Sa "Noli Me Tangere", tunay na nabiyayaan ng pagmamahal at pag-aaruga sina Basilio at Crispin. May babaeng nagngangalang Sisa na hindi nagtangkang iwanan ang dalawa sa gubat na mapang-aba; inuuna ang kapakanan ng dalawa; higit sa lahat, matimpihin at matiisin sapagkat dilat na dilat siya sa loob ng libu-libong minuto para sa pagbabalik ng magkapatid na galing sa bahay ng kura.
Hindi ba't kaydalisay sa pakiramdam na magkaroon ng inang katulad ni Sisa? Wala ka nang hahanapin. Total package at Everything is under control ang dating.
Sa lahat ng nakahalubilo kong bunga ng punongkahoy, kanya-kanyang pagpapakilala sa kadakilaan ng kanilang Sisa.
May kakilala rin ako, hindi siya naiiba pero walang araw na dumating na hindi ko isinisigaw ang pagiging dakila niya- ang natatanging siya. Libu-libong katangian ang nagpapaiba sa kanya. Wala siyang katumbas na dolyar o kahit pa ang pinakaantigong bagay na naka-display sa Musuem, walang makapapantay sa kanya.
Sino nga ba si Sisa na tinutukoy ko?
Anu-ano nga ba ang kapangyarihang kanyang tinataglay?
Una, tila siya ang pabalat sa lahat ng magasin na nakalimbag at maililimbag pa sa darating na panahon. Hindi rin siya artista subalit walang sinumang makapagpapaluma sa kanyang kasikatan. Mula noon hanggang ngayon, ito ang patuloy kong nasasaksihan sa bawat umagang katuwang siya. Ako ang number one fan niya sapagka't sa lahat ng uri ng pag-arte, nagagawa niya ito ng walang kapagud-pagod, walang take one o take two at mas lalong walang break at walang preno. Siya rin si Judy Ann Santos at ako ang kanyang supling na kunwa'y ayaw kumain, maya't maya'y walang pakundangang titikman ang pinakamasarap na cerelac na niluto niya. Makalilimutan ko ang pangalan ko. Napatunayan kong "There's no place like home" sa palasyo namin.
Pangalawa, tinalo pa niya ang tatlong granada sa pagpapaalala sa mga kabutihang-asal na siyang susi sa matamis na pamumuhay. Daig pa niya ang sound system sa pagkanta niya. Hindi siya perpektong reyna na namamahala sa kanyang kaharian ngunit naniniwala akong perpekto ang kanyang pananaw at pangarap para sa kanyang nasasakupan. Siya ang reynang nanunungkulan sa loob ng walang katapusang termino, at tanging hangarin niya ang masilayan ang kanyang mga prinsipe at prinsesa na lumilipad sa sarili nilang mga bagwis. Hindi lang isa, dalawa o tatlo ang patakaran niya sa palasyo - hindi mo mabilang at iyon ang totoo. Ito ang nangunguna, "Makinig kayo sa mga utos at pangaral ko dahil hindi habang buhay na katuwang ninyo ako, darating din ang panahon na bababa ako sa trono ngunit mananatili akong ilaw magpakailaman." "Her voice sounds music to my ears talaga." Sobrang nakahuhumaling, tumatangay ang bawat liriko nito sa puso't isipan at hindi ako magsasawang pakinggan ang klasikong musika na iyon.
Pangatlo, siya ng Sisang hindi nagpapabayad ng serbisyo. Hindi siya kumuha ng professional examinations pero mahusay siya sa iba't ibang larangan. Marunong siyang magpagaling ng maysakit. Linangin ang kakayahan ng bawat isa nang wala man lang libro at lapis. "Miracle happens when we put God first in all of our ways", ito ang makahulugang hugot ng Mahal na Reyna.
Pang-apat, CCTV din siyang maituturing, na akala mong hindi niya alam kung saan ka sumusulpot. Siya ang eye spy at ang pagtanggol mo sa sarili mo at sasabihing, "Kausapin mo na lang ang abogado ko" ay hindi uso sa kanya. Sabi pa niya, "Papunta ka pa lang, pabalik na ako".
At higit sa lahat, panitikan siyang tawagin at maihahanay sa panitikang buhay sapagka't tinig niya ang bumabaon sa pusong nagnanais matuto sa buhay. salamin din siya ng buha. salaming tutulungan ka ng uwag malihis sa likong landas. Bukambbig niya ang huwag na nating tahakin ang mga mapapait na karanasan niya sa buhay. "Make something new" ang point of view ng Inang Reyna.
Pangkaraniwan man ang pangalan niyang Sisa, tumatatak naman ang kanyang pagsayaw sa larangan at tugtuging nakahahalina. Kaysarap sabayan ang mga step niya sa tugtugin na may pamagat na "Magandang Buhay".
May iba't iba tayong bersyon sa katanyagan ni Sisa.
Artistang hindi nalalaos.
Mandirigmang hindi nagdadalawang-isip na sumuong sa giyera.
Extraordinary ang kahusayan sa maraming bagay.
CCTV na hindi nagsisinungaling at may tamang hinala.
Masasabi kong isa siyang babae at ina na walang ibang hinangad kundi ang magtagumpay tayo sa karera ng ating buhay. "She's one in a million" at patutunayan ko ito all-day-long.
**

BINABASA MO ANG
Ang Katanyagan ni Sisa
RandomIto ay tungkol sa pagiging flexible ng isang ina para sa kabutihan ng kanyang mga anak.