Yana:
Sa totoo lang... hindi ko na kinakaya ang nakikita ko.. dahil lang sa walang kwentang vase na iyon... nangyari lahat ng ito... kapag minamasdan ko siya.. halatang galit na galit na siya.. kapag tumitingin siya sa akin unti-unti niya kong dinudurog.. para bang nahuhulog na ko sa sarili kong bangungot..
Youko: Asar!! (pinagbabato ang upuan)
Lahat: KYAAH!! NAGWAWALA NA SI YOUKO!
Shina: .. Youko.. huminahon ka.. walang magagawa ang galit mo..
Youko: ASAR! ... Bakit ba hindi niya ako pinayagan lumabas?!!! GUSTO KO LANG MAKITA ANG MGA MAGULANG KO!!! NAKAKAASAR! ANO BANG MERON SA SCHOOL NA ITO?!!
Yana: Fu.. H-hindi.. na tayo mabubuhay pa..
Youko: (lumingon kay Yana)
Yana: !
Youko: .. M-may gana ka pang tumawa?!! KASALANAN MO ITONG LAHAT!!! (susugurin si Yana)
?: Ano ba?!
Shina: .. Class rep..
Youko: Tumabi ka Isagi!!!
Isagi: .. Lumaki na ang sunog sa subdivision... tingin mo ba may magagawa ka pa?
Youko: GUSTO KO LANG MAKITA SINA MAMA!!!! MAY MASAMA BA DOON?!!! (hinagis ang mga upuan)
Yana: (naluluha) ..
Isagi: .. Bakit kasi di mo inamin!?
Youko: T-tingin mo ba ako gumawa noon?!! (hinatak ang damit ni Isagi)
Shina: Youko!
Isagi: Kung ganoon sino?!
Youko: .. (tumingin kay Yana) Fufu... kung sino man siya.. baka kinakain na siya ng konsensya niya..
Yana: .. (napaatras) ...
Youko: (kinuha ang pocket knife sa bulsa) ... IKAW!! (sinugod si Yana)
Shina: YOUKO!
Isagi: Ah! (napansin si Youko) HM!?
Yana: (yumuko) ... Wag!
Youko: .. (inihagis ang kutsilyo) ... Di ba?.. NAKAKATAKOT MAMATAY?!!! KUNG NUNG UNA PA LANG UMAMIN KA NA E DI SANA...!
Yana: (nakayuko) P..atawarin mo na ko.!..
Youko: Fufu... Kung magdudusa ako.. idadamay ko na kayong lahat! LALO NA ANG MATANDANG HUKLUBAN NA PRINCIPAL NATIN!!
Shina: (nabagsakan ng upuan) ... Youko..
Isagi: Hindi na siya makontrol! (tinaas ang salamin)
Youko: (kinuha ang posporo)
Yana: WAGGG!!!!!!!!!
Youko: (inihagis sa basurahan at mabilis na kumalat) ..
Lahat: AHHHHHHHH!!!!! (binabasag ang bintana)
Youko: Shina! .. (tinayo si Shina)
Shina: .. Youko..
Youko: Tumakas ka na sa bintana..
Shina:.. P-paano ka?
Youko: .. May kailangan lang akong tapusin! (nakalabas)
Yana: .. (nakita na nasusunog ang paligid) ... (umiiyak) ... Tulong! Tulungan niyo kami!!!Lahat ng galit na naipon... unti-unti niyang nilalabas.. kahit sino pa ang madamay basta't makaganti lang siya.. sa isang iglap... ang paaralang hinubog para sa magandang kinabukasan ng mga mag-aaral, ay nawala na parang bula... Lahat ng mga pinangarap ng mga estudyante doon.. unti-unting dumaing ng hirap... dahil lang sa.. pagiging makasarili't mainggitin ko.. malaki ang nabago ko... hindi lang sa paaralan namin.. pati na rin sa.... taong... lubusan kong... naapakan... ang taong nasa likod ng mga nangyayari... ngayon... ang taong.. naghahanap ng hustisya... S-si...I-Ichibane YOUKO
Yana: (sinara ang yearbook) ... (naluha).. K-kasalanan ko..
Atsu: !..
Ryoko: (napatayo) Sinunog ni Youko na kinikilala naming principal ngayon ang paaralan ng lolo ko?!!!!!
Shiori: Ryoko.. huminahon ka..
Yana: .. Hindi kasi... madaling mag-aral sa Meiji.. lahat ng... patakaran doon pinapatupad ng maayos.. strikto ang bawat galaw.. isang pagkakamali mo lang... baka... ikamatay mo na..
Lahat: !! HM?
Ryoko: Inaamin ko.. alam kong.. strikto nga si lolo tulad ng pagkakasabi ni Dad.. pero... di ba sobra naman iyon kung.. susunugin niya ang buong school.. dahil lang sa..
Yana: ... Dahil.. hindi siya pinalabas..
Ryoko: Ano?
Atsu: ... Dahil sa hindi pag-amin ng babaeng ito hindi nakaalis si Youko para makita ang mga naapektuhan ng sunog.. iniisip ni Youko na lahat ng nasa paligid niya.. pinagkakaisahan siya.. kahit ang pagkakataon na makita lang ang mga magulang niya pinagkait pa sa kanya..
Shiori:.. K-kaya ba ngayon... ginagamit niya ang Ryoko para..
Ryoko: (nagdabog) .. Kasalanan mo ito! (hinatak ang damit ni Yana)
Atsu: (inawat si Ryoko)
Shiori: RYOKO!
Ryoko: (napaluha) .. ANG DUWAG MO!! .. Dahil lang sa di mo pag-amin.... kaya ngayon.... MARAMI NG NAMATAY! ..
Atsu: ... Tingin mo ba...hindi siya mapaparusahan sa ginawa niya?
Shiori: Atsu..
Ryoko: (tumingin kay Atsuko) Ano?!
Atsu: .. sa oras na umamin siya.. malaki ang kaakibat na parusa tama ba? (tumingin kay Yana)
Yana: (pinunasan ang luha) ... (tumungo) ... K-kapag.. nakabasag ka ng gamit... ayon sa batas ng Meiji.. (binuksan ang yearbook sa listahan ng rules) ..
Lahat: !!!!
Shiori: AH?! I-imposible ganoon ka...
Ryoko: (gulat) .! Ano..
Atsu: .. Ikukulong.. sa kwarto na puno ng sari-saring dumi..?
Yana: OO! Kasalanan ko.. (umiiyak) Pero... yung vase.. n-nabasag ko lang iyon.. d-dahil... nakita kong.... may isang estudyanteng.. naghihingalo at.. halos.. h-hindi na siya... makilala sa sobrang bugbog ng katawan niya...... (umiiyak)
Shiori: Grabe.. masyadong... di makatarungan ang... ginagawa.. sa kanila..
Yana: Nagulat ako... kaya nabasag ko yung vase.. nung tinatanong na kami kung sino ang gumawa noon.. ayokong mangyari sa akin ang inabot nung babae.. pero.. dahil... hindi ko na nakayanan tinuro ko na lang si Youko... at labis kong ... pinagdudusahan iyon hanggang ngayon! (dumukdok)
Ryoko: ... Nakakainis! (nagdabog) ...
Shiori: ..Bakit.. bakit ito ginagawa ng .. principal.. niyo?
Yana: .. (pinunasan ang luha) .. H-hindi ko alam.. pero.. tingin ko gusto niyang.. tumino ang mga estudyante..
Atsu: Sumobra ang.. pagpapatino niya..
Yana: .. Isa pa.. mukhang... dahil rin sa problema ng principal sa pamilya niya.. (tumingin kay Ryoko)
Ryoko: A-anong ibig mong sabihin??
Yana: (tumayo) .. Hindi na ko.. ang nakakaalam ng bagay na iyan...
Mr.Tachi: (nilapag ang tasa) ..
Yana: (tumingin kay Mr.Tachibana) .. (umalis)
Ryoko: (napatingin sa ama) .. Dad..
Atsu,Shiori: (yumuko) ..
Mr.Tachi: (pinagpag ang libro)... Ang.. Meiji ..
Ryoko: .. Dad! Gusto kong malaman ang lahat! Bakit iyon nagawa ni Lolo?!
Mr.Tachi: .. Alam mo kasi.. Ryo.. tingin ko may kasalanan rin ako..
