Shortcut

65 5 3
                                    


Shortcut

Sometimes it's safe, sometimes it's not.

Cassy's POV

Narinig kong tumunog ang bell kaya dali dali akong nag-ayos ng mga gamit at nagpaalam sa mga kaibigan ko. Ala singko nang hapon kaya naman nakakapagtaka dahil madilim na, nakakatakot tuloy. Maglalakad kasi ako pauwi ngayon dahil trapik sa amin dahil sa prusisyon, mas mabilis ka pa ngang makakarating sa patutunguhan mo kapag naglakad ka.

Habang papalabas ako ng gate, nakita ko ang isa sa mga hinahangaan dito sa eskwelahan kaya naman saglit akong tumigil upang titigan siya. Siya ang team captain ng basketball , hindi naman ako mahilig sa sports pero nanonood talaga ako lalo na't siya ang naglalaro. Sabi ko nga isa siya sa hinahangaan at kasama na ako doon.

" Alam mo na ba ang balita? " narinig kong tanong ng isang babae sa kasama niya at dahil sa kursyonidad mas lumapit pa ako sa kanila upang malinaw ang marinig ko.

" Anong ballita ba yun? " tanong naman ng isa, ano nga ba?

" May natagpuan na namang patay sa may shortcut, doon sa may Leticia Street " sabi ng babae. Tumango tango naman ang kasama siya na para bang alam na niya ang balitang iyon.

" Narinig ko rin yan, hindi lang isang beses ito nangyari kundi pangatlo na " sabi pa nung isa, kinabahan tuloy ako kaya naman mas binilisan ko na lang ang lakad para makauwi ng maaga.

*******

Naririnig ko ang mga busina ng sasakyan. Malamang galit na rin ang mga ito, grabe ba naman ang trapik. Pagod na rin ako dahil malayo layo pa an gaming bahay dito, pero mas mabuti na rin ito kesa naman sumakay pa ako, alam ko namang maglalakad din ako gaya ng ginagawa ng ibang pasahero.

Hindi naman ganito palagi, pero nangyayari talaga. Habang naglalakad dinama ako ang ihip ng hangin, malamig ito dahi maggagabi na, hindi gaya kanina ang init. Sa sobrang init pati yung electric fan mainit ang buga ng hangin.

Dadaan na lang ako sa shortcut para mas mapabilis ako. Napatigil ako sa naalala, may namatay nga pala sa shortcut. Hindi lang isa pero pangatlo na sa linggong ito. Kinabahan tuloy ako. Pero binalewala ko ito at nagpatuloy sa paglalakad baka abutan pa ako ng sobrang dilim.

Muli akong napatigil sa paglalakad, napatingin ako sa aking likod at nakita ko siya sa di kalayuan. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ko alam kung dahil ba sa kabang nararamdaman ko. Napatingin siya sa akin kaya naman mas lalo akong kinabahan, nginitian pa niya ako kaya halos mahimatay ako sa ginawa niya.

Nawala lang ang kaba ko ng pumasok siya sa isang tindahan, napabuntong hininga ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Kailan ko kaya siya makakausap? Bakit sa kanya pa ako nagkagusto? Imposible namang magkagusto din siya sa akin, kilala siya sa eskwelahan at marami din magagandang nagkakagusto sa kanya. Hindi ko din naman maiiwasang mag isip na sana ako naman ang pagtuunan niya ng pansin, sa akin naman siya magkainteres. Buhay nga naman.

*****

Lumunok muna ako bago ko tahakin ang madalim na iskinita. Para makauwi ako ng maaga, wala naman sigurong mangyayaring masama sa akin. Bibilisan ko na lang ang lakad ko. Ang mas nagpapakaba pa sa akin ay ang katahimikan ng lugar. Nakadaan na ako dito pero maliwanag pa hindi ganitong kadilim, ngayon ko lang naalala, wala pa lang ilaw ng poste dito. Nakakainis bakit ngayon ko lang naalala iyon?

Dahil sa takot mas binilisan ko pa ang lakad ko, lalo akong kinabahan ng may maramdaman akong sumusunod sa likod ko. Napakatahimik ng daan na parang nasa isang abandonadong lugar ako kaya naman dinig na dinig ko ang mga yapak niya.

Napasigaw ako sa gulat ng may marinig akong bumagsak sa aking likuran, nagulat na alng ako sa nakahandusay na katawan sa aking likuran. Nakita ko rin siya na nakangiti sa akin.

" Ayos ka lang ba? Kanina ka pa sinusundan nito " sabi niya sabay turo sa lalaking nakahandusay.

"O-oo salamat " hindi ako makapaniwala na nasa harap ko siya at niligtas pa niya ako. Imbes na matakot, kilig at tuwa lang ang nararamdaman ko.

" Ihahatid na kita, baka kung mapano ka pa " nakangiting sabi niya.

" Ha? " iyon na lang ang mga nasabi ko dahil bigla niyang hinila ang kamay ko at saka naglakad.

Sikreto akong ngumiti, ang hinahangaaan ng lahat katabi ko ngayon at hawak hawak ang kamay ko. Kaya hindi na ako natakot kahit halos wala nang ilaw sa paligid mas lalo pa akong lumapit sa kanya, napansin kong ngumiti lang siya sa ginawa ko at hinigpitan ang hawak sa aking kamay. Napasip ako hindi naman pala nakakatokot pumunta sa Leticia Street, dito na ako palagi. Mas mabilis na nga ang daan may magandang memory pa.

Bigla siyang tumigil sa paglalakad kaya napatigil rin ako. Kinabahan ako bigla ng humarap siya sa akin, sobrang lapit ng muka niya pigil ang paghinga ko habang nakatingin sa mga maaamo niyang muka.

" Cassy " sabi niya kaya napalunok ako.

" Bakit? " mahinang tanong ko.

Magsasalita pa sana ako ng makaramdam ako ng kirot sa aking tagiliran, nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang kutsilyo na nakasaksak dito. Tumingin ako sa kanya at lalo akong natakot dahil sa ngisi niya. Nakakatokot para bang ibang tao na ang nasa harap ko. Gusto kong sumigaw pero oo nga pala walang makakarinig sa amin dahil nasa shortcut kami.

" Dapat kasi hindi kana dito dumaan " sabi niya pa habang inuundayan ako ng saksak.

Tawa siya ng tawa habang ginagawa niya iyon kahit tuluyan na akong bumagsak at hinang hina na.

" Ngayon sino naman kaya ang isusunod ko? " huli kong narinig mula sa kanya bago tuluyang nagdilim ang paligid.

END

Shortcut ( un tiro )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon