This story is purely fictional,all of the characters, events, places, and scenes that is happening in this story that is related to living or dead is just coincidental.
Note: This is my first ever story, so better expect the typos, ugrammatical phrases, and wrong spelling words.
CHAPTER 1 *PAST
Ashley's P.O.V.
Nalulungkot akung isipin na baka kinalimutan na niya ako, na baka hindi na niya natandaan ang mga binitawang pangako niya sakin. Kahit ganun may nananatiling pag-asa sa aking isipan na baka pupuntahan, at babalikan niya ako at sabay naming tuparin ang mga pangako namin sa isa't isa.
"Hoy!" nagulat ako, muntik na akung mahulog sa kinauupuan ko, binigla ako ni Joshua bestfriend ko.
"Nagulat naman ako sayo, akala ko kung ano na!" sabi ko sakanya at nagsmile.
"Ba't mag-isa ka lang dito? Gabi na, baka may mangyari pang masama sayo dito sa labas." sabi niya sakin.
"Wag kang mag-alala, safe ako dito sa gate palang safe na safe na ako."
"Hahaha, nakalimutan ko. Akala ko ito yung lumang bahay niyo, alam mo miss ko na yung bahay niyo na yun ang daming memories natin dun."
"Ako nga rin miss ko na yun, lalo na yung bahay nina---"
"Yung batang kano na naman? Akala ko ba nakalimutan mo na siya?" may kunting galit na sabi niya.
"Nakalimutan? Diba sabi ko sayo hanggat hindi ko napatunayan na wala na siya, hindi ako magsasawang maghintay sakanya, kahit araw-araw pa akung pupunta sa lumang bahay nila,hinding hindi ko siya makakalimutan." sabi ko sakanya.
"Ang swerte niya." tipid niyang sagot.
"Maswerte din ako sakanya, naging inspirasyon ko rin siya sa buhay, palagi ko siyang iniisip, walang araw na hindi siya ang laman ng utak at puso ko." sabi ko na may ngiti sa labi ko.
"Gaano ba ako kahalaga sayo?" nagulat ako sa tanong niya.
"Anong ibig mong sabihin Josh?" tanong ko sakanya kahit alam ko na kung ano ang ibig sabihin nun.
BINABASA MO ANG
His Promise
RomanceMeet Anderson Beckham, ang lalaking nagbitaw ng pangako sa isang babae na hanggang ngayon, umaasa parin na tutuparin niya ang pangako niya. Ashley Gomez, ang babaeng naghihintay sa lalaking nangako sakanya na papakasalan siya pagdating ng ika-20 yr...