Before She Passed Away

40 0 0
                                    

Tinitigan ko lang ng mabuti ang muka ni Jenny habang nakahiga at nahihirapang huminga.... hindi nya naman ako.iiwan diba? Mahal namin ang isat isa..... marami pa kming pangarap sa relasyon namin......sobrang dami pa.

Napansin kong dumilat si jenny at tumingin sakin bago ngumiti, nasasaktan ako hbang nakikita ko syang nahihirapan, sabi ng doctor samin.... wala na daw lunas ang sakit nya, pero hindi ako naniwala. Pinilit kong paniwalain ang sarili kong walang sakit ang taong mahal ko.

"Ohh....bakit nakasimangot yang muka mo?" Nahihirapang tanong nya habang nakangiti sakin, napapansin kong ang putla na nya. Kumpara dati na...... maputi at pinkish ang balat nya.

"Shhhhh.....magpahinga kalang ha?" Sabi ko sakanya, pinipigilan kong pumatak ang luha ko, dahil ayaw nya daw makitang umiiyak ako.

"Ja-jake......wag kang.....pang.
.....hihinaan ng loob ha?....ka-kahit na......ma-mawala na ako....gusto ko na.....ikaw parin yu-yung.....jake na, palaging......masaya pa-palaging nakangiti.....at hi-higit sa lahat yu-yung.....pagiging matakaw mo.....wag mong aalisin h-ha?......ku-kundi mumultuhin ta-talaga kita" hawak nya ang kamay ko ngayon at pinilit nyang ngumiti.

"Ano kaba jenny! Wag ka ngang magsalita na parang mawawala kana!" Suway ko sakanya pero nginitian nya lang ako at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

"Tatandaan.....m-mo la-lagi na ma-mahal ki-kita ha?........palagi kitang babantayan....." agad akong kinabahan ng pumatak nalang bigla ang luha nya at dahan dahang kumalas sa pagkakahawak sa kamay ko bago pumikit.

Tumawag ako ng nurse..... hindi sya mamatay, hindi nya ako iiwan! Alam nyang masasaktan ako pag iniwan nya ako..... magpapakasal pa kami....... ano ba jenny?! Lumaban ka!

Napatayo agad ako ng lumabas ang doctor, "doc, kamusta po sya?? Buhay pa po sya diba?" Humahagulgol na tanong ko sakanya.

"Panandalian pang tumibok ang puso nya, inabot nya sakin tong papel nato bago nya ituro ang pinto.... kaya alam ko na ang gusto nyang sabihin, matapos nyang ituro ang pinto...... nag stop na ang heart beat nya..... sad to say pero, she passed away." Agad bumalik sa ala ala ko ang mga ala ala naming dalawa. Yung panahong nangako kami sa isat isa,

"Dyan! Dyan sa simbahan na yan kita pakakasalan!" Sabi ko sakanya habang tinuturo ang sanfelipe church.

"Talaga?" Natatawang tanong nya kaya tumango agad ako.

" edi kung ganon pala, ngayon plang mag ipon kana!" Natatawang sabi nya sakin.

"Jenny...... ipangako mo sakin na.....hindi mo ko iiwan ha?" Seryosong sabi ko sakanya habang nakatingin ng diretso sa mata nya, agad syang nag iwas ng tingin.

"Hindi ko maipapangako jake.... pero pipilitin kong lumaban." Nakangiting sagot nya sakin.

"Tara na nga! Dun naman tayo sa luneta!" Aya niya sakin kaya tumayo nalang ako para sumunod sakanya.

"Jenny.... sa araw ng kasal natin halikan mo ko ha?! Hanggang ngayon kasi dimo parin ako hinahalikan kabit na smack lang." Natatawang request ko sakanya. Agad naman syang huminto sa paglalakad bago lumapit sakin tyaka nya ako hinalikan sa labi nagulat ako sa ginawa nya..... hinalikan ko din sya pabalik, her kiss is full of love. Tumagal ng ilang minuto ang paghalik nya sakin bago nya ako hawakan sa kamay.

"Oh ayan na kiss na kita ha?! Wag ka ng magreklamo! Tara na."

Napahagulgol nanaman ako bago pumasok sa loob ng kwarto nya. Nakatakip na sya ng puting kumot, tinggal ko ang kumot na naka takip sakanya tyaka ko sya yinakap ng mahigpit.. ang lamig na ng katawan nya...

"Jenny, bat mo ko iniwan? Hindi ba magpapakasal pa tayo? Jenny gumising ka nga!" Sabi ko sakanya. Wala na talaga sya, napangiti ako ng mapakla at naalala ko yung papel na binigay nung doctor sakin.

Dear,Jake

Sorry kung.... hindi na natin matutupad ang kasal, sorry dahil mahina lang ako at nagpatalo ako sa sakit ko. Mahal na mahal kita jake.... hindi ko man natupad ang mga pangako natin sa isat isa atleast alam ko sa sarili ko na mahal kita, salamat sa pagttyaga mong puntahan ako dto sa ospital, salamat sa oras oras na pagbabantay mo sakin, dahil sayo..... pinilit ko paring labanan ang sakit ko... pero dadating pala talaga yung time na mas malakas na yung sakit mo kesa sayo.... :) pasensya kana jake kung iiwan kita.... kung may mabibilan lang talaga ng buhay bumili na ako para lang makasama ka.... eto lang ang tatandaan mo jake, hinding hindi ako mawawala sa tabi mo. Babantayan kita tulad ng pagbabantay mo sakin dto sa ospital.

Sincerely loving you,

Jenny Montejo :)

Muli nanamang pumatak ang luha ko, "Mahal na mahal din kita jenny, hinding hindi ka mapapalitan sa pusot isipan ko. Kung nasan kaman ngayon sana masaya ka.... sorry din kasi hindi ko natupad yung pangako ko na hindi ako iiyak sa harapan mo,pero mapangahas ang mga luha ko e. Iloveyou jenny mahal na mahal kita." Yan ang huling salitang binitawan ko bago na ulit itakip ang puting kumot kay jenny.

Mahal na mahal kita jenny.

Before She Passed Away (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon