QUOTES

8 1 0
                                    

babae yan hindi barbie na pwede mong paglaruan.
huwag kang baging.

~*~

hindi lahat ng lalaki ang hilig ay maganda.
may iba pa ring kahit simple ay sapat na.

~*~

ma in love ka sa taong kaya kang ipaglaban.
hindi sa taong basta-basta ka na lang bibitiwan at iiwan.

~*~

kung mahal mo ang isang tao hindi ka maghahanap ng wala sa kanya
makuntento ka kung anung meron sya at tanggapin kung anung kayang
ibigay nya.

~*~

bakit alak ang sagot sa mga taong nasasaktan?

- simple lang dahil sanay tayong "ALCOHOL" ang
gamot pag tayo ay nasusugatan.

~*~

dati...
gusto lang kitang MA-MEET
pero ngayon....
gusto na kitang MAKAMIT.

~*~

yung madali namang iwasan yung taong gusto mo...
mahirap lang talaga iwasan yung nararamdaman mo.

~*~

mas maganda ang maghintay sa tamang panahon kesa
masaktan ng paulit ulit sa maling pagkakataon.

~*~

hindi na kita nahintay kasi napagod na ako.

ayoko nang masaktan kaya hindi na ako umasa.

i'll try to move on pero babagalan ko
baka sakaling MAHABOL MO PA AKO.

~*~

ang love parang sugal.

MINSAN TALO.
MINSAN PANALO.

MINSAN TIBA-TIBA.
MINSAN BAWI LANG.

pero alam mo kung ano ang masakit?
ang makita mong panalo ka na sana.

KASO HINDI KA TUMAYA.

~*~

Mahirap kumalma lalo na
kapag selos na selos ka na.

~*~

Ginawa ang
- BREAK UP -
para ilayo tayo
sa maling tao
na akala natin
ay tama.

Quotes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon