The start

16 2 1
                                    

Hindi ko alam kung pano, hindi ko rin alam kung pano nagsimula basta alam ko na lang isang araw bigla nalang tumibok ang puso ko para sa kanya.

2nd sem. Classmate ko sya kakatransfer niya palang buti nga tinanggap pa siya kahit super late na nya. Hindi ako friendly kaya hanggang titig lang ang nagagawa ko .. Syempre bilang classmate nacurios din ako sa kanya.

Hindi ko alam kung shytype ba sya o kung ano kasi kahit one week na wala pa rin syang kaclose kahit ka sex nya. I mean yung katulad nyang lalaki.
Minsan ng naging kagrupo ko sya sa isang subject tinanong nya ko at first time na narinig yung husky nyang boses , di kasi ako nakinig at di ako aware nung nagpakilala sya sa harapan. Kaya ayun. Nang bigla nlng akong nakadama ng goosebumps at khit na pilitin ko magsalita walang lumalabas na salita sa bibig ko, natabunan siguro ako ng coolness niya. Pakshet. Bat kase may salitang speechless?

Sinubukan kong kontrolin yung pagpapalpitate ng puso ko at I take normally and naturally yung nangyayari. Pero I failed kasi andun pa din yung pagpuputol putol na words ko. Sheez.. Yumuko nlang ako para di medyo halata. Nakakahiya ka kit! He has his hidden intellengence , magaling sya at medyo fluent sa english. Ewan ko pag nagrerecite sya di ko mapigilang lalong humanga sa kanya. Sa paglipas ng mga araw lalong lumalago at pakshet hindi ko na kayang pigilan.

Nang minsang break, pumunta ako sa field , binagsak ko ang gamit ko at naupo sa gilid ng puno, inaantok ako dahil sa paggawa ng pesteng reporting namin tas absent din naman ang teacher. Parang feeling ko nasayang lang yung effort ko.
Sinandal ko ang ulo ko sa dalawang tuhod ko. Bigla nalang tumulo ang luha ko. Alam ko ang babaw pero di ko mapigilan dala narin siguro ng sobrang pagkaantok.

Hinanap ko yung panyo ko habang pinapahid
Yung luha ko gamit ang braso. At pakinshet wala pa ata. Nanlalabo na yung mga mata ko dala ng luha.
May nakita akong puti. Inangat ko ang paningin ko. Nakakakita ako ng anghel. Anghel na pinapangarap ko.

Inaabot niya sakin yung puting panyo, nakaluhod sya ngayon sa harapan ko. Mabilis at lalong bumibilis ang kabog ng puso ko. Di ako nakaalis sa inuupuan ko at patuloy parin sa pagtitig nagulat nlang akong sya na mismo ang nagpunas ng luhang malapit sa gilid ng labi ko. Ngumiti sya.
Skip beat. Di ko alam ang gagawin.

Tinabihan nya ko. Nagsimula na siyang magsalita nung una ayaw ko sa set up na yun dahil awkward, nakakahiya. Pero nang magsimula na siyang magkwento nalaman kong hindi naman pala ganun kacomplicated na kausapin sya. Katulad ko normal sya , may humor . Napapangiti nlang ako pag tumatawa sya at nalabas ang dimples niya. Unti unti nakikilala ko sya. Sana nga magtuloy tuloy na.

Kinagabihan hindi ako makatulog, mukha niya ang lumalabas pag napapapikit ako. Di ako makapag-concentrate. Madami akong iniisip na "what ifs?" Na halos walang katapusan. Kaya halos 2 oras lang ang tulog ko.

Bangag akong pumasok sa room dala ang eyebags na lalong bumibigat, umupo ako at sinandal ang ulo sa desk. Maiidlip muna ako. Ginising ako ng kaklase ko dahil andyan na yung teacher namin. Nagpakuha ng 1/4 si maam para sa short quiz, nang may nakita akong sticky note sa upuan ko. Kinuha ko iyon at binasa. " Umiyak ka ba ng magdamag?"

Walang pangalan or initials. Pero, Ayan na naman ang puso ko. Iisa lang naman yung may alam na lumuha ako a sa pagkaalala ko kahapon lang yun. Sumulyap ako sa kanya. Seryoso sya sa pagsasagot. Umiling nalang ako. At binalingan ang papel ko na walang sagot.

Tumambay uli ako sa field. Ngayon di na ko umiiyak. Nagbabakasakali lang ako na baka mag kausap uli kami katulad ng kahapon. Maya maya ngay naaninag ko na siya. Nakangititi, tinabihan nya ko at inalok sa dala niyang pagkain. Kumuha ako atsaka inalok din sya. Tumatawa sya habang kumukuha. Ayan na naman. Puso tigil na. Katulad ng kahapon nagkwento lang sya. Di ko alam na may kadaldalan pala siyang taglay. Ako naman nakikinig at minsang ineenterupt sya sa pamamagitan ng pag inom at paglagok ng tubig. Bigla bigla nalang syang titigil sa pagsasalita . Ewan ko kung bakit pero lagi syang natatawa pag ginagawa ko yun. Ang weird pero yun sya eh. Di ko narin nagawang tanungin kung bakit ganun sya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Out Of My ReachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon