Note: La lang ., sa sobrang boredom ginawa ko na ito ., Rate kayo ., Share niyo basta... pag nagustuhan niyo naman , eh di comment kayo :D un lang ., pampatangal lang ng boredom to , at isa rin kasi akong babae na sobrang hilig mag-imagine ng kung anu- anu ... Lalo na pag supernatural ung may powers powers ! Fav ko yan :) un lang ... Enjoy !
------------------------------------------------> SI Zaphiel :D
Comment naman diyaaaaaaaaaaan ! :D
Proulouge :
paano pag nainlove ka sa isang demon ? at isa kang angel ? ., alam mo na isa iyong kasalanan pag ginawa mo ! ., pero ... kaya mo bang labanan ang pag-ibig ? o sisirain mo ang pagiging anghel mo para lang makasama sa isang demonyo ? ... Ito ang kwento ni Zaphiel na isang anghel na maiinlove kay Shax na isang demonyo ...
Chapter 1 -Zaphiel .
"Zaphiel ! gising na ! di ba ngaun ung angel exam niyo ? sigaw ni Amitiel , ang ate ni Zaphiel ..
"opo ate ! mahina na sinabi ni Zaphiel dahil bagong gising pa siya ....
"Bilisan mo na ! male-late ka na ! sigaw ni Amitiel ...
Tumingin si Zaphiel sa relo ., nako ! male-late na nga siya ...
"ate Amitiel ! bakit naman ngaun mo lang ako ginising ?! galit na sinabi ni Zaphiel ...
"Kanina pa kita tinatawag di ka naman sumasagot ., oh tama na ang satsat maligo ka na at male-late ka na ... sagot ng ate ni Zaphiel ...
Ang Exam na tinutukoy ng ate ni Zaphiel ay para tumaas ang rango ng isang anghel , kasalukuyan nasa Rank D pa lang si Zaphiel ., may tatlong rankings ang isang anghel , ito ay ang Rank C, D at ang pinakamataas ang A ... Pag ikaw ay nasa Rank A pwede ka ng pumunta sa Earth , ang mundo ng mga tao , maraming anghel ang may gusto na pumunta dun , dahil maganda daw sa Earth , madami daw pwede masuot bukod sa palagi nilang suot ang Tunics , nag iiba lang ang kulay nito pag tumaas ang rankings mo .... White pag C , Blue naman pag D at Green pag A ...
Tapos na maligo si Zaphiel , nagmadali na siyang pumunta sa school nila na may pangalan na Sacred Angel Academy , kumuha na siya ng exam at kasalukuyang inaantay ang resulta ,. Habang nag-aantay ng resulta , Kinausap niya ang kaibigan na si Amriel ...
"amriel , di ko maintindihan kung bakit ang isang anghel naiinlove sa isang demonyo o di naman kaya sa isang tao . ?! alam naman nilang bawal yun ., hay ! pabuntong hininga na sinabi ni Zaphiel .
"kasi naman Zaphiel , di mo pa kasi nararanasan mainlove , malalaman mo rin yan at maiintindihan , sagot naman ni Amriel ...
"pero , Amriel ! anu ka ba naman ? Anghel tau ! Banal ! hindi ung naiinlove inlove lang kung kani-kanino ! sana inisip nila yun ! lahat may pangarap na maging laging nasa tabi ng Diyos ng mga tao , binabalewala lang nila ung pangarap nilang un ?! . galit na sinabi ni Zaphiel .
"Syempre Zaphiel ngayon sinasabi mo yan , pero once na nainlove ka , di mo na alam at di mo na maiisip yang mga yan , sure ko sa'yo ... sagot ni amriel ...
Kinilabutan si Zaphiel sa sinabi ni Amriel , medyo natakot siya doon .ayaw niyang maging fallen angel; dahil sa pag-ibig ! tutuparin niya ang pangarap niya at di siya magkakagusto sa isang demonyo o di kaya naman isang tao ., promise niya yan ! Ng biglang dumating ang result .. Pinatawag ang lahat ng nakapasa ., at kasama si Zaphiel dun ! Ibig sabihin lang nun ., pwede na siyang makapunta sa Earth ., at rank A na siya ! sobrang saya niya ! .,
"Ate Amitiel ! nakapasa ako ! masayang sinigaw ni Zaphiel ....
"Buti naman :) ., masaya na ako ., sana masaya sila mama at papa dahil rank A ka na sa wakas ! sagot naman ng ate niya ...
Ang mama at papa nila ay nagtratrabaho ., ang trabaho ng mama nila ay tagabantay ng gate para makapunta ka sa Heaven , ang papa naman nila ang nagsusundo sa lahat ng mga namatay na tao sa Earth at dinadala ito sa heaven .... Minsan lang umuwi ang mga magulang nila sa sobrang daming ginagawa .,
"nga pala Zaphiel ., may ibibigay ako sau , umalis ang ate niya at may kinuha ...
pagbalik ng ate ni Zaphiel , may bracelet ito na hawak ang shape nito heart at may nakapaligid na diamonds ...
"Itong bracelet na ito ay isang Protective Love Charm , para hindi ka mainlove sa tao o demonyo , ., ingatan mo iyan mula pa iyan sa ating lola , at meron din yang napakalakas na powers ., wag mo iwawala yan pag andun ka na sa Earth ha ?! sabi ng ate ni Zaphiel ,
Um-oo nalang si Zaphiel sa sinabi ng ate niya .., Niyakap niya ng mahigpit ang ate niya sa sobrang salamat niya ., ...
Kinabukasan ., Oras na para sa lahat ng nakapasa na pumunta sa Earth para gawin ang una nilang mission ang sunduin ang lahat ng mga mamatay na ., Excited na si Zaphiel ! Binasbasan sila isa isa at umalis na .,
Gumising si Zaphiel na nasa kama na siya ., totoo nga ! nasa Earth na siya ! Lumabas siya para lumanghap ng sariwang hangin at hanapin na rin ang susunduin niya ...
(Abangan : First Mission and Appearance of an suspicious guy .)
BINABASA MO ANG
I fell In love with a Demon ..
FantasyPanu pag anghel ka at may misyon ka na sunduin lahat ng mamamatay ., ? at sa mundo ng mga tao naka meet ka ng Demonyo na akala mo ay tao ., Panu mo lalabanan ang tukso ng demonyo ? papatukso ka ba ? Kwento ito ni Zaphiel na isang angel na nainlove...