~Love In The Rain~
~~~
"Mahal kita, kahit bawat patak ng ulan, bibilangin ko basta masabi mo lang na mahal mo ako.
~~~
July ngayon kaya maulan, palaging nagdadala ng payong si Jeisha kapag pupunta siya kahit saan, sa school man o sa mga lakad niya. Habang naglalakad siya sa may sidewalk biglang bumuhos ang ulan hindi naman siya nabigla dahil alam niyang bubuhos din ito sa anumang oras. Agad naman niyang inilabas ang kanyang payong at ibinuka ito saka tumigil sa paglalakad para maghintay ng saksakyan. Makalipas ng ilang minuto...,
"Miss, pakishare ng payong?!"
Nagulat siya sa biglang pagsulpot ng isang lalaki sa tabi niya. Hindi siya kumibo ni hindi niya matignan ang lalaki dahil sa gulat.
Nahalata naman ito ng lalaki kaya nagsalita siya.
"Miss, pasensya na kung nagulat kita pero pwede makishare sa payong mo?"
Bumalik naman ang diwa niya nang marinig niya ito. Tinignan na niya ang lalaki, halos lumuwa ang mata niya nang makita niya ito, isang gwapong nilalang ang nasa tabi niya, parang anghel na nahulog sa langit.
"Miss?!"
Agad naman siyang umiwas ng tingin at tumango nalang.
Silence
Nakaramdam naman sila ng awkward moments kaya naunang nagsalita ang lalaki.
"Miss, ako nga pala si Philip. Ikaw, anong name mo?" tanong niya at inilahad niya ang isa niyang kamay para makipagshake hands.
Tumingin siya sa lalaki at kinuha ang kamay.
"Jeisha."
Pagkahawak niya sa kamay ni Philip, may naramdaman siyang boltahe na dumadaloy sa kamay niya.
Ang lambot ng kamay niya. Ang tanging nasabi sa isip ni Jeisha.
"Wow nice name." sabi ni Philip na nakangiti
Napablush naman siya sa comment kaya nauna siyang tumanggal sa pagkahawak ng kanilang kamay at umiwas ng tingin baka kasi mahalata niya.
Sayang ang lambot pa naman ang kamay niya, sabi sa isip ni Jeisha.
Biglang may tumigil na jeep sa harap nila.
"Ah nandito na pala ang jeep na sasakyan ko, cge una na ako."
Agad naman siyang tumakbo papunta sa jeep at sumakay.
"Salamat sa payong mo Jeisha! Sana magkita tayo muli!" sigaw niya habang umandar papalayo ang jeep.
Napangiti naman si Jeisha sa narinig niya.
"Sana nga, sana magkita parin tayo." mahinang sabi niya na nakangiti parin
May tumigil na isang jeep sa harap niya kaya sumakay na siya habang nakangiti parin.
**
Monday ngayon at umulan parin. Pupuntang school si Jeisha at naglakad siya papunta kung saan sila nagkita ni Philip dun kasi siya maghintay ng jeep papuntang school.
Habang naghintay ng jeep, lumingon lingon siya paligid baka kasi makita niya si Philip pero ni isa wala! Nalungkot siya.
"Miss pakishare sa payong!"
Nagulat siya nang may nagsalita sa tabi niya. Paglingon niya si Philip ang nasa tabi niya. Napangiti siya ng konti.
"Ang hilig mong manggulat noh?!" sabi niya na nag aktong naggalit.