Accidentally In Love

4 0 0
                                    

Chapter 2

Tama ang hinala ko na may gusto si Angelina kay Puno. Lumipas ang mga araw nag papapansin si Angelina kay Puno. Gusto nya lagi silang magkasama, halos lagi na nyang bukang bibig si Puno, pag magkasama kami lagi syang nag kekwento about kay Puno. Ako naman kunyare di ako nagseselos na kunyare masaya din ako pero deep inside selos na selos na ko, pero wala naman akong karapatan eh, kaya tinatago ko nalang at hindi ko pinapaalam sa kanya na Mahal ko sya.

Mahal ko sya, may mahal syang iba, at higit sa lahat may mahal ng iba ung taong mahal nya at mahal din sya ng mahal nya. Saklap diba?
Si Puno kasi Loyal sya sa taong mahal nya, kasi elementary palang sya nag aantay na sya kay Camila.
Si Camila kasi di pa sya pwedeng mag ka boyfriend, pwede na syang mag boyfriend pag college na sya, kaya si Puno nag hihintay hanggang mag college na si Camila. Kahit puro babae ang kasama nya loyal parin sya sa mahal nya.
Kaya girls di lahat ng lalaki manloloko, may ilan paring seryoso at loyal ahaha.

Nung nalaman ni Angelina na may mahal ng iba si Puno nasasaktan sya at nagseselos, palagi na rin syang umiiyak sakin, sinabi na rin kasi ni Puno sa kanya na may mahal na syang iba at hanggang magkaibigan lang ang turing nya sa kanya.
Pinaprangka ko na si angelina sabi ko "bat ka nag seselos at nasasaktan? Eh wala ka namang karapatan kasi hindi naman KAYO!"
Sabi nya "aray ko naman, maslalo mo lang akong sinasaktan eh"
"Sinasabi ko lang naman ung totoo" sabi ko.
Gabi gabi lagi syang umiiyak, humihingi sya sakin lagi ng tulong.
Nasasaktan ako every time na umiiyak sya sa balikat ko, naiinis ako. Nasasabi ko nalang sa sarili ko "sa dinami rami ng pwede mong iyakan bakit sya pa" at "sa dinami rami ng pwede mong mahal bakit sya pa? Eh nandito lang naman ako sa tabi mo, di naman ako lumalayo, handa akong tulungan ka, kahit anong mangyare di kita iiwan"
Nangako kasi ako sa kanya na hindi ko sya iiwan.pinapadama ko sa kanya ung pagmamahal ko kaso di na nya napapansin kasi manhid na sya :(.
Sabi ko sa kanya "Angelina, move na, kalimutan mo na sya, may nag mamahal pa sayo, di mo lang napapansin kasi hanggang ngayon naka focus ka parin sa kanya" gusto ko sanang sabihi na mahal ko sya kaso umatras na naman dila ko.

Nagsimula na syang mag move on, at nakaka move on naman sya hanggang sa mawala na ang feelings nya para kay Puno.

Lumipas na ang mga araw masaya na sya ulit at natatawa nalang sya pag na aalala nya na iniyakan nya si Puno noon. Masaya ako ng naka move on na sya kasi nasakin na ulit ang atensyon nya.

After a week, may sinabi sya sakin "Nelle, lilipat na ko ng school, biglaan, di na ko mag papaalam sa mga teachers natin, so nag papaalam lang ako sayo, Nelle sana maging masaya ka parin kahit wala na ko dito. Nanjan naman sila Puno eh para mapapasaya ka naman nila"
Sabi ko naman "Pero hindi nila ko mapapasaya gaya ng pagpapasaya mo sakin"

Nagpakasaya nalang kami pagkatapos nya sabihin un.
Bigla ko nalang sinabi na " Angelina? Ahhm tutal aalis ka naman na, may gusto lang akong aminin sayo..."
Sabi nya "ano un?"
Sabi ko "may gusto ako sayo"
Sinabi ko un habang nakatingin sa kanya. Nakatingin lang sya sakin habang pinipigilan nyang ngumiti, ewan ko kung bakit, sabi nya "ano???"
Tinanong nya un habang naka ngiti.
Gusto nyang ulitin ko ung sinabi ko pero di ko na inulit kasi ang linaw na at ang lakas ng pagkakasabi ko, sabi ko sa kanya "narinig mo ko, at ang linaw ng pagkakasabi ko"
Ngumiti sya sakin then niyakap ako.
Ung sinabi nyang aalis na sya at lilipat na sya ng school, hindi natuloy un.

Nag bigay ng assignment ung teacher namin sabi nya "Kung sino marunong gumamit ng instruments like guitar, dalhin nyo ung gitara nyo then kailangan nyon mag perform dito sa harap, kayo ng bahala kung sino ang gusto nyong maging ka group"
Dalawa lang kami magka group ni Angelina, ako mag gigitara then sya kakanta.
Kinabukasan dinala ko ung gitara ko.
Nag tutugtog lang ako ng kahit anong kanta sa mga c-mate ko at nandun din sya nakikinig. Habang nag gigitara ako, nakatingin lang sya sakin, nagtataka lang ako kasi parang natutulala na sya, pero di ko nalang pinansin un. Hindi pumasok ang last teacher namin, so pwede pa kami makapag daldalan at mag kulitan.
Habang nagpapatugtog ako ng naka speaker para malakas, nagtakip sya ng bibig gamit ang panyo nya at may sinasabi sya, di ko marinig kasi may speaker at nakatakip pa ng panyo ang bibig nya, sabi nya " gumawa ka ng paraan para marinig mo ko " habang sinasabi nya un naka tingin sya sa speaker kaya pinatay ko muna, at inulit na nya pero di ko parin marinig kasi nakatakip parin ng panyo ang bibig nya. Hanggang sa may narinig na ko...

End of chapter 2
Ano kaya ang sinasabi ni Angelina kay Geanelle??? Alamin sa susunod na chapter ng Accidentally In Love. Ahaha

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Accidentally In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon