Just The Two of Us

293 18 1
                                    

Lucky's POV
Hahahaha!!! How amazing!! Sa dami dami ng pwede kong makasabay sa payong itong babaeng ito pa.. lahat ng babaeng may gusto daw sakin? Kahit ayoko naman... ayun na nga ang dami na ngang nakatingin samin akala siguro nila girlfriend ko itong babaeng ito.. as if naman na pumatol ako sa babaeng ang dulot sakin ay kamalasan hahaha...
Lucky: hahah ang desperado mo rin noh??
Camille: ano??
Lucky: alam ko naman na may dala ka talagang payong nandyan tinatago mo lang para maka score ka sakin eh..
Camille: ang yabang mo rin noh!! Kung ayaw mong magpasukob eh di wag hindi naman kita pinipilit ehh..
Tumakbo si Camille papalayo sakin.. papunta sa gate.. totoo nga.. wala nga syang dalang payong mas pinili niyang mabasa... hinabol ko siya
Lucky: camille!!
Humarap siya sakin ng basang basa.. biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng oras na yon tila huminto ang oras ko hindi ko alam kung bakit pero nagmadali akong pumunta sa kanya para payongan siya... bigla siyang tumawa..
Lucky: bakit ka natawa??
Camille: kasi ngayon mo lang tinawag ang pangalan ko ehh..
Hinubad ko ang aking uniform ang natira na lang sakin ay ang sando ko at binigay ito kay Camille.. kasi lamig na lamig na siya
Camille: thanks!! ( habang hinihipan ang kanyang kamay sa sobrang lamig)
Lucky: tara na uwi na tayo...

Camille's POV
Kinilig ako in pairness??? Lalo na nung nilagay niya ang uniform niya sakin...Ganun pala talaga yung characteristic ni Lucky... siguro dagdag pogi points na naman ito sa mga fans niya hahah.. alam niyo kanina nung palabas na kami ng gate nagtitinginan ang mga babae sakin kala mo kakakinin ako ng buo ehhh...ng..
Bigla kong naramdam ang pagdampi na kamay ni Lucky sa aking kamay sa hawakan ng payong... biglang tumibok ang puso ko ng napakabilis parang hindi ako makahinga ehh..
Sumakay na kami ni Lucky sa tricycle tumabi kami sa driver at inalalayan ako ni Lucky na sumakay ayyy ang gentleman niya ahhh... hinihipan ko ang aking kamay dahil lamig na lamig na talaga ako ehh nagulat ako ng kinuskos niya ang kaniyang palad at hinipan pagkatapos nilagay sa aking tenga.. Ang Init!!!!! Niyakap niya ako..
Lucky: okay ka na?? Hindi ka na ba masyadong nilalamig??
Iniling ko lng ang aking ulo..
Lucky: malay ko ba kung wala ka talagang dalang payong
Camille: minsan kasi matuto kang magtiwala...
Tumungo na lang nun si Lucky... Tila ba bigla siyang nalungkot sa sinabi ko ehh May nasabi ba akong masama?? Biglang nagsalita si Lucky..
Lucky: tama ka nga.. ngayon alam ko na kung bakit ako iniwan ng 1st gf ko kasi hindi ako nagtiwala sa kaniya hahha
Pabiro niyang sabi...
Lucky: ehh ikaw Camille may naging boyfriend ka na ba??
Camille: wala pa..
Lucky: bakit naman??
Camille: wala pa kasing naglalakas loob ehh..
Lucky: sayang mganda ka pa naman... alam mo swerte yung lalaking magiging boyfriend mo kasi wala na siyang hahanapin pa..
Camille: talaga naman!!! ^.^
Naramdaman ko talaga nun na namula ako sa sinabi ni Lucky.. at nalaman ko pang loyal siya kahit sikat siya hindi niya inaabuso yung mga nararamdaman ng babae para sa kaniya!! Iba siya sa mga famous na nakilala ko hhahahah.. at pumara na siya..
Lucky: ohhh sayo na itong payong ko balik mo na lang bukas para hindi ka mabasa akin na yang uniform ko baka pagpantasyahan mo pa hahahha.. ^.^
Camille: ehh panu ka wala kang payong??
Lucky: oks lng yan!!! Sige alis na ako..
At tumakbo na siya ahhh malapit lang pala yung village nila samin ehh.. teka teka bakit siya dun pumunta sa village na iyon.. for all i know lahat lang ng nakatira dun ay mayayaman... ehh kung mayaman siya bakit siya nasa public pabayaan mo na nga... at maya maya umuwi na ako...
Binuksan ko ang payong ni Lucky damang dama ko ang init ng pakakahawak ni Lucky sa payong niya... at ito na naman yung pusong ito ehhh tumitibok na naman ng napakabilis hindi na naman ako makahinga ikaw kasi Lucky ehhh.... at umuwi na ako at naligo at dali daling nagbihis at kumain pagkatapos kumain natulog na ako... hindi ko na hinintay si mama at papa dumating napagod ako ng sobra ehhh....

