Pagmamahal #2

3 0 0
                                    

Star's POV~

Nagpaalam na ako sa aking ama at ina, papunta na kasi ako sa unibersidad. Pero ni isang salita walang lumabas sa kanilang bibig, ni lingon wala rin.

Ang katangi-tanging tao na pumansin sa akin ay ang aking kapatid. Oo may kapatid ako at ito ay si Heart grade 6 na ito at ako naman 4th year college.

"Ate :) Paalam na, Ingat ka po." Sabi ng aking magandang kapatid.

"Sige, mag ingat ka din papuntang paaralan." Sabi ko.

Ngunit akmang papalabas na ako ng pinto, nakita ko mismo na hinalikan nina mama at papa si Heart sa pisngi. Kaya natanong ko agad ang sarili ko? Bakit nila hinalikan yung kapatid ko? Bakit ako hindi? Ni hindi manlang sila lumingon sakin.

"Oh?! Diba sabi mo lalakad ka na papuntang unibersidad!? Bakit ka pa naka tayo diyan?" Nakasigaw na saad ni mama.

"Opo, aalis na po ako. Ingat po kayo dito." Yan nalang din ang naisagot ko.

Habang nag lalakad na ako papuntang unibersidad may nakabangga akong lalaki at di sinasadyang nahulog lahat ng mga gamit kong hawak ko lang.

"Tangina naman oh! Ang tanga naman kasi!" sabi niya.

"Sorry." Sabi ko, at pinulot lahat ng mga gamit ko na nagkalat sa daan, pagkatapos kung pulutin lahat nandyan parin yung lalaki na naka bangga sakin nakatayo lang..

"Bakit?" Tanong ko

"Nothing. But next time be careful because some people might take advantage of your kindness." Saad niya.

Hindi ko maintindihan kung bakit niya nasabi iyon, hindi ko siya kilala at ngayon ko lang siya nakita. Hindi ko rin siya maintindihan kung bakit mula sa pagmumura niya eh naging mahinahon siya at nasabi niya iyon na para bang kilalang kilala niya ako.

-------

Authors Note:

Sorry for the lame update. 😅✌

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In Need Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon