Hello, I love you (OneShot Story)

211 6 3
                                    

Isa lang pala akong transferee sa school na tu, kaming pala kasi kasama mga kuya ko.. di naman kami mapera pero di rin naman kami masasabihang pobre yung ok lang, may kaya lang din sa buhay yung ganon. Tatlo kaming magkakapatid at ako lang ang nag-iisang babae kaya kawawa talaga ako kasi mga kuya ko over-protective sakin.


oh well. I'm Cristina Salazar, 3rd year student dito sa Christian Academy na transferee lang (paulit-ulit lang?)


"Cris? Andyan na mga kuya mo sa labas.. inaantay ka na, uuwi na daw kayo" sabi sakin ng kaklase kung si Venice


"Ah.. sige, salamat"


"sige, una nako Cris ha?"-Venice


"sige.. ingat ^___^"


palagi pala kaming sabay ng mga kuya na umuwi.. kaya nga minsan natatakot ako na magkaboyfriend eh, kasi baka di ko makakasabayan pag-umuwi oh bubugbogin lang siya ng mga kuya ko kasi ayaw pa nilang magkaboyfriend ako. Saklap no? kaya nga minsan tingin ng mga kaklase ko sakin na tomboy ba daw ako kasi lage kung mga kasama eh lalaki.. kasalanan ba yun?


lumabas nako ng room at nakita ko na yung mga kuya ko na naghihintay sakin kasama si Dennis, barkada rin namin siya.. magkalapit lang kasi mga bahay namin kaya palagi rin siyang nasabay samin pag-umuuwi.


"Ba't ka natagalan?" tanong sakin ng kuya kung si Michael


"eh sa inayos ko pa yung mga gamit ko eh"


"suus, baka naman may kaharutan ka pa" sabi namin ni kuya Benjo yung pinaka-panganay samin


hinampas ko siya "baliw ka talaga kuya.. wala ah! Takot ko nalang sa inyo"


"dapat lang" sagot naman ng mga kuya ko


"haha, wawa ka naman Tin.. under ng mga kuya" sabi ni Dennis


kung sa school tawag sa'kin Cris, sa bahay naman o sa mga kabarkada ko Tin-Tin or Tina naman. Haha, dami kung kwento no? sorry naman sadyang madaldal lang talaga ako.


tumawa nalang ako.. pagkarating namin ng bahay, symepre nagmano kami sa mga matatanda pa sa'min. kaya nga respect the elders diba?


"oh siya, mag-aral na kayo't kumain na din" sabi ng lola ko


ganito palagi samin.. pagkarating ng bahay mag-aaral tapos kakain ng haponan tapos matutulog na.. ang boring no? ok lang naman samin, sanay na kami..


wala kasi Mommy namin dito, may iba narin kasi siyang pamilya kaya sa lola kami namin nakatira ngayon.. pero minsan naman pumupunta naman siya dito para dalawin kami pero papa namin? May ibang pamilya na din daw, di ko pa kasi siya nakikita eh. 9months old palang ako nung iniwan niya ako, wala naman akong hatred sakanya kasi di ko naman alam ang dahilan kung ba't niya kami iniwan.


************************************************************************************


Hello, I love you (OneShot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon