"I'll be arranging you alphabetically para hindi ako mahirapan mag-check ng attendance."
That was Ma'am Macasaquit. First meeting namin sa kanya today sa Phl 1 and my system didn't agree with her idea of arranging us alphabetically since nasanay akong umupo sa harap where I find it more convenient to sit. Aside from getting the first hand information, nakikita ko pa maigi ang sulat sa board. Malabo kasi ang mga mata ko. Ayoko naman isumpa 'yong apelyido ng tatay ko pero isa sa suliraning kinahaharap ng isang Rivera ay ang alphabetically arranged na klase. Matic, nasa gawing dulo ka uupo.
"Quinto, Raba, Rivera, Roque..."
I had my seat upon announcing the set surnames where mine belongs. Ito namang si kuyang katabi ko sa kanan, panay ang tingin sa akin. Pasimple ko namang sinalat ang mukha ko baka kung anong merong kung anong dahilan kung bakit nakatingin siya sa akin.
Nilingon ko siya. Huli ka! Aba't agad inalis ni kuya ang pagkakatitig niya sa akin. Hinayaan ko na lang. Hindi naman siya creepy eh. Weird. That's the only term I could label him.
"Okay, eyes and ears on me." Ma'am commanded. Halatang terror itong isang 'to. "I have in my hands the syllabus of this subject for this semester. Kindly pay 3 pesos for your individual copies. You'll be having group works and reporting. Once nakuha niyo na ang copy niyo, you may start your advanced reading. Are there any other questions or violent reactions?"
No one answered.
"Kung wala na, I'll just see you next meeting."
I grabbed my bag and start marching outside the room. Habang naglalakad, kinapa ko ang phone ko. Gods! 12 messages, 30 missed calls. I called back at sumagot naman kaagad si Vince.
"Hello, Vince? Gosh I'm so sorry I was in my class. Where are you?"
"It's okay babe, kaya pala hindi mo sinasagot, I'm sorry I don't know your sked kasi. By the way, I'll fetch you. Birthday ni Mama today so she wants you to be here."
"Ah, gano'n ba? O sige, but I'll be home at 5, okay?"
"Alright, hahatid na lang kita sa inyo. Sige na, punta na ako dyan."
"Ingat ka."
"Okay, I love you, Babe."
Binaba ko na ang phone at naglakad sa Free Park malapit sa main gate para hintayin si Vince.
We've been together for 3 years. Third year pa lang kasi, kami na. Schoolmates kami dati but we entered different gates noong nag-college na kami. Napakabait ni Vince. Wala naman talaga sa priority ko ang pakikipagrelasyon ng maaga since nasa pag-aaral talaga ako nafa-focus, pero si Vince, he would be a "malaking sayang" if I turned him down. Hindi naman siya sagabal sap ag-aaral. In fact, tinutulungan pa nga niya ako sa studies ko.
Message received from Vince: "Nasa gate na ako."
I stood up para tingnan siya at nakita ko siya sa harap ng gate ng university.
"Hi, Babe." I greeted upon kissing him in his cheeks.
Binuksan niya ang pintuan ng kotse saka ako pinasakay. I felt the engine getting back to life.
"Excited si Mama Makita ka." Vince started a conversation. "Hindi nga makali eh, si Papa wala na lang sinasabi. Ngumingiti na lang."
Yep, close talaga kami ng family niya. Actually both families namin ay close sa isa't isa. Co-teacher kasi ni Mommy ang Papa ni Vince. Kaya nga noong nalaman nila ang tungkol sa amin ni Vince, hindi sila against.
"Sino-sino na ang nandoon?" I asked him.
"Wala masyado, mga kumara lang ni Mama doon sa village."
"Okay lang ba kung hihinto tayo saglit sa Gift Shoppe? Bibili lang ako para kay Tita."
"Alright. Make it quick, okay? Kanina pa kasi excited mga tao sa bahay."
"Sama ka. I need your suggestions."
Vince parked the car near the gift shoppe. Sabay kaming pumasok sa loob ng store. Marami talagang mapagpipilian na pwedeng iregalo for all ages.
"Mahilig si Mama dito oh." Vince suggested while holding a shoal.
"Ito na lang kaya?" I asked.
"Naku, tuwang-tuwa 'yon pag nakita 'tong gift mo." He replied. "Lalo na't galing sa'yo."
"Ate, kukunin ko na po ito. Paki-wrap na din po." Sabi ko sa tindera at agad naman niyang binalot ang shoal.
We head out back to the car and for about 20 minutes, nasa bahay na kami nina Vince.
Tulad nga ng sabi niya, walang masyadong tao.
"Hi, Tito James." I greeted Vince's father and offered a hug. "Kamusta po?"
"Hija! Good that you're here." He happily greeted back.
"Naku, Tito. Hindi ko po pwedeng hindi siputin si Tita Agnes."
Sakto naman at lumabas ng kitchen ang birthday celebrant.
"Hello, Tita! Happy Birthday." Sinalubong ko si Tita Agnes ng halik at yakap.
"Mabuti naman nandito ka, Anak! I was calling your Mom pero nasa Batangas pala siya for seminar." Kitang kita mo ang saya sa boses niya.
"Yes, Tita. She'll be back tomorrow po." I replied.
"Ma, Ninang Mercy is here." Vince informed her mom.
"Oh, I see. O siya, diyan muna kayo ha. I'll just take care of other bisitas." Nagpaalam siya para i-entertain ang mga bagong dating niyang bisita.
"Not a problem, Tita. Go ahead po."
BINABASA MO ANG
My Seatmate Takes Me Out
Teen FictionJust when I learned that sitting next to you is as great as waking up next to you.