Man In Love

27 1 1
                                    

 “Break time guys!”

 Oh thank God, I thought he has no plan to take a break. I am so tired, nonstop of practicing for the debut next month.   

“Bret! Pupunta ka ba ng Pop store?” – Chase

Yung Pop store, convenience store siya. Si Chase isa sa mga close ko na trainee… Yea tama kayo ng rinig! Isa akong Trainee , di ko na sasabihin kung saang company o entertainment…

“Oo! Bakit?” “Pabili naman ako ng blablabla..”

Di na siya sumama kasi may kakabisaduhin pa daw siyang Rap.

Palabas na ako ng may marinig akong sigawan, yung fans ng mga seniors namin. Seniors kung baga naka pag debut na sila, sikat na sila, tapos madami na ding fans… Akala siguro nila isa ako sa mga member nun, hello anlayo. Hahaha! Natahimik nalang sila nung lumabas ako, maling akala e, pahiya onti. Haha! Ang mean ko sorry…

Malapit lang yung Pop store, siguro 5 mins lang galing building namin papunta dito. Sa Pop store kami laging nakatambay ng mga co-trainees ko. Bumili lang ako ng mga pinabibili ni Chase at yung mga dapat ko ding bilin para sakin, after kong mag bayad pag labas ko bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan.

Shit! Nasabi ko nalang sa utak ko. Pano na to? Pag tinakbo ko, baka mabasa ako eh isang set lang ang dala kong damit. May continuation pa ng practice mamaya, edi pag umuwi ako ng bahay pawis na pawis, baka magalit pa si mama…

Tinext ko nalang si Chase na nastuck ako sa Pop store, sana huminto na yung ulan 10 mins nalang ang natitira sa binigay na breaktime ni Kuya Red, yung choreo namin.

Umupo nalang muna ako dun sa gilid, inaantay na tumila ng may magsalita sa gilid ko… Isang babaeng basang basa ng ulan.

“Ahm, kuya may payong ka ba jan?” “Ah-ah ehh… Wala eh.. Ahmmm, na-nag aantay akong tumi-tumila yung ulan… ehehe”

Napakunot ng kilay yung babae. Shet! Pano naman kasi ako di mauutal, basang basa siya ng ulan… TAPOS NAKAUNIFORM SIYA, TAPOS PUTI YUN TAPOS WALA PANG SANDO! Tang---

”ARGGH! TANGA KO NAMAN MERON PALA AKONG PAYONG SA BAG! ARGH! ASAR!!!” Narinig ko nalang siyang ganyang nung nag halungkay siya sa bag niya. Ang cute niyang magalit—napailing ako erase erase erase!

1…2…3…4…5…6…7…8…9…10……………………….60seconds! *dugdugdug*

“Kuya? Kuya? Bakit? May dumi pa sa mukha ko? Teka nakakatunaw ka na ah!” Kumakaway kaway yung babae sa mukha ko, tapos bigla nalang niya akong kinutusan… “ARAY!” sigaw ko, “Aba! Tulala ka kasi e, tss! Natunaw na ako!!!” medyo nahiya naman ako,“A-ABA! Ang k-kapal mo din ha! D-di kita ---“ biglang nag ring yung phone ko

“Hey! Bret! Asan ka na? GUTOM NA AKO! Takbuhin mo na. Dali!!!”

“Ah teka Chase! Anlakas kasi ng  ulan. Wala akong damit na pangpalit, isa lang!”

“Argh! Kaya mo yan, pahiramin nalang kita! Gutom na talaga ako!”

“Oo na sige! Bye ~ “

Binaba ko na yung phone ko nung biglang may humarang saking payong… “Oh! Hiramin mo na muna, balik mo nalang sa susunod na magkita tayo! Bye~ “ Bigla nalang siyang nag laho… Ang bilis naman atang tumakbo nun. Susundan ko sana pero mukhang gutom na talaga tong si Chase!

.

.

2 months has passed since our debut. Finally, I am an artist now. 2 months has passed since I saw that girl… After that day, I never see her again, I’ve been waiting for the day to see her and return THE umbrella.  

Nasa sasakyan kami ng mapadaan kami sa Pop store, nakakamiss bumili dun kaya naman pinahinto namin yung sasakyan para bumili… Madaling araw na, kaya naman wala na gaanong tao sa area. Nasa may beverages ako, pag lingon ko dun sa labas may nakita akong isang babaeng nagkatayo lang dun. Mahaba yung buhok niya at naka red na shirt at pants. Binale wala ko nalang, uhaw na uhaw na rin kasi ako.

Nung nag bayad na kami, naunang lumabas yung mga ka-member ko, ako kasi bumili ng chocolate, nag crave kasi sa matamis eh hehehe.

After mag bayad, lumabas na din ako… Bago ako sumakay, napalingon nalang ako dun sa babaeng nakared, una natakot ako baka multo yun pala medyo mahaba lang yung bangs niya…

Pero ang mas kinagulat ko….

SIYA. SIYA YUNG NAG BIGAY NG UMBRELLA AY HINDI PALA BIGAY, PAHIRAM!

Nakatayo lang dun, kaya naman nasigawan na ako ni Chase pinapapasok na ako. Narinig ata nung babae yung sigaw ni Chase kaya napalingon din sakin… Pagkita niya sakin, nanlaki din yung mata niya tapos lumakad na papalayo.

Hinabol ko siya, kaya naman naglabasan yung mga ka-member ko, at sinigawan ako na bumalik na dun sa kotse pero di ko sila pinansin…

Buti nahabol ko siya, at nahawakan ko yung braso niya. “Ano ba!” Iritang sabi niya sakin, “Di mo na ba ako matandaan?” kumunot naman yung noo nya tapos yumuko siya, “H-hinde eh! Sige alis na ako.”

Pero di ko pa din siya tinantanan, “Wag mo kong sundan! Di nga sabi kita kilala!” sunod pa din ako ng sunod, “ANO BA--” natigilan siya, hindi ko alam kung bakit to ginawa, di ko na pigilan…

I HUG HER!

Nag pupumiglas siya, pero ayoko siyang lubayan! Kung di man kayo naniniwala sa love at first sight, pwes ako NANINIWALA!

“Antagal kong nag antay, para isauli yung payong…” yan nalang nasabi ko, at ikinagulat ko, “Ang tagal ko ding nag antay na akapin mo ule ako…”

Nag tataka ako, kaya naman natanggal ko ang pag kayakap ko sa kanya… “Ha? Akapin ule?”, tapos ngumiti siya, “Oo! Yakapin ule, kasi sa pag kakaalam ko… Magkababata tayo!”

Nanlaki talaga ang mata ko, di ko akalain na…. SI KATHERINE PALA SIYA! KAYA PALA ANG BILIS NG TIBOK NG PUSO KO NUNG MAGKITA KAMI SA POP STORE!

“Rine? Ikaw ba yan? Bat ang ganda mo na?” Asar ko, kinutusan ako…”ARAY!” “Yan din reaksyon mo  nung kinutusan kita sa tapat ng Pop Store! Pagnasahan daw ba ako? Tsss :/”

 Ayy oo nga noh? Since bata pa kami, lagi na niya akong kinukutusan at ganyan ganyan ang nararamdaman ko sa tuwing ginagawa niya yun, malakas na *dugdug*… Di ko na napigilan at niyakap ule siya… Then she hugged me back! I’m so happy, finally we met again. Finally I met my first love again!

“I love you, Rine!” kinutusan niya ule ako, pero ngumiti nalang ako… “Thank you!” yan lang sagot niya, lalakad na sana siya, pero hinigit ko siya at hinalikan, kinutusan niya ule ako “Bastos ka!” “Sus! Nagustuhan mo lang eh. Ewan ko sayo!” lumakad ule siya….

“Rine. Di mo ba ako mahal?” “Mahal este mura ay hindi pala! Ano ba! Uuwi na ako.” In-denial pa din siya shet!

“Rine….”

“Oh?”

“Can you be my girlfriend?”

“Bawal sa contract yan!” singit ni Chase, nasa likod ko na pala sila shet! Nakita nila ka-cornihan ko >.<

“Ay bawal daw eh. Sorry! Friendzone ka na muna…” nakangiting sabi ni Rine

“Shet naman oh :( Minsa lang magkalovelife, napostpone pa!”

“Pero pwede naman yun bro, as long as na makikilala siya ni MANAGER! Hahaha.” – Sedie

“Oo nga! Pwede talaga bro, kasi nasa contract kapag di tayo naka abot sa hamon ni President na 12 win sa mga musc chart, hindi tayo pwede mag kaLovelife. Eh wala eh, naka13th win tayo! SO GO NA!” – Levie

Napalingon nalang ako sa nakangising si Rine, “Oh ano? Narinig mo yun ha?” sabi ko sakanya.

“OO NA! POTEK KA! ILANG YEARS AKONG NAG ANTAY! KUNG KELAN MARAMI NA AKONG KAAGAW SAYO TSAKA KA NAG… ARGH! NAKAKAINIS KA!” Inakap ko nalang siya, habang pinag papapalo niya ako at umiiyak, siguro sa tuwa malamang…

“I’m all yours, I promise! I love you.”

“I love you too.”

MEMBERS: “WOAAA! ANG KORNI MO BRET!”

Man In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon