In need of love
Author: HeyitsmevjHindi ko alam kung anong meron sa iba na wala saakin.
Bakit ganito yung nararamdaman ko?
Bakit feeling ko hindi ako minahal ng mga magulang ko?
Maski pagmamahal ng sarili kung pamilya wala akong maramdaman ni katiting na pagmamahal.
Naranasan ko na ng maraming beses ang emotional at physical abuse. Yung kahit pinag mumura nako, iniiyakan ko nalang.
Kahit pinag sasapak nako, hinahampas ng monobloc, at pinagsasampal.
Mahal ko parin sila pero minsan diko narin kaya, masyado ng masakit.
Di ko rin naman alam kung anong dapat kung gawin pamilya ko parin yun.
Minsan nga naisip ko sana yung pamilya nalang ng bestfriend ko ang pamilya ko, kasi kahit walang permanenteng trabaho ang mga magulang niya masaya sila, nakakaingit.
College na ako pero nung nag graduation ako noong elem at highschool nagtutulakan pa sina mama at papa kung sinong a.attend kasi daw may trabaho sila, bata man ako noon meron parin akong pag iisip at damdamin, nasasaktan din ako.
Bakit?
Di ko ba talaga deserve ang oras niyo?
Di ko ba talaga deserve ang pagmamahal niyo?
BINABASA MO ANG
In Need Of Love
Short StorySPG(Language & Violence) "Ako si star ang babaeng nangangailangan ng pagmamahal." Short updates sweethearts. Vote and Comment.