Second(R8) [Kwentong Isang Tagay]

1.6K 172 14
                                    

SECOND(R8)

Ni: CorrectionFluid

 

“3 hours?”

“Ikaw?”

“Ayos na ba yun?”

 

 

 

 

Makakapagreklamo ba ko?

SABAY kumain. Sabay umuwi. Sabay magligpit ng mga gamit sa office. Magkatabi sa bawat meeting. Magkadikit sa bawat gathering. Magkasama sa bawat lakad. Nagdedate. Nanonood ng sine. Lumalabas pag may libreng oras. Nagpapaabot ng hanggang gabi sa kung saan. Naghahawakan ng kamay. Nagyayakapan.  Naghahalikan.

Pero hindi SILA.

Malaking kagaguhan nga raw kung tutuosin, ang pinasok kong sitwasyon. Naturingan akong matalino pero pagdating sa pagibig, nagpapakatanga ako. Hindi ko alam kung anong meron siya at nagagawa kong sikmurain ang ganitong set - up. May karapatan naman daw akong magdemand, ewan ko nga lang ba kung ba’t hindi ko magawa – gawa.

“May gagawin ka mamaya?”

“Wala.”

“Labas tayo? Samahan mo na ko.”

“Sige. Anong gagawin?”

 

Madalas, ganyan kaming dalawa. Pag nakasilip kami ng nakaw na oras, agad kaming lalarga. Hindi na namin papalampasin yung oras na pwede naman naming gugulin ng magkasama.

“Nood tayong sine?”

“Ano bang palabas?”

“Hmmm … walang maganda e.”

“Kain na lang tayo?”

“Nood na lang muna.”

“Ge. Basta sagot mo ha?”

 

Pero sa bandang huli, siya pa rin naman ang masusunod. Magtatanong ako  sa kanya, kukunin ko yung opinyon niya, kahit na alam kong sa bandang huli, wala rin naman akong panalo sa mga desisyon niya.

Hindi naman ako nagrereklamo. Mahirap. Napakalabong magreklamo ako. Sabihin na lang nating, kahit na gaano ako kalakas, pagdating sa kanya, ang hina – hina ko.

At siguro nga, sadyang ganoon ko lang siya kamahal, na lahat gagawin at ibibigay ko, mapasaya lang siya.

Minsan, kapag nasa loob na kaming dalawa ng sinehan, bigla na lang niyang kukunin yung kamay ko at hahawakan, o kaya naman, hahalikan.  Minsan naman, ipupulupot niya yung braso ko sa braso niya hanggang sa matapos na lang yung palabas. Sa mga ganoong simpleng bagay, nararamdaman ko na lang na parang may mga paru – parong nagliliparan sa sikmura ko. Pag naman nagkakadikit yung mga balat namin, parang may kuryente naman na dumadaloy sa sistema’t kalamnan ko. Di ko alam kung senyales ba yun ng pagmamahal ko sa kanya, o sadyang malakas lang talaga ang epekto’t dating niya sakin.

Second(R8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon