(i) Vice's Mission

21.7K 297 30
                                    

“Kanina ka pa dito?” tanong ng babaeng kalalabas lang ng kotse.

“Medyo…” sagot ng isang lalaking nakasandal sa pader ng bulding at nagtatago sa dilim.

Lumapit naman ang babae sa lalaki at ibinato ang isang brown envelope dito.

“I want her dead.” Sabi ng babae at napa cross ng arms.

Tumawa naman ang lalaki after nya suminghot ng sigarilyo, “Alam mong hindi ako kriminal.”

“Vice, I don’t care kung sino pumatay sa kanya. Do something and get her killed.” Sabi ng babae at binigyan ng vicious look si Vice.

Napailing si Vice at sabay tinapon ang sigarilyo nya. Itinuwid nya ang pagkakatayo nya at nilapitan ang babaeng naka red dress at blazer na itim while opening the envelope.

“Ana Karylle Tatlonghari” binasa ni Vice ang pangalan sa taas ng picture ng isang magandang babae. Napaisip bigla si Vice dahil iniisip nya kung bakit parang pamilyar sa kanya yung pangalan ng babae.

“She’s the daughter of Modesto Tatlonghari.”

“Modesto Tatlonghari?” napatingin naman si Vice papalayo sa papel at tiningnan ang babae.

“Yeah… The same man na nagpapatay sa tatay mo.” Ngumiti ang babae triumphantly ng makita ang reaksyon ni Vice. Naging matigas kasi ang pagmumukha nito at naging magka salubong ang dalawang kilay.

“For 2 million pesos Vice… Will you do it?”

Ibinaling ulit ni Vice ang atensyon nya sa picture ng babae at hinaplos ang nakangiting mukha nito.

“I’ll do it. Bigyan mo lang ako ng pera para-“

Bago pa nya matapos ang sasabihin ay binatuhan ulit sya ng babae ng isa pang brown na envelope.

“150 thousand, for down payment.”

Tiningnan ni Vice ang nasa loob ng sobre at tumango ng makita ang pera.

“Kill my goodie two shoes step sister as soon as possible.”

Umiling si Vice at tumawa, “You’re twisted Anne.”

“Says the one,” sabi ni Anne at nag smirk, “See you na lang after ilibing ni Karylle.”

Tumalikod si Anne at sumakay na ulit sa kotse nya leaving Vice with his mission.

Rinolyo ni Vice ang dalawang envelope at tinuck in sa may jeans nya. Lumakad sya papunta sa motor bike nya at sumakay at umalis sa liblib na lugar.

-

“Tutoy! San ka na naman ba nanggaling anak?” bati ng nanay ni Vice na nakaupo sa may lobby ng condo unit kung saan nag s-stay si Vice.

“Nay?” gulat na tanong ni Vice at sabay niyakap ang ina, “Anong ginagawa nyo rito?”

“Eh inip na inip na ako dun sa bahay anak…”

“Nandun naman po sina Ate diba?”

“Eh pero ikaw wala dun anak. Binili mo nga ako ng malaking bahay, di mo naman ako sasamahan tumira dun.”

“Ay sus, nagtampo na naman tong maganda kong nanay.” Sabi ni Vice at inakbayan ang nanay nya sabay halik sa ulo nito.

“Eh wala ka naman kasing ginawa kung hindi mag trabaho ng mag trabaho.” Sabi ng nanay ni Vice habang naglalakad sila papunta elevator, “Di ka na nga dumadalaw dun sa bahay.”

Pumasok ang mag ina sa elevator at pinindot ni Vice ang floor ng unit nya.

“Nay, wag na kayong magtampo, ipagluluto ko na lang kayo ng paborito nyong sinigang na baboy na maraming sitaw at talbos. Okay po ba yun?” in reply ay ngumiti ang nanay ni Vice at niyakap ang kanyang anak.

Save You | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon