang isang paa tanda na naiinis talaga siya.

                Narinig niya ang malalim na pagbuntong-hininga nito. “Sayang naman kung 'di ka makakasama. Masaya sana 'yon, ngayon lang ulit tayo magkakasama-sama ulit.”

                “Oo nga, eh, subukan kong magpaalam ulit bukas baka sakaling pumayag na. Sana,” umaasang wika niya sa kaibigan.

                “Nasaan ba ang tito mo?”

                “Tulog na sila ni Tita, maaga pa raw silang aalis bukas. Boring nga, eh.” Hinihintay niyang sumagot ang kaibigan pero wala nang nagsasalita sa kabilang linya maliban sa hindi niya maipaliwanag na mga pagkaluskos na nagpakunot ng noo niya. “Bis? Hello? Bismark? Wala akong marinig... may sinasabi ka ba? Bis? 

                Naputol ang tawagan nila pero pagkalipas ng tatlong minuto ay nakatanggap siya ng text galing kay Bis: “Sorry, nawalan na 'ata ako ng load. Hehe tawag na lang ako ulit bukas baka sakaling pumayag na Tito mo, diretso na tayo this Friday. BTW Ang cute ng boses ng batang kumakanta diyan.”

                Nagulat siya sa text nito kaya agad siyang nag-reply: “Ha? Bata? Wala kaming batang kasama dito! Paanong nangyari 'yon? 'Wag ka naman manakot, Bismark, mag-isa pa naman ako dito!”

                Pagkalipas ng ilang minuto ay nag-reply ulit ito: “Ano? Bakit naman kita tatakutin? Twinkle-twinkle,  little stars pa nga ang kinakanta niya. Mabagal pa nga, eh, medyo malapit sa 'yo 'yong boses.”

                Natakot agad siya dahil sa nabasang reply nito. Alam niyang hindi palabiro si Bis dahil kaibigan niya na ito mula pa no’ng Elementary. Kilalang-kilala niya na ito kaya’t imposibleng tinatakot o niloloko siya nito.

                Kahit anginginig na sa takot ay pinilit niyang reply’an ito: “Wala ako nakikitang bata dito Bis, wala akong kasama dito sa kwarto kundi ako lang, tsaka imposibleng magkaro’n ng bata dito, tatlo lang kaming nakatira dito nila Tito at Tita.

                  Nililingon-lingon ang buong kuwarto niya. Gusto niya sanang pumunta sa kuwarto ng Tito’t Tita niya ngunit natatakot siyang lumabas sa pinto. Hinihintay niyang tumawag o mag-text ulit si Bis pero magda-dalawang oras na siyang naghihintay ay wala pa rin siyang napala.

                Hindi siya mapakali sa kuwarto niya. 1:45 AM na nang magkaroon siya ng lakas ng loob na puntahan ang kuwarto ng Tito’t Tita niya. Habang papalapit siya sa pinto ng kanyang kuwarto ay kinakabahan siya. Dahan-dahan niyang pinihit ang seradura ng pinto, nang mabuksan niya na ito ng kaunti ay sumilip muna siya.

                Pero 'di niya akalain ang nakita... isang bata! Nakatayo malapit sa hagdanan at mukhang nag-aambang tumalon. Hindi siya makapaniwala sa nakita kaya’t isinara niya kaagad ang pinto. Naghahabol na siya ng hininga sa takot. Sa mismong oras na iyon ay humihiling siya na sana’y may kasama siya sa kuwarto. Punung-puno ng katanungan ang isip niya. Sino ang batang iyon na nasa hagdanan nila? Paano siya nakapasok? Imposibleng kakilala ito ng mga kasama niya sa bahay dahil sigurado naman siyang sasabihin ng mga ito kung mas bisita sila.

TwinkleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon