Istorya ng Pinaasa
Kinilig ka, dahil ang pinakagwapong lalake sa classroom nyo ay may crush daw sa'yo sabi ng kaibigan mo. Pero biglang naisip mo na baka pinagti-tripan ka lang nito. Sinabi mo naman na hindi ka naniniwala pero sya tinutukso ka.
Isang araw naglalakad ka sa corridor ng floor nyo, tumigil sa dahil may lalaking huminto sa harap mo. 'Yon pala 'yung classmate mo na sinasabi ng kaibigan mo na may crush sa'yo.
Nabigla ka ng may dala syang rosas at itinapat nya ito sa mukha mo. Akmang kukunin mo na pero binawi nya at tumawa ng malakas at ikaw naman feeling napahiya. Buti nalang kayong dalawa lang ang tao dahil pareho kayong late.
Sabay kayong pumasok, nakita ng kaibigan mo na may mapanuksong ngiti sa labi.Dumating ang teacher nyo at sinabing may gagawin kayong project by pair. Sinabi na ng teacher ang mga pares at sa di inaasahan ang partner mo ay ang ang classroom crush nyo na may crush daw sayo. Napaisip ka "Ito na ba ang tinatawag nilang destiny?,eh?." Napailing ka nalang sa inisip mo. Lumapit sayo ang partner mo at sinabing sa bahay nalang daw nila kayo gagawa ng project. Tanging tango lang ang sinagot mo.
Dumating ang araw na ngayon nyo na gagawin ang project sa bahay nya. Pagdating mo dun sinalubong ka nya at pinapasok sa bahay nila. Naglalakad kayo ng makasalubong nyo ang nanay nya.
"Sya na-"
"Hindi."
Naguguluhang tumingin ka sa mag-ina. Tumawa lang ang nanay nya at nilagpasan kayo.
Habang gumagawa ka ng project nyo ay di mo mapigilang mapatitig sa kanya. Akala mo na puro kalokohan lang ang alam nito, matalino rin pala ito, seryoso at masipag mag-aral. Yan ang gusto mo sa lalake at na-realize mo bigla na nagsisimula ka na palang humanga sa kanya. Napangiti ka nalang at itinuloy ang paggawa ng project.
Lumipas ang mga araw at buwan hindi mo namalayan na unti-unti ka na palang nahuhulog sa kanya.
Pero pano kung di ka nya saluhin?.
Sa twing naalala mo ang pinaggagawa nya sa'yo tulad ng pakikipagkaibigan sa'yo, pang-aasar, pagnagtampo ka susuyuin, pagnagalit mag-sosorry ka-agad at gumagawa ng sweet moments.
Posible bang saluhin ka nya? O baka Ikaw lang ang naglalagay ng kahulugan sa mga ginagawa nya sa'yo?. Napabuntong hiniga ka nalang at muling nag-lakad na patungong classroom.Pagdating mo sa classroom nyo ay para kang binuhusan ng tubig sa nakita at halo-halong emosyon ang naramdaman mo. Naiiyak, nasasaktan, galit, naiingit.
Naiiyak dahil nasasaktan ka.
Galit dahil pinaasa ka lang nya.
Naiingit dahil sa kung sino pa yung nang-aasar sa'yo noon na may crush sa'yo ang lalakeng mahal mo na ngayon ay sya pa itong nakatayo sa gitna ng klase na ang dalawang kamay nya ay hawak ng lalakeng mahal mo habang nakaluhod.
Dahan-dahang pumatak ang luha mo sa nakita at bumuhos nang tinanong ng mahal mo ang kaibigan mo na pwede ba syang maging girlfriend nito.
'Di mo na tinapos ang panunuod sa kanila at tumakbo papalayo sa lugar na 'yon
"Ang tanga ko, ang tanga-tanga ko!," paulit-ulit mong sigaw sa isip mo. Napa-isip ka kaya sya nakipag-kaibigan sa'yo ay para makuha ang tiwala mo na ligtas at pasisiyahin nya ang kaibigan mo. Patuloy parin ang pagtulo ng luha mo.
Akala mo ikaw ang gusto,
'yun pala ang kaibigan mo.******
A very short story.