Ryoko: HA?
Mr.Tachi: .. Gusto lang naman ni Papa.. na.. sundin namin ang mga gusto niya..
Ryoko: Pati sina tito?
Mr.Tachi: ... Ako at ang mga tito mo.. lagi kaming pasaway sa kanya..
Ryoko: AH?
Mr.Tachi: .. Hindi namin... nasusunod lahat ng gusto ni Papa.. dahil doon.. kaya kami umalis.. at bumukod.. iniwan namin siya...
Ryoko: .. G-ginawa.. niyo.. iyon?
Mr.Tachi: .. Dahil.. sa nagawa namin... malamang sinisi ng lolo mo ang sarili niya.. at ... sinubukang ibuhos lahat ng dapat nagawa niya sa mga estudyante niya..
Ryoko: Bakit.. niyo ba sinasaway si Lolo?
Mr.Tachi: .. Dahil.. mahigpit siya!!.. at hawak niya lagi ang buhay namin.. tsk.. Alam mo ba.. dapat hindi ka nabuhay..
Ryoko: !!
Atsu,Shiori: !!!
Mr.Tachi: .. Ayaw ng lolo mo sa mama mo kaya... gusto niyang.. ipalaglag ka..
Ryoko: (napatayo) Ganoon siya... kasama?!!!
Shiori: (niyakap si Ryoko) ..Ryo..
Atsu: ..(Strikto.. masyado)
Mr.Tachi: ... Pero..syempre.. pinaglaban ko kayo.. kaya ko.. umalis sa puder niya... fufu Tama na siguro iyon Ryo.. (tumayo)
Shiori: S-sir!
Mr.Tachi: Hm?
Shiori: ... Alam niyo po ba ang nangyayari sa.. Ryo-
Ryoko: (tinakpan ang bibig ni Shiori)
Shiori: ! (napatingin kay Ryoko) !?
Ryoko: Dad.. naappreciate ko ang ginawa mo... salamat..
Mr.Tachi: Fufu (pat) .. (kinuha ang yearbook) .. Ang nakaraan ay... nakaraan na.. Hmm.. may sasabihin ka ba? (tumingin kay Shiori)
Shiori: (tumingin kay Ryo) Hmm??
Ryoko: (umiling)
Shiori: W-wala po..
Mr.Tachi: ...(tinapon ang yearbook sa basurahan at umalis)
Shiori: Ryoko.. bakit...
Ryoko: Ayoko..
Atsu,Shiori: ?!
Ryoko: (tumingin sa dalawa) Ayokong.. madamay si Dad...
Shiori: ...Pero.. magkakaroon tayo ng countermeasures para labanan si..
Ryoko: .. Fufu.. Hindi na kailangan marami ang madawit dito.. (tumingin sa dalawa) .. TAYO.. tayo ang gagawa ng paraan para.. matapos ito..
Shiori: .. k-kahit sabihin mo iyan.. H-hindi natin.. siya.. kaya..
Ryoko: .. Kahit ano pa man ang kahinatnan nito.. para sa akin.. ang mahalaga.. (tumingin sa dalawa) ..Walang ibang madadamay..
Atsu: .. (Para sa isang katulad niya.. matapang siya sabihin ang mga.. salitang iyon..)
Shiori: Ryoko..
Ryoko: .. Isa pang pabor..
Atsu,Shiori: Hm?
Ryoko: Wag na nating sabihin kay Suzu.. pwede ba?
Shiori: .. (tumungo) .. Kung.. iyon ang gusto mo .. Ryo..
Ryoko: ... Ichibane ..Youko.. Sino ka para dungisan ang pinaghirapan ng mga magulang kong paaralan?!
Atsu: .. (Oo nga pala.. Ryoko ang pinangalan sa academy... paano kaya nangyari iyon?)
Shiori: (Kahit ano pa man.. nag-aalala pa rin ako..)

BINABASA MO ANG
RYOKO HIGH
ActionSino ba namang tao ang hindi papayag na makapasok sa isang prehisteryosong paaralan. Sa pagpasok ng "15" estudante sa Ryoko, unti-unti silang nababawasan. Ano nga kayang madilim na nakaraan ang nakatago sa paaralan? Mapigilan pa kaya nila ang sunud...