Lucky's POV

Why i am feeling this??? Kanina hindi ko talaga alam kung bakit tumibok ang puso ko na napakabilis huli ko itong naramdaman noong nainlove ako sa aking girlfriend at hindi na ulit umulit.. hindi kaya.... erase erase never mind... basang basa ako ehh iniwan ko kasi yung payong ko kay Camille ehh... kaya naligo ako at nagbihis pagkatapos magbihis kumain ako at natulog na ako.... maaga pa ako bukas kailangan kong makasama ulit sa top 10 sa campus kailangan kong grumaduate ng may top para tigilan na ako nila mommy sa pagkukumpara sakin kay kuya.. porket kasi Magnacumlaude kuya ko sa education major in math pahhh... kaya hindi maiiwasan na ikumpara ako nila daddy favoritism ba!!! Sige goodnight na!!!!

Kriiing kriiing
"Tiktilaok sabi ng manok gising gising batang tulog
Ang araw ay sisikat bulaklak ay bumubuka" My alarm clock is alarming!!! Ibig sabihin umaga na!!! Kailangan ko ng maghanda sa school at dapat ako mauna sa classroom para maiwasan ko maharang na naman ng mga babae baka pagyayakapin na naman ako at dumugin na naman ako.... I super hate that!! Buti pa dati nung kami pa ng ex ko kahit patago yung relationship para iwas gulo ang saya.. yung lagi kaming nagtatago kahit nakakawala ng privacy pero ang saya lang hahahaha... yes!!! Tago lang yung relationship namin nung ex ko tingnan niyo kahit 1 year na yung nakalipas hindi pa rin ako maka move on
"Kasi ang pagmomove on madaling sabihin pero mahirap gawin"
At tumayo na ako sa kama, naligo, nagbihis, at bumaba para magbreakfast at nagtoothbrush at umalis na ng bahay... wala pa kasi sila mommy mamaya pa uwi nun O.T kasi ehh... kinuha ko yung baon ko sa bulas ng ref na nagkakahalaga ng 200 baka may makaalam na mayaman pala talaga ako.. ayoko ko kasi magustuhan lang ng babae dahil mayaman ako kundi dahil kung ano talaga ako... siguro nagtataka kayo kung bakit sa public ako nagaaral noh.. ehh dito rin kasi nagaral yung magaling kong kuya para daw machallenge yung utak at masanay naman ako sa public...umalis na ako ng bahay at pumara ng tricycle... ng nasa room na ako nagulat ako nang hindi ako yung nauna guess who?? Yes its Camille... inabot niya yung payong ko..
Camille: thanks... Lucky
Pagkasabi niya ng pangalan ko biglang tumibok ulit ng napakabilis ang puso ko...
Lucky: okay lang yun buti na lang hindi ka nilagnat...
Camille: medyo nahihilo pero kaya pa naman...
Lucky: basta sabihin mo na lang kung hindi mo na kaya ahhh...
Camille: okay.. thanks sa care..
Bakit ako nagaalala sa kanya?? biglang may dumating na dalawang maingay..
Mark: hey girl... kamusta ka na??
Camille: okay lang medyo masama pakiramdam pero carry lang girl..
Alliah: basta magsalita ka lang ha..
Camille: oo naman..
Lucky: may balak ka bang ipakilala sila sakin Camille??
Camille: ahh oo nga pala.. si Macy at si Alliah mga kaibigan ko..
Lucky: haa?? Sino yung Macy?? Isang lalaki at isang babae lang na naman ang nakikita ko..
Mark: hahaha.. that's me baby..
Lucky: anong baby??
Mark: oops sorry ^_~ im one of the fans mo kasi ehhh..
Lucky: nice meeting you Macy!!
Alliah: ako naman yung Alliah
( sabay abot ng kamay kay Lucky)
Lucky: nice meeting you Alliah!!  ( sabay kindat)
Alliah: ahhh.. nice meeting you too..
Camille: ayan nakilala mo na mga kaibigan ko ayos na ba??
Lucky: oo naman..
Alliah: ayyyiieehhh...
Tapos nagsibalikan na sila sa kaniya kaniyang upuan... at nagsimula na ang klase..

Ikaw At AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon