GwapongJun: Helloooo?
GwapongJun: Rheane?
DyosangRhea: Bakit?
GwapongJun: Bakit di ka pumunta?
DyosangRhea: San?
GwapongJun: Dun sa park. Di ba sabi ko sayo pumunta ka dun?
GwapongJun: BAKIT DI KA PUMUNTA? NAGANTAY AKO SAYO DON.
DyosangRhea: Haha. Naramdaman mo na kung pano magintay? Masakit no?
GwapongJun: Gumaganti ka ba? Nagsorry na naman ako aa.
GwapongJun: Di mo manlang ako chinat kanina.
GwapongJun: Nakakainis ka na.
DyosangRhea: Sorry naman ha! May sakit kasi ako. Gawa nung PINAGANTAY mo ako nung isang araw dun sa park.
DyosangRhea: Hindi ako gumaganti. May sakit talaga ako.
GwapongJun: May sakit ka?
GwapongJun: Oy sorry na.
DyosangRhea: Nasabi mo na ba sa crush mo?
GwapongJun: Hindi pa. Pinagantay nya rin ako.
GwapongJun: Sayang yung flowers na binili ko.
DyosangRhea: Flowers? Patingin? Anong klase?
GwapongJun: Eto teka.
GwapongJun:
GwapongJun: Ayan.
DyosangRhea: Sunflowers. OhMyGawd. Ang gandaaaa.
GwapongJun: Maganda?
GwapongJun: Sayang di ko naibigay sa kanya.
DyosangRhea: Sayang naman.
GwapongJun: Gusto mo sayo na lang?
GwapongJun: ano?
DyosangRhea: Bibigay mo sa akin yan?
DyosangRhea: Teka ha? Baka nadadala lang to ng sakit ko?
GwapongJun: Hahaha. Totoo yan. Bibigay ko sayo.
GwapongJun: Nasan ka ba?
DyosangRhea: Nasa kwarto ko malamang.
GwapongJun: Nandyan ba si tita?
DyosangRhea: Oo. Papatuluyin ka naman nan ee.
GwapongJun: Sige. Pupunta ko dyan. Magbibihis lang ako.
DyosangRhea: Bilhan mo ko ng paborito kong pagkain ha!!
DyosangRhea: WAG KANG PAPASOK NG KWARTO KO PAG DI MO DALA YON.
GwapongJun: Oo na.
GwapongJun: Oo na.
GwapongJun: Oo na.