Chapter 1

26 4 6
                                    

Ako si Shaira, simple lang naman ako 'yung tipong, public school nag aaral at walang arte sa katawan. Low class ang pamilya namin kaya minsan dahil sa kahirapan eh hindi na ako nakakapasok sa paaralan. Kaya nangako ako sa sarili ko na balang araw magkakaroon ako ng magandang buhay at kinabukasan. Libre lang naman mangarap. Hay! Kung magkakaroon ng pagkakataon gusto ko sana maging ganap na artista o kahit behind the camera lang ang role ko: cameraman o di kaya'y taga timpla ng kape ng mga artista, basta kikita ng malaking pera pangtustos sa pag aaral ko at ng mga kapatid ko. Bukod doon, nais ko ring makita si Zeus Collins.


Zeus Collins, siya ang Ultimate Crush ko. Marami rin siyang pinagdaanan sa buhay katulad ko, at dahil doon natuto siyang magsumikap at makipagsapalaran sa mundo ng showbiz.Nagsisilbi siya bilang isang magandang ehemplo at inspirasyon sa maraming kababaihan maging ng mga kalalakihan. Dahil doon lalong tumindi ang pagkakagusto ko sakanya. Sana pagdating ng tamang oras at tamang lugar ay matagpuan namin ang isat isa.

"Anak, mag ayos ka na at pupunta ka pa sabahay nila Tiya Margarette mo. Doon ka muna magbabakasyon," sigaw ni Mama na sa pakiwari ko ay nandoon siya sa kusina at nag aayos ng pagkain.

"Opo," bulyaw ko pabalik bilang tugon.

Nag ayos ako ng iilan kong mga damit, hindi man mgara pero alam kong presentable tignan. Mayaman sila Tiya Margarette kaya naman nakakahiya kung mukha kong hampas lupa na haharap sa kanya. Wala siyang anak na babae kaya naging paborito niya ako at itinuturing na parang anak. Pagkababa ko sa kusina nandoon si Mama at kumakain na. Hindi na ko kumain kasi nagsusuka ako sa biyahe malayo pa naman ang pupuntahan ko-- MANILA. Agad akong nagpaalam kay Mama at binilin na ipaalam ako sa iba dahil tulog pa sila. Tumango naman ito bilang tugon. Lumisan ako sa aming tahanan na may lungkot sa mga mata, mamimiss ko sila. Kalakip noon ang pagkaexcite dahil makikita ko nanaman si Zeus. Magkabarangay kasi sila ni Tiya at palihim ko siyang tinitignan minsan kapag daraan ang sasakyan niya. Napakagwapo niya!

Makalipas ang humigit kumulang na apat na oras ay napuntahan ko narin ang patutunguhan ko, ang bahay nila Tiya. Pagkapasok ko palang bumungad na sa akin si Kuya Pikoy, isa sa pinaka close ko sakanila.

"Shaira," bati niya sa akin atsaka bumulong na ,"I MISS YOU, SIS," natawa ako ng bahagya kasi hindi parin siya nagbabago.

"I miss you too, Sis," bulong ko din. Malaki at mamasel masel ang katawan ni Kuya Pikoy kaya di mo mahahalatanna may tinatagong kembot ito. Ako lang ang nakakaalam na bakla siya kaya pabulong o di kaya'y patago kaming naguusap.

Sinalubong din ako ni Tiya Margarette at Kuya Nathan. Nagtataka ako kung bakit feeling ko ayaw sa akin ni Kuya Vince, mabait naman ako sakanya. Sakanilang tatlo, siya ang pinakamisteryoso. May galit ata 'to sakin eh.

Naghain na si Tiya at  sabay sabay kaming kumain. Nasa gitna si Tiya, katabi ko si Kuya Pikoy at katapat ko si Kuya Vince. Katabi ni Kuya Vince si Kuya Nathan at katapat ni Kuya Nathan si Kuya Pikoy. Inumpisahan ni Kuya Vince ang usapan.

"BAKIT NANDITO KA?" sai niya habang nakatitig sa mga mata ko.

"Ah kasi..," nauutal kong sabi.

"Pinapunta ko siya," sabi ni Tiya sabay subo ng pagkain niya.

"Dapat 'di niyo siya pinapunta dito, di va kami sapat sainyo?" nalilisik na savi ni Kuya Vince.

"Hindi naman sa.."

"I lost my appetite," agad siyang tumayo at ibinagsak ang kubyertos na hawak niya. Nagulty naman ako sa ginawa niya kaya tinawag ko siya.

"Kuya Vince, teka," napatayo ako sa kinauupuan ko.

Humarap siya sakin at ngumisi. " Dont call me Kuya, di kita kapatid," at tuluyan na siyang tumalikod at umakyat.

Hinila ako ni Kuya Pikoy pababa dahilan para mapaupo ako. "Okay lang yan, masanay ka na dyan." sabi niya sa panlalaking boses kaya napatawa ako ng kaunti at tumango.

"Pikoy, tabi kayo ni Shaira sa kama mo ah, since you too looks like a bestfriend," sabi ni Tiya na nakatingin sa pagkain niya.

Di na kami nagsalita dahil di naman kami makakatanggi. Pagkatapos kumain pumasok na ako sa kwarto namin at inayos ang mga damit ko sa cabinet. Sumunod naring pumasok si Kuya Pikoy. Nagshower muna kami bago humiga sa kama.

"Sis, hayaan mo na si Vince. Ganoon talaga si Vince," sabi niya na parang nalugi. Ngumiti muna ako bago magsalita,

"Okay lang yun, Sis. Sanay na ako. Ako pa ba?" napangiti siya sa sinabi ko at biglang yumakap.

"You're so generous talaga, btw crush mo parin ba si Papa Zeus, Sis?"

"Oo naman Sis," sabi ko na halatang kinikilig.

"Patay tayo diyan , Sis. Dapat iclose mo si Vince." 

"Bakit naman?" nagtataka kong tanong kasi imposible kasing maging close ko yun.

"Basta, Sis.," at tuluyan na siyang tumalikod sakin.

  Bakit kaya? Hay. Makatulog na nga, naiistress ako. 

Different StatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon