Break Up

2 0 0
                                    

(A: May mga mura sorry hahaha. But it's just a minor one.)

Excited na ko makita yung boyfriend ko hahaha Kaya pupuntahan ko siya sa school niya. Ngayon lang kami ulit magkikita kasi busy siya sa studies niya. College na kasi siya samantalang ako highschool lang pero love niya ko kaya ganun. Papunta na ko sa sakayan ng jeep ng makita ko siya na may kasamang babae. Nung una inisip ko muna na 'baka kaibigan lang niya' 'Kaklase niya lang' Kaso lahat ng yun nabaliwala ng makita kong magkaholding hands silang dalawa at pasakay na din ng jeep. Aba! ang sakit eh tangina! Pero mahal ko pa din kaya.... Kaya pinuntahan ko para masure! Tapang tapangan mema!

Kinalabit ko. 'Babe sino siya?' Aba tinitigan lang ako. 'Ano? Sino siya?' Mahina pa ko niyan ah! Ayoko ng eskandalo no.

'Magusap na lang tayo mamaya' With matching matapang look pa!!! Akala mo siya walang ginagawa na masama. Tapos tong hipon na kasama niya maka tingin akala mo sinong kagandahan sorry siya di siya kamukha ni liza soberano. 'Umalis kana Cha. Magusap na lang tayo later.' Ayun sumakay na sila ng jeep. Kahit masakit inantay ko text niya para makapagusap kami. Lahat naman nageexpect na maayos ang relationship na meron kayo.

Calling.... Liam Co

Syempre sinagot ko. 'Cha'  May iba sa pagtawag niya sakin. Alam ko na kahahantungan kaya. 'Makikipagbreak kana?' Lakas ng loob ko magsabi diba. 'Oo. Ayoko na kitang lokohin and sawa na ko sa relationship natin. Ako lang naman matured satin dalawa. Magmature ka muna.' 'Tangina mo pala Liam! Inintindi ko lahat ng excuses mo pag may mga projects kayo sa school and hindi ako nagdemand na bigyan mo ko ng oras kahit gusto ko!' 

Tumulo na yung luha ko habang siya nakikinig lang. 'Alam ko naman Cha. Ambata mo lang para sakin. Siguro di tayo para sa isa't isa.' 'So ganun! Dapat sinabi mo sakin ng una para di ako nagseryoso' Napataas na ko ng boses.

'Sige! Break na tayo Liam. Sana maging masaya ka. Ang masasabi ko lang. No one can love you as much as i do' Gago siya! Mamatay na siya. Silang dalawa ng hipon na yun. 'Thank you Cha. I love you totoo minahal kita' Wow may i love you pa talaga. 'FUCK YOU! SA HIPON MONG BABAE MO SABIHIN YAN' Tsaka ko pinindot yung End Call.

Wahhhhh. Ansakit! Iiyak ko lang to ngayong gabi kinabukasan mawawala na din to. Gago talaga siya! Mahal ko siya tapos ganun lang kung makipag break siya wala man lang 'Babe huwag. Ayoko makipag break. Niloloko ko lang siya' 'Cha wala lang yun' Kaso hindi e. Expectaion vs Reality lang ang peg. Naligo lang ako para damang dama ko yung kaemohan ko at katangahan.

Isa't kalahating oras din ako nasa banyo. Ang sarap kasi magemo sa ilalim ng shower hahaha. Pagkaupo ko sa higaan biglang nagvibrate yung phone ko.


Carl Calling.....


Ano kaya kailangan nitong bruha na to. 'Bessss!!! Mamaya na dating ko diyan. Sunduin mo ko ha sa NAIA. Kundi sapak ka sakin. See you Bes!' Sh*t uuwi na siya. Palagi na naman siyang andito sa condo ko. Buti na lang nakaligo na ko.

From: Bes

4am punta kana ng NAIA bes. Miss you 😘

To: Bes Ko

Oo na! 12 pa lang ng madaling araw bes. Matulog ka muna sa biyahe. Miss you too.


Hays kapagod. So pagkatapos tumawag ni bes nagbihis na ko ng pantulog and nag alarm sa phone ng 3am para makapagayos ako. Mahirap na baka magalit pa sakin yun.

GISING NA BABE KOOOO!!!!! BABEEEE KOOOO!!!!

Fuck! di ko napalitan yung ringtone ng alarm ko -_- kanino pa bang boses kundi sa G*** kong ex boyfriend. Napaiyak tuloy ako habang papnta ako sa banyo.

Fast Forward....

Nandito na ko sa waiting area para sa arrival ni Bes ko. Buset na Carl John Santos! Pwde naman yung parents niya ang sumundo sa kanya. Kung di ko lang to mahal!

Di katagalan... I saw a man walking like a f*cking goddess. Napatulala ako.

'Huwag mo naman ipahalatang gwapong gwapo ka sakin bes. Baka himatayin kapa!' Sh*t si Carl ba to ang bes ko? Ang gwapo. Kaso ang hangin masyado hahahaha. 'Ikaw ba yan? Napakapangit mo naman bes akala ko kung sinong kamukha ni marlou' Joke lang hahaha. Para maasar lang siya. 'At sino naman yun? Kaw talaga wala kang pinagbago. Obvious na nga itatanggi pa.'

Ganyan kaming dalawa kapag nagkikita. Dami kasi ginagawa niyan puro model dito model dun.

'O siya. Kain na tayo Bes nakakagutom sa biyahe. Miss ko na luto mo!!!!' With matching puppy eyes alam niya kasing cute na cute ako sa kanya pag ginagawa niya yun. 'Oo na! Mamayang dinner na lang. Kain na lang tayo sa Mcdo'

Sarap kaya sa Mcdo lalo na yung fries with sundae. RAPSSSAAAA!!!!

Mcdo....

Ako na umorder nakakahiya dun sa isang ayaw mag mcdo dahil gusto niya luto ko. Hahaha di niya ko matiis. Palagi kami kumakain dito ni Liam tapos bibilan niya ako ng bff fries sakin lang yun siya tawa lang ng tawa kasi ang takaw ko daw. Susubuan niya pa ko ng fries na may sundae. How i miss that feeling. May pumatak na palang luha di ko napansin.

'Bes kain na! Masarap ang fries pag nkadip sa sundae.'  Wala siyang magagawa nagugutom na din siya.

'Cha' Iba to. May sasabihin to. 'Sabihin mo na. Alam kong di mo ko pipilitin kumain sa mcdo kapag walang dahilan' Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. Magkatabi lang kami. 'Meron nga Bes. Break na kami ni Liam.'  Then niyakap niya ko. Dun na ko napaiyak.

1 year na din kami ni Liam. Kahit papano tumagal kami. Nakakaiyak lang na kaya niya kong lokohin pagkatapos ng lahat ng pinagsamahan namin. Buset na break up yan.

'Okay lang yan Cha. May makikilala ka din na higit sa kanya. Bata ka pa naman.' Oo nga bata pa kami kaya nga eto ako gumagawa ng ikasisiya ko. 'Punta na lang tayo sa mall bukas. Gusto mo?' 'Aba syempre bes. Libre mo ha!'

Sabay punas ng uhog hahaha. Galante pa naman tong si Bes kapag naBH ako. Pagkakataon ko na magtake advantage.

Charlotte's Condo Unit....

'Bes inayos ko na kwarto mo. Pahinga kana. Ililibre mo pa ko bukas.'  Hahahaha pampalakas diba para hindi na siya magback out. 'Thanks Bes. Tulog na ko bukas na lang. Goodnight'  Tinanguan ko na lang.

Dumiretso na siya sa kwarto niya. Ganun din ginawa ko para naman makapagpahinga ako anong oras pa lang alas nueve pa lang. Sana humupa na ang sakit na nararamdaman ko.







Thanks for reading.... Hahaha

To Be Continued.

(A: Comment kayo plithhhhh. Goonight guythhhh. Love yahhh XoXo)

Make me  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon