one shot

10 1 0
                                    

Bakit ikaw pa? Ikaw na walang alam na gustong gusto ko. Ikaw na sobrang layo sa akin, oo sobrang layo. Yung tipong di mo na nga ako kilala, nasa ibang bansa ka pa.

3 years after ka pang makakabalik dito sa Pilipinas at sa 3 years na iyon, wala man lang akong pinanghahawakan na mga salita na galing sa iyo. Tanga na ba akong umasa na sana pagkabalik mo dito, hindi pa sirado ang puso mo upang magmahal ng muli? Hindi pa huli ang lahat upang makilala't magkita tayo ? Hihintayin ko ang pagbabalik mo. Oo tanga na ako. Tangang-tanga.

Sa pamamagitan ng mga kwento ng iyong pinsan sa akin, nakikilala na kita di man lubos na kilala ngunit may alam naman na ako tungkol sa iyo. Posible pa lang magkakagusto talaga ako sa iyo sa pamamagitan lang nun. Ayokong ipaalam sa iyo na gusto kita, ewan ko nga ba. Siguro nahihiya ako ng lubusan. Pero kahit ganito minamahal pa rin kita. Minahal sa malayo.

Bakit ikaw pa? Ikaw na sobrang layo sa akin. Ikaw na hindi ko nakikita ng personal. Madami namang iba dyan, ngunit ikaw pa rin ang pinili ng puso. Tanga na ba o nagmamahal lang talaga?

Nasaktan na ako ng sobra noon, at sa pagkakaalam ko, pareho tayo ng pinagdaanan, pareho tayong niloko ng ating mahal sa buhay. Ng dahil doon, natakot na akong magmahal muli, natakot na akong mahulog muli't masaktan. Ngunit dahil sa iyo, nagbago, kaya ng magmahal muli't handa ng masaktan ang puso kong sobrang nawasak.

Mahal kita, mahal na mahal at hihintayin ko ang muling pagbabalik mo dito sa Pilipinas.

Bakit Ikaw Pa?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon