Accidentally In Love

16 1 1
                                    

Chapter 1

"Second year na ko!!!", first day of school syempre kabado. Second day of school may nakita akong babae sa bandang likoran ng room, ang ganda nya sobra, napa double look pa ko nung nakita ko sya,ang puti nya para syang isang anghel ahaha. Nung nakita ko sya sabi ko sa sarili ko "shit magkakagusto ata ako dito" pero aalamin ko muna ung ugali nya kung mabait ba sya or hindi. Hindi naman kasi ako tumitingin sa itsura, what if maganda nga, pangit naman ugali, ma tu-turn off ako sa kanya. Pero bago yun, aalamin ko muna syempre yung pangalan nya. Tinanong ko yung c-mate namin "Cherry, anong pangalan nung nakaupo sa likod?"
Sabi nya "Angelina pangalan nya"
Nung nalaman ko yung pangalan nya bigla nalang akong napakanta "oh Angelina, Angelina, Angelina biba señorita" ahaha. Tinigna ko salabas ng room namin ung listahan ng mga pangalan, at nalaman ko na ang buong pangalan nya.
"Angelina Marie Fabian ang pangalan nya, shit F din sya, magkatabi kami!!!"
Tuwang tuwa ako kasi magkakatabi kami <3, pagkatapos kasi ng pangalan nya name ko na yung sumunod, diba magkagkatabi kami? ahaha.
Ung ibang teacher nag ayos na ng sitting arrangement. Habang nakapila sa labas at naghihintay na matawag ang pangalan ko, binubulong ko ng paulit ulit na sana magkatabi kami. Ahaha di naman masamang mangarap paminsan minsan eh.
Nang tinawag na ang pangalan nya sabi ko sa sarili ko "Sana ako na yung sunod na tawagin please"
"Geanelle Formilleza" sabi ng teacher
"Ma'am" sagot ko naman
"sa likod ni Fabian" - teacher.
Ang saya ko na nga eh kasi ako na ung sunod na tinawag kaso nung narinig ko ung word na "sa likod" eh mas lalong pumangit yung itsura ko ahaha. Akala ko makakatabi ko na sya huhuhu nasa likod naman nya ko, PAASA eh. Sakit talagang umasa.

Break time na!!! Yehey, isa sa pinaka paborito kong subject ang mag break.
Ang sakit nga eh, nung nag break kami, sobrang sakit talaga, tagos hanggang buto eh, sakit talaga, naiwan ko ung pera ko sa bag, sakit diba? Nandun na ko sa canteen eh bibili na ko pag hawak ko sa bulsa ko wala ung wallet ko huhuhu, ang layo pa naman ng room namin, nasa dulo yung room namin eh ang layo, wala akong magagawa kundi bumalik malay mo nandun si Angelina diba? Ahaha. So bumalik ako, pag balik ko sa room wala sya, umasa na naman ako, haynako.

MAPEH time!!!
Nag ayos din ung bakla naming teacher ng sitting arrangement. This time umasa na naman ako na sana magkatabi na kami kahit ngayon lang. Last subject na kasi namin yun, kaya umasa na talaga ako.
So tinawag na yung pangalan nya then ung pangalan ko, at this time MAGKATABI NA KAMI ahaha pero kunyare syempre hindi ako kinikilig.
Ang tahimik nya, wala syang ginawa kundi mag paypay, tingin lang ako ng tingin sa kanya. Nang matapos na ang pag aayos ng sitting arrangement, dinaldal nya ko my gosh ahaha kinikilig ako pero di ko pinapahalata ahaha.
Sabi nya "tignan mo si sir oh bakla, oh ang arte mag paypay daig pa ko" ahaha paulit ulit nyang sinasabing bakla si sir at paulit ulit ko naman syang sinasabihan na tumahimik at baka ako pa ang mapagbintangan na ako ang nag sasabi nun kasi nasa tabi ko lang si sir at ang lakas pa ng pag kakasabi nya. So after a weeks di pa din kami close masyado inistalk ko sya sa Facebook tinignan ko lang yung mga picture nya at natatawa ako ewan ko kung bakit, di ko ma describe basta ang napansin ko lang hindi sya photogenic, yung halos karamihan sa mga post nya nene days ahaha pero I still love her.
Napansin kong nakikipag daldalan na sya at nag iingay na sya, ang cute nya tumawa, at mas lalo syang gumaganda pag naka ngiti, kaka inlove.
Sabi ko sa kanya "Angelina, tinignan ko Facebook mo ah pero di kita inadd"
Sabi nya"ikaw ah, nang iistalk ka ah"
Sagot ko naman "hindi ah tinignan ko lang naman eh" tumingin nalang sya sakin sabay ngiti
"I a-add kita ah, accept mo ko" sabi ko.
Tumango nalang sya then smile.
After a month naging close na kami, yun naman ung gusto ko eh ung maging close kami.
Hindi ako umasa na sana maging kami, kasi alam kong hindi sya mag kakagusto sakin, at lalaki ang gusto nya, pero pinaparambam ko sa kanya na mahal ko sya.
After a week napapansin ko sa iba na napupunta ang atensyon nya di na sakin, lagi syang tumitingin sa row ng mga lalaki, at nung tinignan ko may kausap sya pero nag sesenyasan lang sila at napansin kong ang saya saya nya, so nalungkot ako.
One day may sinabi sya sakin may nararamdaman sya na kakaiba na ngayon nya lang naramdaman.
"Alam mo ung feeling na kausap mo sya mula umaga hanggang gabi tapos yung tawagan nya pa hindi pangalan nyo, tapos lagi syang nag g-goodnight sayo bago matulog tapos... Tapos..."
Sabi nya.
Habang nakikinig lang ako sa mga sinasabi nya, nalulungkot ako at naiisip ko na baka may gusto na sya sa taong tinutukoy nya.
Tinanong ko sya "sino ba ung kausap mo?" Ayaw pa nyang sabihin pero pinilit ko sya,
Sabi nya "si Puno"
Dranreb Rafael Puno ang buong pangalan nya di ko sya kilala that time kaya hinanap ko sya na room.

End of chapter 1
Ano kayang totoong nararamdaman ni Angelina kay Puno, abangan sa susunod na chapter ng Accidentally In Love. Ahaha

Accidentally In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon