Dati [One Shot]

1.3K 36 10
                                    

Dati

Naghahanda na ang lahat sa pagbabalik nya. Sa wakas, babalik na siya at ang pamilya nya dito sa Pilipinas. Ang tagal nya ring nawala. Buong panahon kung kelan nag-dadalaga at nag-bibinata na kami ay wala sya.

Nakakatawa. Kahit papaano pala na-miss ko rin pala ang mokong na 'yun

"Excited na akong makita ulit si Kuya Buknoy. Ganun rin kaya ang itsura nya sa facebook? Parang laking photoshop naman si Kuya dun e."

Tinawanan ko ang kapatid ko. Palibhasa close rin sya kay Buknoy kaya ganito sya ka-excited.

"Ikaw ba, Ate? Hindi ka ba nae-excite?"

"Well, medyo. Excited na akong kutusan yun. Grabe. Hanggang ngayon di ko pa rin makalimutan ang ginawa nya sa 'kin nung araw na umalis sya." nasabi ko habang natayawang naiinis na naaalala ko ang mga nangyari dati.

***

Nagising ako sa lakas ng ingay ng sasakyan. Parang highway ang dating gayung nasa loob naman kami ng isang subdivision.

"Ate, may bagong lipat sa kabila." Palibhasa'y literal na kapitbahay ang mga bahay dito kaya rinig na rinig tuloy kapag may.maingay sa labas.

Lumabas na ako para tignan ang naglilipat sa kabilang bahay. Nakita ko na ang lalaki ng mga gamit nila sa bahay. At ang iba mukha pang bago.

May isang maganda at ka- edad lang ni Mommy ang lumabas sa kotse

 Marahil ay ito na nga ang nagmamayari ng mga gamit na ito.

"Pakiingatan lang po sana. Dahan dahan po"

Nakita yata kami nung babae kaya ngumiti ito sa amin at lumapit.

"You must be our neighbor? Hello, ako po si Mrs. Teresa Rivera. Kami po ang nakabili ng bahay sa tabi nyo."

And in one moment may isang batang lalaki na lumapit sa kanya. Natawa pa nga ako kasi kung maka-porma akala mo ang tanda na nya. May shades pa at wallet na de kadena pero ang liit liit naman nya. Hanggang balikat ko lang sya e.

"Mommy," at sya pala ang anak ni Tita Teresa.

"Heto naman ang anak ko, si Bryan. Say hello to our neighbors."

Bumati rin kami sa kanila.

Hindi naman mahirap ang pakikisama namin sa kanila. Ang totoo pa nga nyan ay Ninang ko sa girl scout at kumpil si Ninang Teresa. At dahil magkatabi lang ang bahay namin, lagi rin silang nagkekwentuhan ni Mommy. Mabilis nagkapalagayan ang mga loob ng parehong pamilya.

Si Bryan, mabait rin sya. Dahil nga galing Maynila kaya medyo napapagkatuwaan pa ang paraan nya ng pagsasalita. Hindi pa kasi kami sanay sa mga 'ba' at mga puntong kakaiba.

Umiyak pa nga yan one time kasi binubully daw namin sya. Well, pinagtanggol ko naman ang sarili ko. Hindi ako kasali sa mga nambubully sa kanya. Pinatahan ko pa nga yun e. Kadiri yung sipon, luha, pawis at libag... nagsama-sama na.

Napag-alaman ko rin na magkasing-edad lang kami noon. Palibhasa'y sadyang matangkad ang mga babaeb kapag bata pa sila kaysa sa mga kaedad nilang lalaki.

Sa private school sya pumasok. Sa public lang kami kasi si Mommy lang naman ang nagtatrabaho para sa min.

***

Binuksan ang bahay nina Bryan dito. Di ko lang alam kung kamag-anak ba nila yung nagbukas. Nilinis nila iyon at naghanda ng konting salo-salo para sa pagbabalik mila Bryan.

Ang pamilya naman namin, tumutulong rin sa mga gawain. Katulad ko ngayon, ako ang nagpupunas ng mga bagong hugas na kutsara at tinidor.

***

Dati [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon