Chapter 1: The Heiress

204 7 0
                                    

Nakaupo si christina sa kanyang opisina sa HQ.

"Lady christina pinapatawag po kayo ni supremo" tumayo siya ng diretso at agad na naglakad patungo sa opisina ng supremo.
Dire-diretso siyang pumasok at hindi na kumatok.

"Pinapatawag mo raw ako sir" diretsong bungad niya.

"Sigurado ka na bang babalik kana talaga ng pilipinas christina?" Tanong sakanya ng supremo.

"Wala ng makapagbabago ng desisyon ko sir, magbabayad ang dapat magbayad" blanko parin ang ekspresyon ni christina.

"Kung ganun, sige. Pero bago ka bumalik ng pilipinas may tutumbahin tayo."

"Sino?"

"James chrizch, isa siya sa pinaka makapangyarihang allies ng montreal AT isa siya sa mga pinadala ng montreal para sa labanan niyo noon" nakangiting sabi ng supremo.

"Uubusin ko silang lahat" may diin na pagkakasabi ni christina.

"Ngayong darating na sabado may isang event na gaganapin sa italy dun niyo na siya tatapusin"

"Masusunod sir" agad na umalis si christina sa opisina ng supremo.
Pabalik na si christina sa opisina niya upang pag-iisipan ang plano.
Kinuha niya ang litrato ni evan na nakalagay sa table niya.

"Malapit na kitang igaganti evan, malapit nakong bumalik" agad niyang pinunasan ang tumulong luha niya. Tumayo siya at pumunta sa punishment ground nila.

Agad na nagsiyukuan ang mga tauhan nila doon.

"Asan si steven?" Tanong niya sa mga tauhan doon.

"Andito ako lady christina" sabi ng lalaking nasa mid-50's.

"Asan na ang bihag na inutos ko sayo?"

sumenyas si steven na kunin na ang bihag na hinuli niya.
agad na dinala ng kanilang mga tauhan kay christina ang sampung bihag.

"Sila ay namataan ng ating mga tauhan na umaaligid dito sa HQ" pagsasabi ni steven, habang si christina nakaupo sa isang upuan na tanging siya lang ang uupo.

"Sino ang nag-utos sa inyo?" Walang paligoy-ligoy na sabi ni christina.

"Walang nag-utos samin." Matigas na sabi ng lalaki.

"Okay."

"LET THE PUNISHMENT BEGIN."
anunsyo ni steven.

"S-stone! Benjamin stone!" Sabi ng lalaking isa mga bihag.
Naka smirk lang si christina.

"I Christina Daniella Difronzo, heiress of Lacosa Nostra. KILL THEM" pagkatapos niyang magbigay ng basbas, pinugutan ng ulo ng kanyang mga tauhan ang sampung bihag.
Agad itong bumulagta sa sahig.

"Stone huh? Pangatlo sa pinakamakapang-yarihang mafia sa russia. Sad to say patay na mga tauhan nila" nakangiting sabi ni steven kay christina.
Umalis na si christina sa lugar na yon.

Supremo's POv
"Babalik na siya ng pilipinas steven"

"Wala ng makakapag pigil sakanya supremo uhaw na siya sa ganti"

"Alam ko kung gaano niya kamahal ang anak ko, may tiwala din ako sakanya"

" Pano kung matulad siya sa anak niyo--"

"Hindi mangyayari yun, limang taon ko siyang sinanay. Sapat na yun para sa titulo niyang "SLAYER"

Christina's POv

nakaupo siya sa magarang sofa habang nakatingin sa mga papeles.

"Mark!" Tawag niya sa isa sa mga guardian niya.

"Ano po yun lady christina?"

"Gail bricks, 21 y/o, assassin. Yan lang ang nakalagay sa profile niya, san ko ba sya makikita?" Tanong niya sa guardian niya.

"Ano po ang plano niyo sa kanya lady christina?" Agad siyang binigyan ni christina ng blankong ekspresyon.

"E ha-hack ko po ang system niya lady christina para makita ko ang detelyadong profile niya" at agad itong umalis.

"Ch--christina"

"N--noooooooo!!"

Bumalik nanaman ang mga ala-ala ni christina sa nakaraan niya.

"Evan kelan ba tayo magkikita? Miss na miss na kita. Mahal na mahal kita evan." Umiiyak na sabi ni christina.

"Riinngg!!--riiingg!!"

"Hello?"

"Your highness" nakatawang sabi ng nasa kabilang linya.

"Bakit ka tumawag?" Diretsong tanong ni christina.

"Nabalitaan ko uuwi ka na raw ng pilipinas" sagot ng lalaki.

"San mo naman nakuha ang balitang yan?"

"You know me princess" nakatawang sagot nito.

"Oo babalik na ako, malapit na. Ang plano ay plano"

"plan is plan your highness" at agad na nitong pinatay ang tawag.

Sa Pilipinas

Nagpupulong ang samahan nila jessy para daw sa pagbabalik ng slayer.

"Babalik na ang slayer nais kong maging handa kayo para sa pagdating niya, dapat hindi makarating ang balitang to sa mga kalaban natin" tumango lamang ang mga tauhan niya.

"Ngunit ms.Young alam na ba ng slayer na binuo natin muli ang grupo ng kanyang ama na nawasak?"

"Hindi pa niya alam. Ngunit alam kong magiging masaya ang slayer sa sorpresa natin sakanya."
Pagkatapos ng pagpupulong na iyon naiwan si jessy sa kwartong iyon.

"Babalik ka na christina, babalik ka na. Saksi ako sa mga paghihirap mo simula ng mawala ang iyong ama. Bilang iyong guardian, responsibilidad kong alagaan ka. Alang-alang sa bilin ng iyong ama.

Flashback

"Jessy"

"Yes milord"

"Kung ano man ang mangyari sa akin sa labanang ito. Gusto kong bantayan mo ang anak ko."

"Guardian po ako ng anak niyo my lord kaya babantayan ko po siya"

"Ang ibig kong sabihin oras na mawala ako, alagaan mo ang anak ko. Sayo ko siya ipinagkakatiwala."

"Wag kayo magsalita ng ganyan my lord, babagsak ang mga rizutto."

"Mapapatay man nila ako pero alam kong di pa magwawakas ang labanan sa pagitan ng mga difronzo at rizutto. Kaya mangako ka jessy"

"Pangako po my lord. Aalagaan ko po si lady christina"

An: tenen! hahahaha. Nakapag UD na rin. please vote & comment:*

The Slayer's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon