PROLOGUE

423 22 1
                                    

"Sorry!" Pag hingi ko ng paumanhin bago tumingin kay Al. My boyfriend.

I accidentally dropped his favorite CD. I was just trying to clean its case...

Pinulot ko agad ito at ganoon na lamang ang pagkataranta ko nang makitang may basag na ang case. He really treasures this CD, I feel guilty. Galing pa ito sa mama nya.

"I can fix this!" I don't really know how I will fix this, but I will try and give my best.

But today was rather different.

Napaatras ako nang tiningnan nya ako. His eyes were unusually cold and empty. Nakakapanibago. Baka nagalit na talaga sya? I don't want him to hate me. I love him so much.

Parang tuta na napayuko ako.

Huminga naman ito ng malalim bago tumayo ng maayos sa harapan ko. Marahan nyang hinawakan nya ang baba ko at iniangat ang mukha ko para magkasalubong ang aming mga paningin.

I thought he was going to kiss me. Pero hindi.

"Let's break up."

I was lost for words. Parang nahinto sa pag ikot ang mundo ko. Ilang segundo rin yata ang lumipas bago ako nakahanap ng mga salita.

"H-huh?" Napakurap ako. Tatlong beses, para makasiguro kung totoo bang si Al ang nasa harapan ko.

Hindi sya nag salita agad. But when he did, I just can't...understand him.

"I'm too obssessed with you, it's not healthy for the both of us. It will be better this way." His voice was getting even colder and colder, it made my heart ache. I'm pretty sure pain written all over my face. But he remained stone cold.

Napailing ako.

"This isn't funny, Al. I-I'm really sorry about the broken CD. Pero maaayos ko talaga ito!" Kinakabahan na tugon ko.

Hindi ulit sya nag salita. Natatakot na ako. If this is a prank, it's really not funny. Sa sobrang takot ko ay naiiyak na ako. Ngunit imbis na sabihing nag bibiro lang sya, he heaved a sigh, for the second time around, again.

"I will step out for a while. Pag balik ko, aasahan kong wala ka na." Iba na ang tingin nya sa akin ngayon. Para bang naaawa. At ayoko noon. How dare him. "I'm sorry...I just...I don't want to be trapped in this relationship anymore." Kibit balikat pa na sabi nito. He then tapped my shoulder, as if it would give me any comfort. "Just move on, a'right?" At tuluyan na nga syang lumabas sa apartment.

Naiwan naman akong hindi makapaniwala. Isang oras pa yata akong nag tagal sa apartment ni Al na nakatulala lang bago tuluyang nakalabas.

Nang makarating ako sa lobby ay pinag titinginan ako. But I didn't care. All I want to do is to cry my  heart out.

Nang makalabas ako sa building ay napahinto rin ako. Saka pa lang nag si-sink in sa akin ang ginawa sa akin ni Al.

Siguro dala ng hinanakit at lungkot, kaya nagawa kong umakyat pabalik sa flat ni Al. I was fumming mad, I felt betrayed.

Nang makarating ako sa flat ay nandoon na uli si Al. Umiinom ng tubig. Halata pa ang gulat sa pagbabalik ko. Nag wala ako.

Ibinato ko sa kanya lahat ng mahawakan ko. Pero ang lintik! Magaling umiwas, nagawa nyang ilagan lahat ng ibinato ko.

"Rim! Stop! O magpapatawag ako ng pulis." Banta pa nito.

Sa sobrang inis, kahit na nahihilam na ako sa sariling luha, nagawa ko pang ilabas ang cell phone kong 3210 at walang pag aalinlangang ibinato iyon sa kakabili pa lang na TV ni Al. Nagkaroon iyon ng malaking basag. Pero ang cellphone ko, nagasgasan lang. Hindi pa ako nakuntento kaya binato ko na rin pati bumbilya ng ilaw sa salas. Mas maraming damage, mas mapapanatag ako.

"I HATE YOU." lunod sa sakit at luha, I finally decided to go home, and just resent Al for the rest of my life.

Pag uwi ko sa bahay ay mayroong mga pulis na nag hihintay. Ang walanghiyang iyon! Tinotoo ang banta na tatawag ng pulis. And because I just turned eighteen last month, in legal age enough to arrest me, the police detained me for distruction of property.

Takot at nasasaktan, sa kulungan ko pinagpatuloy kamuhian si Al.

Loving The Ruthless JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon