Chapter 4: New Buddies

44 2 3
                                    

Oh KIRVING11! Ayan na ah hahaha
~~~~~~~~~~~~~~~~~

Gela's POV

"Musta detention?" ani agad ni Adie

Tss kinalimutan ko na nga pinapaalala pa nitong babaeng ito, kalbuhin ko kaya?

"Yan na ba ang bagong good morning?" sagot ko naman. Andito lang naman ulit kami sa aming one and only meet-up place, ewan ko dito kay otor wala nang maisip

(Author: May sinasabi ka?)

Char lang po hehe.

"Aynako. Na-detention lang ganyan na?" sabay ngisi

"Che!" sabay flip ng hair ko na lang

Sayang ang aking laway para pag-usapan yang detention na yan tss. Masyado na ring na-expose at na-overheard ang aking angelic voice *smirk*

"Hoy ikaw babae! Umayos ka ah, DL ka kaya gaga!" pagsuway ni Lynd

Naks! Nagpapakananay nanaman si Lynd oh

"Opo Nay." natatawa kong sagot

"Ano ba talagang nangyari?" singit ni Codie
"May nangyari bang hindi namin alam?" nagtaas ng kilay ni Dae
"At magkasama pa kayo nung Justin ah! Nakakahalata na kayo.." nanliit naman ang mata nitong si Ysabelle

Grabe sila! Sunod-sunod tsk

"Alam nyo kung ganyan din kayo kabilis magsalita sana sinama nyo nalang ako sa Fast Talk sa show ni Boy Abunda." mataray kong sabi
--- "ARAY?!!"

'NAPAKALAKAS' lang naman na batok ang natanggap kong sagot ni Ysabelle tss

"Sasagot o sasagot?" naiinis na sabi ni Codie

"As if I have any other Codie tss." bulong ko

"May sinasabi ka?" taray ni Codie

Akmang babatukan na ako ni Ysabelle ng bigla akong sumingit
"Oops!" sabay harang ng kamay ko sa batok

"Sasabihin ko na, sasabihin ko na." ayoko nang mabatukan uli ng 'MALAKAS' huhu ayan caps lock at bold pa ah para feel na feel nyo rin yung sakit

Wala na akong nagawa kundi ikwento simula yung sa gulo tapos sa drama hanggang nag-sorry siya at nagka-ayos at naging magkaibigan kami.

At natatawa ako sa mga pagmumukha nila na seryosong nakikinig as bawat binibitawan kong salita.

And their reaction was:

"Maka-react ka naman pala gurl, bat ganun ka maka-react?" habang papalo-palo pa sa lamesa

Siyempre hindi ko na kinwento yung dun sa kiss noh, haynako kung alam nyo lang..

"Drama mo girl! Na-detention tuloy HAHAHA!" natatawang sagot ni Dae

"Bongga! Pang wattpad ang moment nyo ah!" parang amaze na amaze na sinabi ni Lynd

At napuno nalang ng tawanan lahat ng pinaguusapan namin at naglakad papunta sa amibg classroom.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 17, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pag-ibig na Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon