4- Birthday

5.9K 145 7
                                    



#BiyahengForever


"HAPPY birthday loooveee!" tili ko habang masayang kinukuhanan ng picture si DJ.

Lumingon siya sa'kin and smiled at me. Sobrang happy niya dahil sa suprise salubong ko sa kanya. I planned this days ago. Kailangan ko pa isikreto kay DJ, though sobra talagang hirap dahil malakas pa naman ang radar niya at madali niyang malaman ang mga sinisikreto ko. Buti nalang at andyan ang mga Ford, friends namin pati sina Mama at tinulungan naman ako.

"You happy?" tanong ko sa kanya habang nakayakap sa likod niya.

"Sobra, love. Maraming salamat." sabi niya. Hinarap niya ako at hinagkan ako sa noo ko.

Kakatapos lang namin panoorin 'yung fireworks display na inihanda ko. Pumasok naman kami sa loob. May mga arcade sa garahe niya at stalls ng street foods. I decided to have this kind of theme to remind DJ of his childhood way back when he was still not entering the showbusiness. Madalas niya kasing makwento sa akin ang mga pinagdaanan niya noon.

DJ has a lot of memories to gather than me. Ako kasi nung bata ako ay palagi lang ako sa bahay, kasa-kasama si Kuya Kevin para maglaro, nagbabasa ng mga libro o hindi kaya ay nanood ng movies. I'm a princess before. Unlike DJ, maaga siya namulat sa realidad ng buhay. Since he's the eldest, siya ang inatasan na gumawa lahat ng responsibilidad habang wala si Tita Karla. Naranasan niya ang maglaro sa kalye, kumain sa mga tabi-tabi o hindi kaya ay mag-arcade sa mall buong magdamag hanggang madaling araw. Kung minsan pa ay pinapaglitan at pinapalo pa siya ni Tita noon dahil pasaway ito.

That's DJ before. That's his life without cameras that scrutinized him as a young man.

"Thank you, bal.." DJ whispered at me. Binigyan niya naman ako ng halik sa balikat ko.

"Everything for you, okay?" I cupped his cheeks. "Teka, may regalo pa ako sa'yo."

"Ha? Meron pa?" natatawang sabi niya.

Tumango naman ako at kumindat. Hinila ko siya mula sa pagkakaupo dito sa bench ng garage nila. Nilibot ko naman ang tingin at busy naman ang lahat ng tao.

"Sa loob ang gift mo, love." I said at hinila siya papasok. Mukhang nahulaan naman niya kaya mas lumapad ang ngisi niya.

"Talaga? Excited na ako, shet." bulong niya.

Humagikhik lang ako. Hihilain ko sana siya pataas nang marinig kong pumasok sina Mama.

"Oh, Kath, saan kayo?" tanong ni Mama nang mapansin niyang hinihila ko si DJ sa hagdan pataas.

I turned to face Mama and smiled. Siniko ko naman si DJ para siya na ang sumagot.

"May regalo daw si Kath sa taas." napakamot sa ulo si DJ.

"Nako, Daniel ha? Baka kung ano na 'yan," sabi ni Tita Karla. "Bumaba nga kayong dalawa."

Bumaba na ako saka hinila si DJ pero agad din naman umalma tong isa.

"Ma naman eh!" he whined. "Kill joy mo talaga. Excited na ako makita regalo ni Kath."

Hinarap ako ni Mama. "Ano bang regalo mo Kathryn kay DJ at kanina pa 'yan atat na atat tapos sa kwarto pa?"

Namula naman agad ako saka palihim na kinurot si DJ sa likod niya.

"Uhm..." damn it, ninerybyos ako dito ah. "Ano..tshirt, Ma. Papasukat ko sa kanya eh."

"Maniwala ka sa mga 'yan, Ate Min. Kilala ko iyang pagmumukha ng anak ko." sabi ni Tita Karla.

Ngumuso naman si DJ. "Ma.."

"Ay sus, nagpapalambing ang baby bubot ko," hinila siya ni Tita Karla at pilit hinahalikan sa pisngi. Ilag naman ng ilag si DJ. Nakakatuwa nga sila panoorin eh. "Baby bubot ko forever."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 06, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Biyaheng ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon