Chapter 10
Kasalanan
Bago pa siya makasalita, agad na akong umalis para kumuha ng cart. Iiwasan ko siya. Gagawin ko ang lahat para maiwasan siya. Pero posible ba 'yun eh empleyado ako tapos nagsasama kami sa isang bahay?
Hinabol niya ako. "Teka lang, Ara!" Mabilis niya naman akong naabutan.
"Grabe mo naman! Kailangan bang talikuran ako? Tapos tumakbo ka pa! Nagtagpo lang naman ang mga tingin natin, eh." Nakangisi siya.
Agad na lumiwanag ang kanyang mukha sabay taas sa kanyang hintuturo. "Ah! Alam ko na!" Tumaas ang kilay ko. He wiggled his eyebrows.
"Mahal mo na ako, no?"
Nanlaki ang mga mata ko. My jaw literally dropped. What did he just say?! Mahal ko na raw siya? Well, to tell you honestly, kung mabait siya, noon pa lang ay patay na patay ako sa kanya. However, beauty lies within. At ang nasa loob niya? Self-proclamation!
"Bagag nawng!" Sigaw ko.
Humagalpak siya sa tawa kahit hindi niya naintindihan ang sinabi ko. Bakit ba ang narcissistic ng lalaking 'to? He's so full of himself.
Kinuha ko ang cart at sinimulang maglakad. Nakasunod siya sa akin habang patuloy na sinusubukang makapuwesto sa aking tabi. Hindi ko siya pinansin.
"Uy, si Ara, nagdadalaga na!" Panunukso niya.
Wala talaga akong magawa kundi hayaan siya. Hindi naman kasi siya nakikinig sa akin tuwing pinapagalitan ko siya. Kaya ayan. I'm suffering the humiliation. Kanina pa ako nanginginit sa inis.
"Alam mo?" Sabi niyang nakangiti.
Hindi ko parin siya pinansin. Eh, manigas siya. Nakakaturn off ang mga conceited na lalaki. Kahit gaano pa siya kagwapo, kung ang pride niya ay walang habas, papangit at papangit talaga siya.
"Ang gwapo ko."
See? Behold! Extreme narcissism!
"Wala akong pakialam," mataray kong sabi. Kinuha ko ang lista ng kailangan naming bilhin para mawakasan ang kahibangan niya. His shoulders slumped as he took the cart from me.
Nagtagpo ulit ang mga tingin namin.
"Ako na," sabi niya.
Napatulala ako ng madali dahil tumagal ang mga titig namin. Ang brown... ang lalim. Parang may gusto siyang sabihin. O parang wala? Ewan ko. Ayokong mag-assume. Basta ayun, nagkatitigan kami.
Agad akong nagiwas ng tingin. Ang awkward. I fished for something to talk about. Hindi naman pwedeng hindi kami magiimikan. I need his opinion here. Tatlo nalang kaming matitira sa bahay. Chan will be out, obviously. Okay lang sa aking hindi kumain kahit matakaw ako.
"What's on the list?" Tanong niya.
Napatingin ako sa lista ng kailangang bilhin. Kumunot ang noo ko. Why is this even written here?! Parang nawalan siya ng pasensya kaya niya kinuha iyon mula sa akin. Nanlaki ang aking mga mata. Hinablot ko kaagad ang papel mula sa kanya.
"Akin 'to!" Mabilis kong sigaw.
"Oo naman, Ara." Malambing niyang sabi. He flashed a sly smirk as he poked me in the hips. Kumunot ang noo ko sa inis. Asar naman! Baka nakita niya 'yun! Damn, it was an accident?
"You know what? You like me." Nakangiti niyang sabi.
Nalaglag ang panga ko. Nakaka-offend! Parang sinasabi niyang ang dali kong magkagusto sa isang lalaki dahil lang sa panlabas nilang anyo. Haven't I made it clear that I'm not into the looks of a person? Sa pagiiwas ko palang sa kanya, malinaw nang hindi ko siya type, eh.
BINABASA MO ANG
In Chasing and Crashing
Teen FictionMy story is not a letter. This is about chasing. Chasing and running out of breath. Running out of breath... And crashing ultimately in the end. ©baconettes [or shattereddamsel] R E V A M P E D V E R S I O N O F A N G P A N G I T M O